CHAPTER 4

2032 Words
Sunday ngayon kaya nasa bahay lang ako. Bored na bored ako dahil nga wala akong alis today. Panay nga ako chat kay Osang na kung pwede ba sa kanila na tumabay ang tagal tagal niya mag reply kaya kung sino-sino na ang kinausap ko para lang makaalis sa bahay. Nang mag reply siya anong oras na ilang oras bago niya na replyan para sabihin na nandoon daw ang mga tito at tita niya. I don’t have a choice but to stay here. Bumaba ako sa sala para doon tumambay para mag libang. Walang tao sa bahay malamang nasa labas na naman si Lota at nakikipaglaro sa mga bata sa labas. Hindi ako sanay na walang alis o hindi umalis ng bahay. Ang ganda ng palabas kaya nalibang ako kahit papaano kaso yung bida-bida kong kapatid na kakauwi lang galing sa labas naki-epal sa TV at inilipat pa niya ng channel. “Hoy Lota wag kang epal!” inis na sabi ko tsaka kinuha yung remote at inilipat sa channel kung saan ang pinanonood ko. Bwisit talaga ang baboy na ito! Hindi naman siya nagpatalo nakipag agawan siya sa remote. Hirap magkaroon ng epal na kapatid! “Panget pinanonood mo,” Inirapan ko nga siya. Pilit kong inilayo ang remote sa kanya, siya naman inaagaw din. Kahit kailan hindi siya magpapatalo sa akin kaya madalas kaming nag-aaway ng baboy na ito. “Lota tumigil kana nga!” inis na inis na ako dahil hinihila niya talaga yung buhok ko. Malakas ko ngang hinila ang buhok niya ayun iyak at tumakbo palabas ng bahay. “Iyak ka pala ih,” sabi ko na lang. Bumalik ako sa panonood ng TV para mabilis lumipas ang oras pag may ginagawa kapag wala ang bagal bagal at ang boring. Pero hindi na ako natutuwa sa pinanood ko dahil nga nawala na ang interes ko dahil sa panggugulo ni Lota sa akin nakakainis, pati panonood ay nakaka-boring na rin. Bumalik ang malditang bata at kasunod na si Mama na galit na galit ang itsura. Alam ko na agad kung bakit dahil nagsumbong ang magaling na si Lota. Mali mali na naman sumbong niya. “Eska anong ginawa mo dito sa kapatid mo?” tanong ni mama. “Nanonood ako dito nang tahimik papasok siya tapos aagawin yung remote,” “Ang sumbong niya sinabunutan mo daw siya,” Tiningnan ko nga ng masama si Lota doon na nasa tabi ni mama. “Sinabi din ba niya sayo ma kung bakit ko siya sinabunutan?” tanong ko pa kay mama. Alam nyang wala akong gagawin sa impakta kung hindi niya ako inunahan. “Ano ginawa niya?” tanong ni mama sa akin. “Nakikipag agawan sa remote at na nabunot siya kaya sinabunutan ko para mapalayo siya sakin,” Hindi na alam ni mama kung anong gagawin niya napailing siya sa amin. “Lota ikaw nga alisin mo yan pagiging epal mo nanahimik ang ate mo ikaw ang papasok. Doon ka sa labas maglaro,” utos ni mama sa kanya. Lumakad na siya palabas pero bago yun dumila muna sakin. “Maldita talaga,” sabi ko na lang. “Nagsalita ang hindi,” Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni mama, lumakad na din siya palabas ng bahay. “Lumayas na ang mag nanay,” Bumalik ako doon at nanood ng TV ng malibang kahit paano, boring na kasi ng sumunod na palabas. Hindi interesting ang story lines. Wala talaga akong magawa ngayon. Yung ibang tropa ko kasi busy na tapos ni-isa walang nag-aaya uminom, sad life. Kanina pa ako waiting sa gilid. Nakakamatay ang pagka bored kanina pa ako patay. Nagsawa na din ako mag scroll sa social media newsfeed ko panay mag jowa na lang ang nakikita ko roon. Kaya pag nag-break sila pati ako malungkot. Lilipas na lang ba ang maghapon ng nasa loob lang ako ng bahay. Wala naman akong ibang mapuntahan. Lahat sila hindi available mga busy sa kanya kanyang buhay. Nilibang ko ang sarili ko sa pagse-cellphone. Walang ibang magawa ayaw ko naman kumain dahil naka upo lang ako dito. Lilipas din naman ang oras. Nanood na lang ako ng video sa feed ko. Magsawa ako sa panonood lumabas na lang ako ng bahay, panoorin ang mga batang naglalaro at mag-aaway, mas nakakalibang pa iyon kesa maupo ako dito at manood lang ng video. Aasarin ko na lang si Lota doon. Paglabas ko ng bahay nandoon lang pala siya sa tapat kasama ang mga bata na anak ng kapitbahay namin na madalas niyang kalaro at madalas niya din kaaway. “Hoy Lota ang daya mo naman!” sita ng kalaro niya sa kanya. “Natatalo lang kayo tapos sasabihin mo akong madala,” “Ayoko na nga,” maktol nung bata na kalaro niya. “Hoy Kendy wag kang madaya!” sigaw ng kakampi ni Lota. Naglalaro kasi sila ng ten-twenty. Ayaw mag pataya ng kalaro ni Lota. Kaabang abang ang mga susunod na tagpo. Mukhang may iiyak na. Akmang itutulak ni Kendy si Lota. “Nandyan ang ate ko,” mayabang na sabi ni Lota at itinuro ako dahilan para hindi matuloy ang gagawin pagtulak sa kanya. Bigla na lang umiyak ng malaka si Kendy tsaka tumakbo paalis. Panigurado magsusumbong iyon, paktay ka Lota. Lumapit ang kapatid ko sa akin. “Tanga ka lagot ka nagpaiyak ka na naman ng kalaro mo!” pananakot ko sa kanya. Apaka maldita kasi niya at ang bully sa mga kalaro. “Iyakin talaga siya tsaka wala naman akong ginawa sinabi ko lang naman na nandyan ka,” pangangatwiran niya. “Kahit pa lagot ka susgurin ka ng nanay nun,” She rolled her eyes. “Pake ko naman. Tatawagin ko si mama,” Mabilis siyang pumasok sa loob ng bahay kay sumunod na din ako sa kanya. Nandoon sa kusina umiinom ng tubig. Kabado bente ang bruha. Hindi siya takot sa nanay ng kalaro niya kasi takot siya kay mama. Panigurado papaluin siya ni mama, hindi naman kunsintidor si mama lalo na pagdating sa amin pero handa si mama na makipag away kung alam niyang nasa tama kami. “Lagot ka talaga kay mama,” mapang asar kong sabi sa kanya. “Bakit naman ako lagot nakita mo dapat itutulak niya ako,” pangangatwiran pa niya. Halata na sa mukha niya na kinakabahan siya kasi takot talaga siya kay mama. Basta ako ngiting nangaasar lang doon. Pay back time Lota. “Hoy ate ang pangit mo tigilan mo yan,” Mas lalo ko lang pinalawak ang malokong ngiti sa aking labi para mas kabahan siya. “Carlota!” sigaw ni mama ng nasa malayo pa lang siya. Sa tingin ko ay papasok pa lang ng bahay. Mahihimigan mo na galit at gigil sa boses niya. “Humanda kana,” paalala ko kay Lota. Tahimik lang ako na nakatingin kay mama. Masama ang tingin niya kay Lota. “Anong ginawa mo sa anak ni mareng Ligaya?” tanong agad ni mama. “Wala,” mabilis niyang sagot. Tinaasan siya ng kilay ni mama. Lagi naman silang ganyan. “Ano na naman sumbong ng Kendy na yan?” tanong niya. “Carlota nga babae ka hindi lalaki!” “Mama wala naman akong ginagawa,” sabi pa niya. Kasi kung kasalanan niya umiiyak na yan. Nakita ko ang mga pangyayari masasabi ko na wala naman talaga siyang ginawa. “Ikaw Eska hindi mo man lang sinuway yung kapatid mong maldita,” Bumaling ako ng tingin kay mama. “Ayan na damay na ako,” reklamo ko. “Aba tatamaan kayong dalawa sa akin,” Tumingin ako kay Lota tsaka siya inirapan. “Mama wala akong ginagawa,” “Anong wala umiiyak nga,” Tumawa pa si Lota sa sinabing iyon ni mama. “Ikaw Carlota wag lalabas kung awayin mo lang lahat ng bata sa labas,” “Mama sadyang iyakin lang yang si Kendy,” sabat ko. “Kinakampihan mo pa kapatid mo,” “Alangan naman si Kendy kampihan ni ate ako kapatid niya,” Galit na galit si mama sa amin ni Lota. “Tsaka mama kilala mo si Lota pag may kasalanan siya umiiyak na agad,” Napaisip si mama sa sinabi ko iyon ang totoo pag kasalanan ni Lota naiyak siya agad kaya alam na namin na may ginawa siya. “Oo nga ano iyakin pala talaga ang apo ni mareng Ligaya,” “See,” “Lota maligo kana at ikaw Eska magsaing na,” Tumayo ako tsaka sinunod ang utos ni mama. Konting oras na lang pala matatapos na yung araw ang bilis. “Bantayan mo ha,” paalala niya bago lumabas ng kusina. Naiwan akong mag-isa doon. Hindi nagtagal bumaba na si Lota na may dalang towels at damit. Mukhang maliligo na siya. Pag di pa siya sumunod palo siya kay mama. “Yan tama yan maligo ka na ang baho mo na,” pang aasar ko. Sinalang ko na yung sinaing. Doon na ako tumambay para bantayan yung sinaing baka masunog pa iyon papagalitan pa ako ni mama. Balik scroll sa feef na lang muna ako habang binabantayan ang sinaing. May mga notification ako I tap to see it. Yung iba tag lang at mga reats sa shared post ko. Miguel Rosales sent a friend request Napaisip ako sinong Miguel Rosales? Sino ba ito. I click the picture profile to check kung kilala ko. Hindi ako makapaniwala dahil sa nakita ko siya ang ipinakilala ng ex ko. Paanong? “Omygosh!” tili ko. Putang*na bakit parang kinikilig ako. Hala gago masama sa akin ito. Accept ko ba kaso ayaw ko siyang mag friend pwede kaya na relationship status agad. Ang landi naman ng naiisip ko. I tap to accept his friend request. Nanlaki yung mata mo ng makita kong online siya. Napunta ako sa message hala nag type siya. Abang na abang ako sa message niya. Ano ang tinatype niya bakit ang tagal! Bilisan mo naman na excite ako! “Huy ate para kang tanga dyan yung sinaing kumukulo na haluin mo!” Panira ng moment ang baboy na ito. “Psh!” Tumayo ako para asikasuhin ang sinaing baka masunog pa yari ako kay mama nito. Wala na siyang plano na isend kung ano man ang message niya. Galaw galaw Miguel beke nemen. Ikaw din baka maunahan ka pa ng iba. Nag-chat pa ako sa group chat namin nila Niem. syempre share the kilig diba. Hindi pwedeng sila lang dapat ako rin. Online naman siya pero bakit hindi ma-send yung message. Kainis naman! Ayoko na ako mauuna mag-chat baka kung ano pa isipin niya. Hayaan ko na lang nga siya. Umakyat na ako sa taas at nag charge ng phone iniwan ko muna yun doon. Maliligo pa muna ako kasi baka dumating na si papa at kakain na kami. Monday na bukas may pasok na ulit. Salamat naman hindi na ako buryo sa loob ng bahay. Taong labas kasi ako ayoko ng na stay sa bahay parang nakakabaliw tapos kasama mo pa si Lota na may saltik. Hindi mawala sa isip ko kung ano ang message na dapat i-send ni Miguel. Mabilis lang akong naligo tsaka ako umakyat sa taas. Gagawa pala ako ng research paper pasahan na ata iyon bukas. Ayokong magpuyat kasi antukin ako panay lecture ang class ko bukas kailangan kong mag focus. Mahilig magpa surprise quiz. Sinimulan ko na yung research paper ko para kahit paano ay may natatapos ako. Ayoko maaga gumagawa kasi ang pangit pag minadali sa akin mas maganda. Nahinto lang ako sa paggawa ng tinawag ako ni Lota dahil kakain na daw kami ng hapunan. Nandyan na si papa kaya kakain na kami. Bumaba na ako doon. Naghuhugas ng kamay muna bago tumulong mag-ayos ng hapagkainan. “Aba saan galing birthday yan?” tanong ko ng makita akong menudo. “Dala yan ng papa mo,” sagot ni mama. “Lasing ba?” tanong ko. Matic na yun pag galing birthday yun. “Malamang parang ikaw yun,” Ayan ako na naman ang nakita niya. Lagi akong nadadamay sa mga ganyan. Mapa-tatay o mapa-kapatid damay ako. Maingay ang hapag dahil nga sa lasing si papa. Tawang tawa siya ng kwento ni mama ang ginawa ni Lota kay Kendy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD