CHAPTER 5

2085 Words
Malalakas na mga pagkatok ang gumising sa akin pero hirap akong buksan ang mga mata ko sa sobrang antok. Hindi tumigil ang mga katok sa roon. Palakas ng palakas iyon na parang gusto ng sirain ang pinto. Ang aga pa pero ang ingay na agad. Ano bang meron? Sinubukan kong dahan dahan na buksan ang mga mata ko. Nakita ko na nakasara ang pinto kaya agad akong tumayo at lumakad para buksan iyon. Sisikat pa lang ng araw pero ang ingay na at nang gising na agad tsaka patakbing bumalik sa higaan. Niyakap ko ang unan at muling pumikit para bumalik sa pagtulog. Wala pang ilang minuto na nakapikit ako ng biglang. “Hoy!” sigaw iyon ni mama. Kaya agad akong napadilat ng mata. Tumambad sa akin si mama na naka pamewang at masama ang tingin niya sa akin. “Aba ano Eska sarap ng buhay mo ano matulog ka na lang ba?” Hindi ako nag salita para sumagot pa. Inaantok pa ako ng sobra kaya anong gagawin ko. “Parang walang naririnig ah,” Pag sumagot ako di mas lalo siyang magbubunganga. “Ano hindi ka pa babangon?” “Gusto mo ba na buhusan kita ng tubig para bumangon kana dyan!” “Puyat na puyat wala ka namang napala,” Panay ang pagsasalita ni mama. Gusto ko lang naman matulog dahil masakit ang ulo at mata ko. Kaso kung ganyan walang pag-asa na makatulog ako. “Parang wala kang pasok ngayon Eska baka nakakalimot ka lunes ngayon,” Napaisip pa ako sa sinabi ni mama. s**t monday nga ngayon! May early class ako major pa naman. Hirap akong bumangon ay ginawa ko pa rin dahil kailangan kong mag prepare ng sarili para pumasok. Umupo muna ako tsaka pakiramdaman ang sarili kung kaya ko na bang kumilos. “Pinahihirapan mo lang ang sarili mo bata ka!” “Dapat kung magpupuyat ka sabado at lingo para wala kang pasok kahit pa hindi ka matulog!” Tuloy pa rin si mama sa pagsesermon sa akin. Wala pa rin ako sa tamang wisyo dahil sa matinding antok. Anong oras na ba at ganyan na lang ang galit niya sa akin. Nag-alarm na din ako mukhang hindi ako nagising dahil sa ingay ng sermon ni mama ako nagising. “Bumangon kana at bumaba na anong oras na Eska!” Buong akala ko ay lalabas na siya para bumaba. “Kung ayaw mong buhusan kita ng tubig dyan para bumangon,” banta niya sa akin bago pa lumakad palabas. Inayos ko ang buhok ko dahil nakatabon iyon sa mukha ko. Kinusot kusot ang magkabilang mata bago dinilat. Mahapdi at masakit na ang ulo ko sa antok. Panay pa ang paghikab ko kaya naluluha ang mata ko sa antok. Malamang mapula na din ang mata ko. Tumayo na ako at lumakad pababa tumuloy sa kusina. Nakaupo na si Lota at kumakain na. Nakasuot na siya ng school uniform at nakahanda ng pumasok. “Ayan puyat pa,” pang aasar niya sa akin. Hindi ako kumibo dahil nga sa wala ako sa mood dahil kulang ako sa tulog. “Nakita ko pa siya na tuwang tuwa sa kung sino ang kachat niya,” Sinamaan ko nga siya ng tingin. Ma-epal na kapatid. “Kumain ka na lang dyan kung ayaw mong pitikin kita,” Kumuha na ako ng pagkain. Nakahanda na kasi sa lamesa ang mga pagkain. Maaga ata nagluto si mama ngayon. “Ikaw nga Lota kumain ka ng kumain dahil maya maya nandyan na yung service mo ang daldal mo pa,” saway sa kanya ni mama. “Ayan kasi ma-epal ka,” Kumain na lang muna ako. Magkape kaya ako baka sakaling mawala ang antok ko. “Cheska ikaw nga tigilan mo ang puyat na yan,” “May ginawa lang ako mama,” sagot ko. Halata sa kanya na hindi siya naniniwala sa sinabi kong iyon. “Ako wag mong pinagloloko,” Niloko ka ba siya? Nagsasabi naman ako ng totoo. Paano ako magkaka jowa kung ngayon pa lang kontra na siya. Hindi na ako sanay mag puyat dahil wala naman na akong kabebe time. “Nagpupuyat ka lang naman pag may boyfriend ka kaya wag mong sabihin sa akin na may ginawa ka,” Wala na akong masabi, dinaig pa ng nanay ko ang manghuhula. “Magandang umaga,” bati ni kuya Kiko. “Kain tayo,” alok ni mama. “Kain po,” alok ko din. Siya yung service nila Lota at ng ibang mga bata dito sa street namin. “Nagkape na ako sa bahay,” “Lota bilisan mo ang kain mo,” utos ni mama. Tuwing umaga ganyan sila ni mama laging nag-aaway dahil napaka bagal kumain ni Lota. “Hoy negra bilisan mo daw ang kain mo nakakahiya ka araw-araw na lang lagi kang hinintay ni kuya Kiko,” sabi ko para mas ma-pressure siya na bilisan niyang kumain. “Ayos lang sanay na ako kay Lota,” nakangiting sagot ni kuya Kiko. Ayos lang sa kanya pero nakakahiya pa rin lalo na sa mga kasabay niya sa service. Konti lang naman kasi ang pagkain niya pero parang ang dami kasi ang bagal niya kaya tuwing umaga ayun kailangan pa siyang bantayan ni mama. “Uminom ka na ng tubig at kunin mo na yung bag mo,” utos si mama. “Bilisan mo na,” Sumunod na si Lota sa utos ni mama kaya ako nag patuloy na sa pagkain. “Ikaw din bilisan mo kung may plano kang pumasok sa klase mo,” Wala na akong sinabi kumain na lang ako doon ng tahimik dahil kung sasagot pa ako mahaba na naman ang sermon niya. Kahit di na sumasagot marami pa rin ang sinasabi. Nasaan na ba ang cellphone ko hindi ko alam kung naicharge ko dahil sa antok na antok na ako kanina. Around three o’clock na ata ako natulog. Masyado akong nalibang sa kachat ko kagabi kasi naman minsan na lang ako magkaroon ng late night talks with someone-- tapos sa cutie pa na tulad niya. “Cheska nga wag kang ngumiti dyan na parang baliw malala ka na,” Basag trip si mama, kainis talaga siya. Tinapos ko ang pagkain ko. Nagligpit ng pinagkainan bago bumalik sa taas para icheck ang phone. Hinanap ko na ang phone ko sa may higaan pero wala roon hinawi ko na lahat ng nasa ibabaw baka sakaling natatakpan lang ng kung ano ang cellphone ko kaya hindi ko siya makita. “Nasaan na kaya iyon?” Napagod lang ako sa kakahanap ng phone ko sa higaan ko kaya ang ginawa ko ay humiga na lang muna. Habang nakahiga inikot ko ang paningin ko sa paligid ng higaan ko para hanapin kung saan nandoon ang cellphone ko na hindi ko mahanap. “Ay gago!” natatawa na nailing na sabi ko ng makita ko na nasa lapag lang pala ito at nakacharge. “Bwisit na yan!” Mabilis akong bumangon at nilapitan agad iyon para kuhanin. Napagod lang ako nandoon lang pala ito na naka charge nahilo lang ako kahahanap ng lintik na cellphone ko. Inalis ko sa pagkaka charge ang phone ko. Sumama ang mukha ko ng makita ko kung anong oras na. Nine thirty na pala, late na late na ako sa first subject ko pero maaga pa sa second subject. Nag check ako ng mga message sa phone ko. Maraming mga nag pop up na message from my classmate na hinahanap na ako dahil late na ako. Sa ganitong oras makakapasok pa ba ako syempre hindi na kasi naman late na talaga. Nag-isip ako kung saan pwede pumunta dahil kailangan makita ni mama na aalis ako ng bahay para masabi niyang pumasok ako. Good thing di niya alam ang oras ng pasok ko ang alam niya lang maaga. Hindi ko binuksan ang message nila kasi wala naman akong planong mag reply sa kahit na sino sa kanila. “Hala shet may message siya!” napatili ako ng makita ko iyon natabunan ng mga message ng classmate ko. Kalma Cheska! “Ay mamaya ko na lang siya replyan baka isipin niya,” Kaya ang ginawa ko nilapag ko ang phone sa gilid. Tumayo at kumuha ng towel para maligo. May pasok kaya si Niem ngayon? Kung doon na lang kaya ako magpunta. “Mabuti naman ang kumilos kana,” Si mama talaga kahit kailan. Nginitian ko lang siya tsaka na tuloy sa loob ng banyo para maligo. “Bilisan mong kumilos Cheska anong oras na,” narinig kong sabi ni mama. “Maaga pa ma,” sagot ko pa na tumatawa. “At sumasagot pa!” Nagtatanong pero nagagalit pag sinagot, ewan ko talaga kaya mama magulo. Binuksan ko muna ang gripo habang nag-aalis ng damit para tuloy tuloy ang ligo ko. Parang malamig ang tubig ngayon. Mainit kasi ang pakiramdam ng katawan ko. Unang buhos pa lang para na akong naliligo ng tubig na malamig dapat pala naglagay ako ng tubig na mainit. Maling desisyon na maligo ng hindi handa sa mga ganito. Binilisan ko na lang kasi malamig nga baka magka lagnat pa ako pag nagbabad ako sa lamig ng tubig. Inayos ko ang pagbanlaw sa buhok ko bago nagpunas ng towel sa buong katawan. Lumabas na ako sa banyo tsaka lumakad paakyat sa kwarto para magbihis ng damit na maayos. Dapat pala nag message na ako kay Niem para naka pagreply na siya agad sa akin ngayon. Naupo ako sa kama tsaka kinuha yung phone ko nag message ako kay Niem para mabasa niya. Nagbihis na ako ng maayos na damit. Mahirap pa naman patuyuin ang buhok ko kasi sa mahaba na nga makapal pa. Binuksan ko ang electricfan tsaka tumapat doon habang pinupunasan ang buhok para mabilis matuyo agad. Nag-ayos na rin ako ng sarili para kung mag reply si Niem ready to go na ako papunta sa kanila pero dapat talaga mag reply na siya kasi kailangan kong umalis na dito sa bahay makakahalata na si mama na hindi ako nakapasok sa first subject ko. Tiningnan ko kung nag reply na si Niem sa akin. Napangiti ako sa reply niya, ayos goods na goods pala. Sakto na pupunta siya kila Osang dahil wala ring pasok ito. Nag message ako na on the way na rin ako papunta roon kila Osang. Sinabi ko rin na sabihin na kasama niya ako. Mabilis na tumayo at kinuha ang bag ko at ibang gamit. Dala ko na din yung phone ko. Bumaba na ako pero kinuha ko muna ang pera na baon ko, naabutan ko si mama na nakaupo at nanonood ng TV. ayan ang gawain niya pag wala na kami rito para malibang manonood na lang siya. “Aba mabuti tapos ka na late ka na,” “Hindi pa late professor namin,” pag dadahilan ko pa sa kanya. “Alis na ako ma,” paalam ko. “Mag-ingat ka,” Lumakad na ako palabas ng bahay. Lumakad pa-kanto para sumakay ng tricycle papunta sa bahay nila Osang. Ang gaga tumatawag na. “Nasaan ka na?” tanong agad ni Niem ng masagot ko ang tawag niya. Punyeta atat naman niya. “Hoy bilisan mo nauna pa ako sayo samantalang mas malapit ka sa kanila,” reklamo pa niya. Hindi man lang ako hinayaan sumagot. “Aba gaga ka!” inis na sabi. Tumawa naman siya sa naging response ko sa kanya. Gago baliw talaga! “Saan ka na ba banda?” tanong niya pa sa akin. “Malapit na sumakay na nga ako para mabilis,” sagot ko sa kanya tsaka mabilis na pinatay ang tawag. Ngiting ngiti ako dahil alam kong magsasalita pa siya pero dahil sa pinatay ko na wala na siyang nagawa. Bahala siya sa buhay niya. Naglabas na ako ng pera na pangbayad sa driver para abot ko na lang at diretso na. Baka umusok ang puwet ni Niem doon. Mas napangiti ako ng makita ko na si Niem na nakatayo roon nakatanaw sa bawat sasakyan na dumadaan. Kaya pala siya nagagalit inantay pa niya ako. “Sa tabi na lang po,” sabi ko. Gumilid muna bago huminto, Nag-abot ako ng bayad tsaka bumaba na. Nakangiti lang ako kay Niem habang palapit ako sa kanya. “Ang tagal mo!” reklamo niya agad sa akin ng makalapit sa ako. Tinaasan ko siya ng kilay. “Sinabi ko bang hintayin mo ako?” maldita kong tanong. Hindi siya nakasagot. “See?” Lumakad na siya. Pikon talaga. Nailing na lang ako tsaka lumakad at sumunod sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD