Chapter 2: The Man in a Red Silk Shirt

1502 Words
NATULALA nang ilang segundo si Tasha. Ang dating hanggang beywang na buhok, ngayon ay ka-lebel na lamang ng kanyang baba. She had never looked herself in the mirror that long, but in this very moment, she could not take away her eyes on her reflection. Pakiwari niya, ibang tao ang nakikita niya sa salamin. Tasha was indeed a resemblance of her father: light brown eyes surrounded by thick eyelashes. Small and perfectly carved nose, plump lips. Ang kaibahan nga lamang, kulay tsokolate ang buhok ng ama, samantalang siya ay itim. "Oh! Awra!" bulalas ng baklang may kalakihan ang katawan, iniaabot sa kanya ang bayad. "Lalong nagningning ang beauty mo! Infairness pang pageant talaga ang fes mo, girl." Ngiting-ngiting ito, saglit na dinampian ng daliri ang baba niya. "Alam mo, p'wede kitang isali sa mga beauty pageant dito sa bayan." Mabilis na tumayo si Tasha sa kinauupuan, isinukbit ang backpack at kinuha ang pera sa kamay nito. Simula't sapul ay iyon ang laging sinasabi sa kanya. Pero sadyang wala siyang kumpiyansa sa sarili para sa mga ganoong bagay. "Hindi na po. Ayos lang po ako. Sige po, alis na ako. Thanks." Nginitian niya ito saka nagmamadaling lumabas ng parlor. Naglakad siya nang mabilis habang tinitingnan ang relo'ng pambisig. Pasado alas dose na pala ng tanghali. Wala na siyang ibang klase sa araw na iyon kaya dederetso siya sa ospital. Medyo malayo-layo rin ang lalakarin. Pero sanay na siya. Sayang din ang pamasaheng ipambabayad sa jeep. Gayunman, dinaanan muna niya sa palengke ang mga ilulutong balut pambenta mamayang gabi, saka muling naglakad. Pagtawid niya sa kabilang bahagi ng kalsada, dahil sa tindi ng sikat ng ara, tagaktak na ang pawis niya. Isama pa ang mangilan-ngilang sasakyan na dumaraan. Hanggang sa hindi na natiis ni Tasha; halos basa na ng pawis ang pang itaas na uniform niya. Noon niya tinahak ang daan papunta sa SM City Trece Martires para kahit papaano ay makadama siya ng lamig. Nang nakarating sa entrance ng mall, nang mainspeksyon ang dala niya — ang eco-bag na naglalaman ng mga balut — matamang tiningnan pa siya ng lady guard. Bagaman pinapasok pa rin siya. Mayamaya, matapos ang mahabang lakaran, halos hingalin siya nang makarating sa gate ng ospital. Akmang tatakbo na sana siya nang may tumawag sa kanya sa 'di kalayuan. "Sha! Ikaw ba 'yan?" Si Mang Pedring na kinawayan pa siya. Nasa kabilang bahagi ito ng kalsada, naka-upo sa pinapasadang tricycle at kasalukuyang nasa pilahan ng Toda. Ngumiti lang siya at kumaway pabalik. "Ang iksi na ng buhok mo!" "Oo nga ho, e." "Nga pala, 'yong tatlong balut ko, idaan mo sa bahay mamaya! Hindi mo ako dinalhan kagabi; tinoyo tuloy si Ate mo Karina kaninang umaga; binato ako ng plato!" Nahigitan ng tawanan ng mga tricycle driver ang ingay na nagmumula sa mga dumadaang sasakyan. Natawa na rin si Tasha. "Hindi ako makakapaglako ngayong gabi, Mang Pedring! Daanan mo na lang doon!" Itinuro niya ang entrada ng naturang ospital. Kahapon ay hindi na niya naasikasong bumili ng balut na ititinda. Um-extra kasi siya sa palengke at nagbantay sa kanyang ina. Ngayon ay hindi siya maaaring hindi magtinda; sayang ang kita. Nakausap naman niya kagabi ang guard ng ospital. Pumayag itong iwan doon sa entrance ang paninda niyang balut. Kukuhanin na lamang niya mula rito ang kikitain 'pag siya ay uuwi na. Tumango si Mang Pedring. Tinanong pa siya nito patungkol sa nangyari sa kanyang ina, na siyang sinundan pa ng ilang tanong mula sa ibang tricycle driver. Sa kahabaan na iyon ng highway ay nagsisigawan sila, hindi alintana ang panakanakang pagdaan ng mga sasakyan, at mga taong lumulukot ang mga mukha habang dumaraan sa magkabilang pedestrian lane, na para bang nabubulahaw nila ang mga ito. Hindi tuloy mapigilan ni Tasha ang ngumiti. Kahit papaano, gumagaan ang kalooban niya dahil sa mga taong nakakasalamuha. Halos lahat kasi ng tricycle at jeepney driver ay kilala na siya, maging ang ilan sa mga tindero at tindera sa palengke. Namamasada rin kasi ng jeep noon ang ama niya. Bukod pa roon, dito rin si Tasha lumaki — sa bahaging iyon ng Trece Martires Cavite. Pumasok na rin siya sa gate ng ospital mayamaya. Saglit na natigilan siya nang kumalam bigla ang sikmura. Gayunman ay nagpatuloy siya sa paglalakad. Hindi siya makapaghintay na ipakita sa ina ang pera na galing sa pagtutulungan ng mga kaklase niya. Pihadong mas matutuwa pa ito dahil sa kinita niya mula sa pagpapaputol ng kanyang buhok. Papasok na sana siya sa building ng ospital nang mamataan sa 'di kalayuan ang naglalakad na lalaki sa pasilyo papuntang exit ng ospital — kung saan din ang entrance — kung saan siya tumigil at tumayo. The man was on a red silk dress shirt and black trousers. The two-top button of his shirt were unbuttoned, enough for her to see a small gold cross necklace hanging on his neck. Magara ang sapatos na sa tingin ni Tasha ay loafer kung tawagin. Halatang mamahalin ang gayak ng lalaki. Hindi pa isama ang apat na kalalakihang foreigner na nasa likuran nito, na sa palagay niya ay mga bodyguard dahil sa black suit na suot-suot. Naka-sunglasses ang lalaki at may kahabaan ang wavy na buhok na haggang balikat. Katamtaman ang pagkakamoreno ng balat. At tingin niya ay naglalaro sa 5"10 o 5"11 ang tangkad. Tasha couldn't figure out why'd she stopped and just stood at the welcome entry, gazing at the man who had a presence of so much pride and self-esteem. Maging ang mga taong nasa hallway na nakakasalubong nito ay napapatigil sa paglalakad. Napapatingin. Ilang hakbang na lamang ang layo nito sa exit nang dumeretso ang mukha nito sa gawi niya. Umiwas siya ng tingin, mahigpit na hinawakan ang strap ng bag niya. Halos bumaon naman sa sa palad niya ang handle ng eco-bag na dala. Ihahakbang na sana ni Tasha ang paa papasok, ngunit napatigil siya. Awtomatikong itinabi niya ang sarili sa gilid at nagbigay ng daan. Imbes kasi sa exit tumungo ang lalaki — kung saan dumaan ang mga bodyguard nito — sa entrance ito dederetso. As the man walked past her, a woody with a hint of spicy masculine scent intoxicated her body. Tila tumigil ang pag-inog ng mundo. Hindi malaman ni Tasha kung bakit biglang nagrambulan ang t***k ng puso niya. "Hi, Tasha." The man's raspy voice was like a wind that passed through her ear. Noon na siya nagising. The way he pronounced her name was in American accent. Mahilig siyang manuod ng Hollywood films kaya alam niya. Nakalampas na ang lalaki sa kanya nang ito'y kanyang lingunin. Hindi na niya nagawa pang makapag-react. Kasama ang mga bodyguard, agad na sumakay ito sa isang itim na SUV na kadarating lamang sa tapat ng ospital. Guniguni ko lang siguro . . .. ~~**~~ "IPAPA-CHECK ko lang po sana 'yong hospital bill ni Diana Buencamino," bungad ni Tasha sa clerk na nasa loob ng billing counter. Dederetso na sana siya sa ward kung saan naroroon ang ina, pero dahil namataan niya ang pagkalaki-laking signage na 'Billing', hindi siya nakatiis. Bagaman kulang ang pera na pambayad, nais pa rin niyang makita kung gaano na kalaki ang babayaran nila, makahanap man lang ng dahilan para lalo pa siyang magpursige na gumawa ng paraan. "It's already been paid, Ma'am." Nagsuntukan ang kilay niya. "Po?" Ngumiti ang babae. "Nabayaran na po lahat. Pati na rin ang chemotherapy at medical needs ni Mrs. Buencamino for the whole year." Ilang segundo siyang hindi nakapagsalita. Sa pakiwari niya, nananaganip siya nang gising. "S-Sino po ang nagbayad?" Ibinaba ng clerk ang tingin sa computer monitor. Tila um-echo pa sa pandinig niya ang click na nagmumula sa mouse. Bigla na lang nangatal ang kanyang panga. Kasabay niyon ay ang pagsikdo ng dibdib niya. Pero kinagat niya ang dila para paglabanan iyon. "Leon Zavala," sambit ng babae. Lukot ang mukhang tiningnan niya ang clerk. Wala siyang kilalang may ganoong pangalan. "Ano pong hitsura?" Alanganing ngumiti ang babae. "Sorry, Ma'am. Kakaumpisa lang po kasi ng shift ko. 'Yong kasama kong kaaalis lang ang nag-received ng payment." Tulalang napapanhik na lamang sa hagdan si Tasha. Mabuti na lamang at iniwan niya sa guard ang mga balut na dala-dala. Kinita-kita na niya sa isipang baka naibagsak niya iyon kanina nang malamang nabawasan ang kanyang alalahanin. Gayunman, panay pa rin sa pagtahip ang dibdib niya. Pakiwari niya, madadagdagan pang lalo ang dinadalang pasanin. Ayaw mang pakaisipin ni Tasha, nakakapa niya ang isang kutob na namuo sa dibdib niya: nangutang na naman ang ina. Nangyari na kasi ito noon — nang dalawang beses. Isa na roon ay noong minsang ma-confine ang ina na pinauwi rin naman kinabukasan. Makalipas ang isang linggo, gumawa ng eskandalo ang kumare nito sa harap ng inuupahan nilang bahay. Doon niya nalamang dito pala inutang ang pambayad sa mga nagastos sa ospital. Ilang araw din niyang pinagtrabahuhan iyon. Pasimpleng umiling si Tasha, pinalis ang kung ano mang kutob sa dibdib at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Nang makapasok sa ward, ganoon na lamang ang pagkaawang ng labi niya. Wala ang ina sa kama kung saan ito nakapuwesto; iba na ang nakahiga roon. Luminga-linga pa siya malawak na silid. Halos puno ng mga pasyente at bisita ang ward. At hindi pa rin mahagilap ng paningin niya ang ina. "Kuya, alam niyo po ba kung saan na 'yong pasyenteng nakahiga rito?" tanong niya sa lalaking nakahiga sa kalapit ng kama'ng itinuro niya. "Inilipat siya kanina," tugon ng lalaki. "Ate!" ~~**~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD