Blanko ang isip ko nang makarating ako sa tapat ng malaking bahay ni Itay. Nilingon ko pa si Samuel sa hindi kalayuan na nakangiti pang kumaway sa akin kaya napayuko na lamang ako at buntong hiningang pinindot ang door bell. Galit na mukha ni Inay ang sumalubong sa akin at hindi pa man ako nakakapasok ay hinawakan na niya ang buhok ko at marahas akong kinaladkad papasok sa malawak na bakuran. "Malandi ka! Saan ka nang-galing!" Napapikit na lamang ako at tinanggap ang mabigat na kamay ni Inay na may hawak na sinturon na tumatama sa katawan ko. Tahimik akong lumuluha at hindi na ininda ang anumang masakit sa akin. Kinabukasan ay parang walang nangyari sa akin, pumasok parin ako sa school kasama si Paulyn na tahimik lamang sa tabi ko. At kahit na mainit ang panahon ay nakasuot