Chapter 2

1425 Words
  "Hi Sapphire."   Pagkarinig ko pa lamang sa boses niya ay para kong naramdaman muli ang malalakas na paghataw sakin ni Itay. Biglang namuo ang luha sa mga mata ko kaya dali-dali kong niligpit ang mga gamit ko at pinilit na tumayo kahit na mahirap.    "Sapphire." Tawag pa niya na ikinailing ko at pinilit ang aking mga binti na maglakad papalayo sakanya.    "Sapphire, gusto ko lang makipagkaibigan!"    Tuluyan na akong naiyak nang mahawakan niya ako sa braso, bigla akong nanghina at napasandal sakanya kasabay ng pagkabitaw ko sa mga libro ko.    "Sapphire, ayos ka lang?" Umiling ako sa tanong niya at napakagat sa labi. Bigla niyang pinulupot ang mga braso sa bewang ko dahil sa labis na panghihina at walang tigil sa pag-iyak.    Humihikbi pa ako ng tignan ko siya at nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya bago ko ipikit ang aking mga mata.    "Sapphire!" Dinig ko pang sigaw ng isang boses na sigurado akong si Debbie.    Sana hindi na muli akong dumilat dahil alam kong ikakapahamak ko na naman ang paglapit sa lalaking ito. Sana tuluyan na akong matulog, sana habambuhay na akong makatulog.    Ngunit hindi, hindi na naman dininig ng Diyos ang kahilingan ko dahil nagising na naman ako. Ayoko sanang imulat ang mga mata ko ngunit naramdaman ko ang paghaplos sa pisngi ko na agad kong ikinadilat at kahit nahihirapan ay pinilit kong umupo.    At kasama ko na naman ang lalaking may dala ng kapahamakan.    "Nasaan ako?"    "Nasa clinic ka at, nakita namin ang mga pasa mo. Saan mo iyon nakuha, Sapphire." Sinserong tanong nito at sinubukan pang lumapit sa akin kaya tinignan ko ito ng masama.    "Wala kang pakialam." Turan ko dito at ginalaw ang aking mga binti.    "Sinasaktan ka ba ng mga magulang mo? Kamag-anak? Ang sabi ng mga kaklase natin ay kapatid mo sina Debbie at Paulyn, pero bakit sila ay walang pasa?"   Tinulak ko ito para makababa ako sa kama at hindi pinansin ang sinabi niya. Iika-ika akong nagtungo sa kabilang kama para kunin ang mga gamit ko.    "Sapphire pwede kitang tulungan!"   Inis na nilingon ko ito at tinignan ng masama, "Kaming magkakapatid, bawal kami makipagkaibigan sa iba lalo na ang dumikit sa mga lalaki kaya kung gusto mo ang makatulong ay lubayan mo ako! Huwag ka ng lalapit dahil pahamak ka sa buhay ko!"    Sunod-sunod na namang naglandas ang mga luha sa mga mata ko. Lalo na ng maalala ang boses ni Debbie. Alam kong mapaparusahan na naman ako at hindi papakain, at kasalanan iyon lahat ng lalaking ito!   "Please, Sam, huwag ako. Iba nalang ang kulitin mo."    Lumuluha akong tinalikuran siya at nagtungo sa pinto. Bubuksan ko na sana ito nang may naunang bumukas at ganon na lamang ang panlalamig ko nang makita ang taong iyon.    "Itay..."   "Pinag-paalam na kita sa mga Guro mo, anak. Pwede na kitang iuwi." Tumango ako at sumunod na kay Itay na nagumpisang maglakad. Walang tigil sa panginginig ang buong katawan ko nang makasakay ako sa van at huminto iyon sa malaking bahay na kinalakihan ko.    Isang malakas na sampal ang agad dumapo sa aking pisngi nang salubungin ako ni Inay sa sala. Hindi ko magawang manlaban sakanya o magprotesta dahil isusumbat niya lamang sa akin ang ginawa niyang pagpapalaki at pagpapalamon sa akin.    Marahas niyang hinila ang buhok ko at kinaladkad ako patungo sa likod bahay. Tumigil kami sa isang drum at napapikit na lamang ako nang ilublob niya doon ang mukha ko. Humawak ako sa gilid ng drum bilang pangsuporta ngunit nakatikim ng hampas ng kawayan ang mga kamay ko kaya napabitaw ako doon. Habol ang aking hininga nang iangat niya ang ulo ko.    "Kailan ka magtitino, Sapphire?! Ha?!" Malakas na tanong ni Inay.    "Hindi na po, Inay. Maawa na po kayo. Nilalayuan ko na po siya ngunit siya ang lapit ng lapit sa akin."    Muli niya akong nilublob sa drum nang mas matagal pa na halos ikamatay ko na. Inangat niya lamang ako nang hindi na kumakawag ang mga kamay ko at itulak ako paupo sa damuhan.    "Hindi porket maganda ka ay maglalandi ka na! Utang mo sa amin ng Itay mo ang buhay mo! Kung hindi dahil sa amin ay sana pinagpipiyestahan na ang sanggol na ikaw ng mga uod at daga sa basurahan kung saan ka itinapon ng mga magulang mo!"   Tahimik akong umiyak lalo na nang hatawin ako ng manipis na kawayan saking mga binti.    Sana nga ay pinagpiyestahan nalang ako ng mga uod at daga noon. Sana nga ay hindi nalang ako nabuhay para hindi ko ito maranasan ngayon.    Nakatulog ako sa damuhan dahil na rin sa tindi ng sakit ng aking katawan at nagising sa mahihinang tapik ni Paulyn. May dala itong pagkain na tahimik kong kinain. Hinaplos niya ang mga sugat sa binti ko na ikinaigtad ko at nang mapatingin ako sakanya ay nakita kong lumuluha na siya.    "Bukas na ang kaarawan ni Debbie." Hindi ako nagkomento at uminom sa tubig na dala niya.    "Narinig ko ang pag-uusap niyo ng lalaki, at Sapphire, maari niya tayong tulungan!" Bulong nito na ikinagulat ko at mabilis na umiling.    "Kalokohan iyan, Paulyn! Paano tayo matutulungan ng lalaking iyon eh malakas si Itay! Marami siyang tauhan na nakita na natin noon at hindi natin alam kung ano pa ang kaya niyang gawin!" pabulong kong sigaw sakanya at pasimpleng luminga sa paligid.    "At baka madamay pa siya sa impyernong buhay natin." Dagdag ko pa.    "Pero Sapphire..." Umiling ako sa anumang sasabihin niya at pinilit na tumayo na agad naman siyang umalalay. Nakaalalay lamang siya hanggang sa makapanhik kami sa second floor nang hindi namin maiwasan na madaanan ang kwarto ni Debbie at nagkatinginan kami sa kakaibang tunog na narinig namin.    Bahagyang nakabukas ang pinto kaya binitawan ako ni Paulyn at dahan-dahan siyang sumilip doon. Kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata niya kaya pinilit ko ring makasilip at ganon nalang din ang pagkagulat ko.    Ginagahasa na ngayon ni Itay si Debbie o masasabi ko bang gahasa ito kung makikita kay Debbie na gustong-gusto niya.    Kapwa kami hindi mangmang ni Paulyn sa ganitong bagay dahil naituturo ito sa school at bukod pa doon ay nasaksihan namin na ginawa ang ganitong bagay kay Ate Cherry dahil nagkataon na nasa loob kami ng lumang aparador non at tahimik na umiiyak.    "Kaya ikaw ang paborito ko, Debbie. Ang sarap mo!" Rinig pa naming sabi ni Itay habang naglalakad papalayo sa kwartong iyon.    Kapwa kami tahimik ni Paulyn habang nakatitig sa puting kisame habang iniisip ang nasaksihan.    Ngayon malinaw na sa akin kung bakit ganon nalang ang pagsunod ni Debbie sakanya bukod sa paborito nga siya ni Itay ay napabilog narin nito ang ulo niya.    Alam kaya ito ni Inay?   Nagkatinginan kami ni Paulyn na tila nababasa ang kanya-kanyang isip. Napabuntong hininga na lamang ako at pinunasan ang aking luha.    Impyerno talaga ang lugar na ito kaya kailangan naming umalis dito.    "Ayoko na dito, Sapphi. Baka ako na ang isunod ni Itay, malapit na akong mag-seventeen, sa sunod na buwan na!"   Napatingin ako kay Paulyn at awang-awa ako sa kapalaran namin.    "Kailangan natin ng tutulong sa ating makatakas, Sapphi. Kailangan natin ang lalaking iyon."  Sabi pa niya kaya hinawakan ko ang kamay niya.    Simula nang magkaisip ako sa bahay na ito, tanging si Paulyn lamang ang tinuring kong pamilya at kapatid. Kasangga namin ang isa't-isa dahil kahit kailan ay hindi kami nagtrayduran. Mahal namin ang isa't-isa at nangako na hindi magkakahiwalay kahit na anong mangyari.    "Nalaman kong may gang ang lalaking iyon, Sapphi. Kinatatakutan sila sa parteng boulevard dahil mahilig silang makipaglaban." Tumango nalang ako kay Paulyn at nginitian siya.    Ano nga ba ang laban ng gang sa isang sindikato na may hawak sa amin?   Pumikit ako at inaya siyang magdasal na pinaunlakan niya.   Lord, sana sa oras na ito ay matupad niyo na ang kahilingan namin ni Paulyn.    Kapwa kami hindi nakakilos ni Paulyn at nanatiling nakapikit nang bumukas ang pinto ng kwarto namin at amoy pa lang ay alam na naming si Itay iyon.    Lumundo ang paanan ng kama kaya alam kong umupo siya doon. At halos pigilin ko ang aking paghinga ng lumapat ang magaspang nitong kamay sa binti ko na natatabunan pa ng pajama at umakyat pa iyon hanggang sa legs ko. Napahigpit ang kapit ko sa kamay ni Paulyn at alam kong alam niya ang ginagawa sa akin ni Itay.    "Matitikman din kita, Sapphire. Matitikman ko din kung gaano kasarap ang isang kagaya mo."    Nangilabot ang buong sistema ko sa tinuran niya at kahit ilang minuto na ang nakalipas simula nang umalis ito sa kwarto namin ay hindi natigil ang pag-iyak ko na nakatulugan ko na. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD