Chapter 1

1613 Words
MANY YEARS AGO...   "Sapphire, nakatingin na naman sayo yung gangster oh."   Napaangat ako ng tingin sa katabi kong si Paulyn saka tumingin sa tinitignan niya at doon ko nakita ang itim na itim nitong mata na nakatingin nga sa akin.    "Gangster?" Tanong ko sabay bawi ng aking tingin at sumandal sa arm chair.    "May chismis kasi na gangster daw yan. Transferee lang yan dito galing sa Metro." Kibit balikat na sabi nito na ikinatango ko.    "Eh bakit mukha naman siyang hindi gangster? Ang linis niya tignan." Komento ko saka bahagya pa itong nilingon.    Neat hair cut, maputi ang polo at walang bahid ng bigote ang itaas ng labi niya na usually ay meron na sa iba naming classmate dahil stage of puberty na ang ilan sa edad namin.    "Ewan. Yan nga din sabi ko kina Debbie."    "Kaklase natin siya?"    "Oo. Absent ka kasi kahapon." Tumango nalang ako at hindi na muling nagkomento kaya tumahimik narin ito at nagtuon nalang din sa assignment niya na ginagawa ko.    "Buti nalang matalino ka, Sapphi at buti nalang din ay naging kaibigan kita." Sabi pa niya na ikinatawa ko.    "Buti nalang din at mabait ako noh. At buti nalang ay may pera ka para lagi akong nakakakain ng pasta."    Sabay kaming natawa sa tinuran ko at napailing na lamang. Nang matapos ko ang assignment niya sa Chemistry ay tumayo na kami at inayos ang gamit namin para pumunta sa chem lab kung saan ang next subject namin. Bago ako tuluyang humakbang palabas ng room ay napalingon pa ako sa gangster na sinasabi ni Paulyn at bahagyang nagulat dahil nakatingin parin ito sa akin. Napakunot noo ako nang ngumiti ito sabay kindat. Hindi ko naiwasang mapairap sakanya saka sumunod sa kaibigan ko.   Pagkarating namin sa chem lab ay agad kaming pumwesto sa isang table na malapit sa white board at ipinasa ang assignment namin na nasa intermediate pad. Pagkatapos ng ilang minuto ay pinalabas narin kami dahil sa urgent faculty meeting ng mga teachers kaya nagtungo na lamang kami sa canteen.    Naupo ako sa isang bakanteng mesa habang bumibili ng pagkain si Paulyn ay nakamasid lamang ako sa mga estudyanteng kagaya ko.    Napabuntong hininga ako at nilabas ang aking notebook sa Geometry na next subject namin. Kahit na isang oras pa 'yon ay kailangan kong pag-aralan dahil may long test kami.   Kailangan kong mag-aral ng mabuti para hindi ako patigilin ng orphanage sa pag-aaral sa high school at pagbawalan makalabas.    Pagkadating ni Paulyn na may dalang carbonara at green tea na nasa tray ay tahimik kaming kumain at mabilis na inubos iyon saka lumabas sa canteen at naglakad patungo sa library.    "Ay, Sapphi, cr lang muna ako. Mauuna ka na ba sa library o hihintayin mo ako?"   "Una na ako. Maghahanap din kasi ako ng book sa AP para sa report ko." Tumango naman ito kaya lumiko ako patungo sa library, nasa bukana na ako nang may humarang sa dinadaan ko na naging dahilan ng pagtigil ko.    "Excuse me." sabi ko habang nakayuko parin at humakbang sa kanan na sinabayan nito. Humakbang ako sa kaliwa na ganon din ang ginawa niya kaya inis ko itong tinignan.    "Hi." Nakangiting sabi nito kaya umatras ako at humalukipkip na tinignan siya.    "Nagmamadali po ako." Mataray kong sabi dito.    First rule ng orphanage sa mga katulad naming high school students, huwag gagawa ng ikakapahamak. At sa tingin ko ay kapahamakan ang dulot ng lalaking ito na nasa harapan ko ngayon.    "Gusto ko lang malaman ang pangalan mo." Tinignan ko lamang siya kaya muli itong nagsalita,   "Ako nga pala si Samuel Gutierrez, Sam nalang ang itawag mo sa akin." Sabi pa nito na hindi mawala ang ngiti at naglahad pa ng kamay.   Mula sa kanyang makinis na mukha na walang bahid ng pimples o ano, sa makapal nitong kilay, itim na bilugan na mga mata, sa medyo kulot nitong buhok, sa manipis at mapupula nitong labi at matangos na ilong ay bumaba ang tingin ko sa nakalahad niyang palad.    Hinawakan ko ang kamay ko habang nakatitig parin sa kamay niyang nakalahad. Nagdadalawang isip na magpakilala dito dahil sa takot ko kay Itay--ang namumuno sa orphanage na kinalakihan ko.    "Sapphire!"   Nagulat ako nang bigla akong hilahin ni Paulyn at kasama na nito si Debbie--ang isa sa mga kasama ko sa orphanage. Matalim ang pagkakatingin nito sakin na ikinayuko ko at lumapit kay Paulyn.    Hindi ko na nagawang linginon pa siya at sumabay na lamang sa paglalakad nina Paulyn at Debbie hanggang sa makarating kami sa library at makaupo sa bakanteng mesa.   "Lagot ka kay Itay, Sapphire. Isusumbong kita." Sabi ni Debbie na hindi ko nalang pinansin at nagbasa ng notes ko sa Geometry.    Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Paulyn sa gilid ko saka ito bumulong,   "Sapphi--"   "Sanay na ako, Pau."   Pagkauwi ko sa malaking bahay na may malawak na garden ay agad akong sinalubong ni Inay na asawa na Itay na namumuno din sa orphanage at hinila sa opisina nila na nasa ikatlong palapag ng bahay.    Nadaanan ko pang nakahanay ang ilan kong kasamahan na babae sa may hallway na nakauniporme parin ng katulad kong eskwelahan at ang ngiti ni Debbie na ikinalungkot ko.    Marahas akong itinulak papasok sa opisina ni Inay pagkarating namin. Narinig ko ang paghataw ng sinturon sa likod ng hita ko at ang sakit na mula doon. Sumubsob na lamang ako sa sahig na may carpet habang nakakuyom ang dalawang kamao at tahimik na tinatanggap ang parusa ko.    "Hindi ka namin pinalaki para maging malandi! Hindi ka namin pinag-aral para lumandi!" Dumagundong ang boses ni Itay sa buong opisina habang ubod na lakas ang paghataw sakin.    "Tumayo ka at bumalik sa kwarto mo! Huwag kang kakain ngayong gabi hanggang bukas!"    Pinilit kong tumayo sa kabila ng sakit na nararamdaman ko. Nakahawak ako sa pader sa bawat paghakbang ko at napapakagat na lamang saking mga labi.   Hindi. Hindi ako iiyak. Ayokong umiyak.    Pagkarating ko sa kwarto ay agad akong sinalubong ng yakap ni Paulyn. Puno ng pag-aalala ang kanyang mga mata kaya hindi ko na napigilan ang paglandas ng mga luha ko.    Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama ko at sinubsob ang mukha ko sa unan.    Inilabas ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko at sa pait ng buhay na nararanasan ko.    Hindi ko alam kung ano ang problema sakin ng buhay para ako ay dalhin sa bahay na ito na walang ibang ginawa kundi abusuhin kaming mga babae na anak-anakan nila.    Sana dumating na ang taong magliligtas sa amin sa impyernong ito.    Kinaumagahan ay nakayuko lamang ako at nakatingin sa mga kamay ko habang pinapakinggan ang kalansing ng kubyertos ng mga kasama ko. Nagugutom na ako at hindi ko na malasahan ang sariling bibig pero ayaw ko silang tignan dahil baka lalo akong matakam.    Narinig ko ang pagtikhim ni Itay na ikinatigil ng mga kasamahan ko kaya wala akong nagawa kundi ang mag-angat ng ulo.    Bahagya kong nilibot ang aking paningin sa malawak na hapag na may tig-pitong upuan sa magkabilang gilid at tig-isa sa magkabilang kabisera kung saan nakaupo sina Itay at Inay.    Nasa kanan akong bahagi na nasa ikatlong upuan, napapagitnaan ni Debbie na siyang pinakamatanda sa lahat at si Paulyn na pangalawa. Ang ilan sa mga kasamahan namin na nasa high school ay umeedad ng labing anim na sa pinaka matanda at labing dalawa sa pinakabata. Habang ang sampu sa samin ay mga bata pa lamang. Labing apat kami lahat na anak nila Inay at Itay dito sa tinatawag nilang orphanage.    "Mamayang gabi ang ikalabing walong kaarawan ni Ate Debbie kaya maghanda kayo para sa selebrasyon." Nagkatinginan kami ni Paulyn sa sinabi ni Itay at bumaling kay Debbie na tila masaya.    Naiiling si Paulyn habang ako ay malalim ang isip na nakatitig parin kay Debbie.    Si Debbie ang isa sa pinakapaborito ni Itay dito sa orphanage dahil sa pagiging sipsip at palasumbong nito. Siya rin ang isa sa mga pinakamataas na allowance na natatanggap, pangalawa si Paulyn dahil lagi akong napaparusahan gawa narin ni Debbie na hindi ko maintindihan kung naiinggit o ano sa akin.    Pagkatapos ng agahan na sila lang ang kumain ay tahimik kaming sumakay sa van na maghahatid sa amin sa public shool na pinapasukan namin.    Napabuntong hininga ako habang dahan-dahan na naglalakad dahil sa malaking pasa ko sa likod ng hita. Laking pasasalamat ko parin kay Paulyn na inaalalayan ako.    "Sapphi. Natatakot ako para kay Debs."   Tumango ako at bahagya itong nilingon.    Noon, masaya pa kami ni Paulyn sa piling nila Inay at Itay dahil nga sa sila ang nakagisnan naming mga Magulang na inaamin kong mabait naman at maalaga basta ay masusunod lang ang gusto nila.    Hanggang sa biglang mawala ang isa pa naming Ate na si Cherry at kitang-kita namin kung paano siya nawala.    Sa gabi ng eighteen birthday niya ay pinainom siya ng alak tapos ay ginahasa ni Itay habang nanunuod lamang si Inay dito na may hawak na camera. Tapos ay isinakay ito sa service van namin at wala na kaming balita matapos non.    Pinalabas nina Itay at Inay na sa Metro na nila pinag-aral si Ate Cherry bilang regalo sa birthday nito pero hindi kami naniniwala ni Paulyn.    Dahil rinig namin na ibebenta nila si Ate Cherry sa mga dayuhan katulad ng mga nauna nilang anak.    Nakita ko ang paglandas ng luha ni Paulyn habang patuloy parin kami sa paglalakad.    Katulad niya ay natatakot din ako sa magiging kahihitnan namin. Dalawang taon pa naman bago ang eighteen birthday namin pero nakakabahala parin. Sana ay hindi iyon mangyari sa amin.    Napatingala ako at marahan na pumikit, sana gabayan kami ng Diyos sa magiging future namin.    Kung sino man ang mga Magulang ko, sana ay patuloy parin nila akong hinahanap para makaalis na ako dito.    Sana. Sana. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD