Clea Mair Azaria's Pov
"Miss Clea, dumating na po ang mga bagong nating products."
"Miss Clea, tumawag po ang customs and they wanted to discuss something about the shipment that we are going to recieve next month,"
"Miss Clea, I got three new appointment for the possible investors that we are targeting this month."
"Miss Clea..."
Ilan lamang iyan sa mga gawain na personal kong inaasikaso sa trabaho na akong nahanap isang linggo pa lamang ang nakakaraan matapos ibigay ng aking ama ang kalayaan na hiningi ko sa kanya.
Isa ako sa mga manager na siyang nagta-trabho sa Jyn Food Chain Corporation. At ako ang naka-assigned sa paghahanap ng mga possible investors para lalo pang lumago ang kumpanya, hindi lang sa buong Hexoria, kundi maging sa buong mundo.
At naka-assigned ako sa mismong commisary ng naturang kumpanya kung saan dito pino-proseso ang karamihan sa mga produkto ng restaurant ng mga Jyn.
Maliban sa paghahanap ng investors, isa din sa trabaho ko ang personal na pakikipag-usap sa mga tauhan ng customs para sa mga ingredients na ini-import pa namin sa iba't-ibang bansa.
Syempre, malaking kumpanya ang JFCC kaya naman sinisiguro ko na walang makakapuslit ang mga bagay na walang kinalaman sa kumpanya.
Sa ngayon kasi ay naglipana na ang mga grupong ginagamit ang mga papasok at papalabas na shipment sa bansa para gumawa ng mga ilegal na bagay tulad ng pagpupuslit ng mga ipinagbabawal na gamot o armas. O kaya naman ay ang ilegal na paglalabas o pagpapapaso ng mga undocumented refugee sa bansa para gamitin sa mga ilegal na transaksyon ng mga grupong naka-base sa bansa namin.
At masasabi kong naging maayos naman ang trabaho ko.
Maayos ang trato sa akin ng mga katrabaho ko. Maganda din ang pasweldo sa akin kaya naman tinanggihan ko na ang allowance na ipinapadala sa akin ng mga magulang ko para sa pambayad ng apartment na inuupahan ko at ako na mismo ang nagbabayad nito galing sa sarili kong bulsa.
Nakabili na din ako ng sarili kong sasakyan at nagagawa ko na ding sumuporta sa isang foundation na itinatag ko upang turuan ang ilang mga kababaihang iniwan ng kanilang mga asawa na magkaroon ng sarili nilang pangkabuhayan.
Alam kong masyado pa itong maliit para maipagmalaki ko sa mga magulang ko pero ang mga ito ay isang patunay na hindi naging mali ang desisyon kong pansamantalang humiwalay sa palasyo.
Kaya naman hindi nawawala ang saya ko sa bawat araw na sumasalubong sa akin.
"Miss Clea," tawag sa akin ni Lenon, ang assistant ko na talaga namang kasama ko na mula pa noong magsimula ako sa pagiging office encoder sa kumpanyang ito hanggang sa ngayon na isa na akong manager.
"May problema ba, Len?" Yeah, he prefered to called him Len because he is actually gay. And he actually became my bestfriend since then.
"Well, you could really say that it is a problem," Iniabot niya sa akin ang isang folder na agad ko namang kinuha at binuksan. "Nagbigay ng notice ang Andrius Port na magsasara ang kanilang pantalan dahil magkakaroon sila ng matinding rehabilitation. At tinatansya nila na aabutin iyon ng halos isang taon kaya pinapayuhan na nila tayo na maghanap ng mapaglilipatan ng mga stocks natin."
Problema nga naman iyon.
Sa mga port na mayroon sa bansang ito, isa ang Andrius Port sa mayroong pinakamagandang pasilidad na kayang mag-stock ng mga pagkain.
Sa tulong ng kanilang mga warehouse, hindi kailanman nasiraan ng kahit anong pagkain ang JFCC at isa iyon sa naging dahilan kung bakit hindi nagpapalit ng binabagsakang port ang mga produkto namin.
Pero ngayon ay mukhang kakailanganin na namin maghanap ng bagong port at warehouse.
"Make a new report for this issue," sambit ko tsaka ibinalik sa kanya ang folder. "Then, ipadala mo agad sa main office together with the possible solution with this issue."
"Then, anong port ang posible nating ipalit sa Andrius Port?" tanong niya.
Agad kong kinuha ang isang map sa kabuuan ng Axia Region kung saan naka-indicate ang mga port na maaari naming kausapin upang ilipat ang mga produkto na naka-store sa warehouse ng Andrius Port.
"I was thinking that maybe we can talk to the Henan Port or Scente Port."
Ang dalawang iyon lang kasi ang malapit sa ruta na dinadaanan ng mga barko na siyang nagdadala ng mga produkto namin.
Isinulat niya ang mga sinabi ko. "Sige, ako na ang bahala dito," sambit niya. "Sasabihan na lang kita kapag may desisyon na sila."
Tinanguan ko na lang siya pagkuwa'y lumabas na siya ng opisina ko.
Habang ako naman ay nananatili pa ding nakatingin sa mapa ng Axia Region.
Ang Scente Port ay bagsakan ng mga chemical na siyang ginagamit sa iba't-ibang klase ng cleaning products kaya kahit na makakuha kami ng go signal sa main office para mag-apply sa isa sa mga warehoue doon ay hindi pa din naaayon ang mga produkto namin doon.
Habang ang Henan Port naman ay bagsakan ng iba't-ibang produkto ngunit masyadong mahigpit ang lugar na ito kaya naman iilan lang ang kumpanya na nakakagamit ng port na ito.
Kaya kailangan ko pa ding maghanap ng ibang port na mas magiging magandang kapalit kahit pa pansamantala lang hangga't hindi pa natatapos ang rehabilitation na ginagawa ng Andrius Port.
Ngunit mukhang imposible na makahanap pa ako ng ibang pantalan dahil ang ilan sa mga nasa area kung saan dumadaan ang barko na siyang nagdadala ng produkto namin ay hindi nakikipagtransaksyon sa iba pang pantalan na mayroon doon.
Bumuntong hininga ako at agad na hinanap ang listahan ng mga taong maaari kong hingan ng tulong upang kahit paano ay magkaroon ako ng pagkakataon na makaharap ang nagma-manage sa Henan Port.
Iyon lang kasi ang nag-iisang pinakagandang choice na maroon kami.
Nang makita ko ang hinahanap ko ay agad akong nag-send ng email sa mga taong iyon nang sa gayon ay masimulan na nila ang paghingi ng appointment sa Henan Port.
Sana lang ay maayos namin ito nang maaga bago pa man umuwi sa bansa si Mister Jyn para sa kanyang taunang pag-i-inspeksyon.
Muli akong bumuntong hininga.
Hindi din talaga madali ang trabaho ko.