Chapter 3

1289 Words
Clea Mair Azaria’s Pov “Wait… what?” Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi ng kausap ko sa telepono. “Si Mister Henan mismo ang haharap sa amin para sa plano kong pagre-rent ng isa sa mga warehouse sa port niya?” “Yes, ma’am,” sambit ni Iona, isang empleyado ng Henan Port na siyang nakilala ko sa isa sa mga restaurant na pag-aari ng JFCC. “Since he was in town, he decided to see your proposal personally in two days.” “In two days?” Oh my god! Hindi ko naman inaasahan na ang pinakamay-ari pa pala ng port ang siyang makakausap ko para sa plano namin. Akala ko ay isa lamang sa katiwala ng may-ari. Kaya naman labis-labis na kaba ang nararamdaman ko ngayon. “Well, JFCC is a big and famous company so when Mister Henan learned that you are trying to apply for one of our warehouses, he suddenly decided to be the one who will see your proposal,” dagdag pa niya. “Kaya paghandaan mong mabuti, okay? Maselan si Mister Henan.Hindi kailangan ng mahabang presentation. Just a brief but in detail.” “O-okay,” sambit ko. “I-ihahanda ko na agad ang proposal ko.” Narinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya napasimangot ako. Parang pinagti-tripan ako ng babaeng ito ah. “Can you please calm down? Hindi po nangangain si Mister Henan. Pero kung gusto mong magpakain ay siguradong mababaliw ka.” Nanlaki ang mga mata ko. “Iona!” s**t! Napahawak ako sa pisngi ko. Nakakahiya ang lumalabas sa bibig ng babaeng ito. Muli siyang natawa. “Oh, you still don’t have any experience?” Napailing na lang ako at napabuntong hininga. “At bakit napunta sa experience ang usapan natin tungkol kay Mister Henan?” “Kasi sigurado ako na kapag nakita mo siya ay hindi imposibleng malaglag ang panty mo sa kagwapuhan na taglay niya.” aniya. “Just some advice, wear something sexy and make sure na medyo labas ang cleavage mo, okay? Siguradong siya pa mismo ang mag-aaya sayo na magpunta kayo sa hotel.” “I am not doing that,” giit ko. “At ako nga’y tigilan mo sa ganyan. Wala akong interes sa lovelife ngayon.” Masyado pa akong abala sa pagbubuo ng bago kong buhay na malayo sa pamilya ko at wala pa akong oras para sa ibang tao. “If that is what you want,” aniya. “If you give your best, I am sure you will be able to get his approval on renting the warehouse without serving your body to him just like the others.” “Eh?” sabi ko. “Normal ba kay Mister Henan na ibigay ang space ng mga warehouse niya sa mga representatives na magbibigay ng katawan nila sa kanya?” “Hindi naman required,” sagot niya. “Pero mas malaki pa din ang tiyansa na makakuha ng space kapag may intimate encounter ka kay Mister Henan. It will give you the advantage rather than the other renter since you will give him a special service.” Hindi ako aware na mayroon din palang ganitong kalakaran sa industriya na pinasok ko. Akala ko, lahat ay nakabase sa proposal at kakayahan na magbayad ng renter. Mayroon din palang ganitong dagdag serbisyo. “Oh, sige na,” sabi ni Iona. “Kung gusto mong makasigurado sa space sa warehouse, gamitin mo na ang katawan mo. Pero hindi naman iyon pilitan kaya maaari mo ding daanin sa detalyadong proposal. Ikaw na ang bahala sa diskarte mo.” Bumuntong hininga ako. “Sige, ako na nga ang bahala,” sabi ko sa kanya. “Salamat sa tulong mo, Iona. Kung hindi siguro kita nakilala ay baka natagalan pa ang appointment na makukuha ko para sa pag-present ng proposal ko sa kumpanya niyo.” “Nako, don’t mention it, okay?” aniya. “Ilibre mo na lang ako kapag nagkita uli tayo. Oh siya, ba-bye na.” Siya na ang nagpatay ng tawag. Ibinaba ko na ang phone ko at muling ibinalik ang atensyon sa screen ng laptop ko kung saan sinimulan ko nang i-type ang proposal ko para kay Mister Henan. At sa totoo lang ay hindi ko alam kung sasapat ba ang nalalaman ko para makakuha ng slot sa warehouse niya. Napatingin ako sa repleksyon ko sa salaming nasa gilid ng mesa ko. Well, hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko pero alam kong maganda ako. Hindi man ako kaputian ay makinis naman ang balat ko. Hindi din ako iyong tipo ng babae na sobra kung maglagay ng makeup sa mukha. Tama na sa akin ang simpleng face powder, lipstick at blush on para kahit paano ay pumusyaw ang aking pisngi. Hindi naman din ako manang kung manamit. Wala kasi kaming uniform kaya mga simpleng dress ang isinusuot ko papasok sa trabaho ko at tineternohan lang ito ng itim na wedge. Agad kong iniling-iling ang aking ulo upang alisin ang ideya na ibinigay sa akin ni Iona. Aba’y hindi yata tama na gumamit ako ng ganoong paraan para lang masiguro ang space na gusto namin para sa warehouse na ire-rent namin. At kung gagawin ko man iyon, para ko na ding inamin na wala akong kakayahan na mai-close ang deal na ito sa isang malaking kumpanya tulad ng Henan Port. Malaking insulto iyon sa pagsisikap na ginawa ko sa nakaraang taon. Ayaw ko din namang sabihin ng mga kasama ko na baka ganoon din ang ginawa ko kaya naging mabilis ang pag-angat ng posisyon ko kahit pa halos wala akong experience sa larangan ng ganitong trabaho noong unang pasok ko sa kumpanya. Huminga ako ng malalim pagkuwa’y bahagyang nag-inat tsaka muling dinampot ang telepono ko para tawagan ang assistant ko. “Len, pakidala naman dito ang lahat ng records of transaction natin sa mga Andrius,” sambit ko nang sagutin niya ang tawag ko. “I will need it for the proposal that I am going to prepare.” “From the beginning of our partnership with Andrius Port?” he asked. “Yes,” I said. “Mabuti na iyong makita nila ang relasyon natin sa mga Andrius nang sa gayon ay malaman nila na hindi tayo pabayang tenant.” “Okay, I will take it to the record room.” “At dahil pupunta ka na din naman doon, baka pwedeng kunin mo na din ang records ng port na siyang naging ka-partner ng JFCC before the Andrius,” sabi ko. “Ang alam ko ay pangalawa na ang Andrius Port sa naging bagsakan ng mga inaangkat na ingredients ng kumpanya namin. Pero wala akong alam tungkol doon kaya kailangan ko ding pag-aralan nang sa gayon ay walang makakaligtas na impormasyon sa mga Henan kung sakali man na magpaimbestiga sila. “That will take at least one hour,” he said. Napakamot ako ng ulo. Masasayang lang ang oras kung maghihintay pa ako ng ganoon katagal kaya isinara ko ang laptop ko tsaka tumayo. “You know what? Ako na lang ang pupunta doon para hindi ko na kailanganin pang ilabas ang mga papeles na iyon. Ikaw na lang muna ang bahala sa mga pupunta dito, okay?” Hindi ko na siya hinintay pang makasagot at agad ko nang ibinaba ang telepono tsaka lumabas ng opisina ko. Nadaanan ko pa siya sa kanyang table at nag-thumbs up na lang biglang senyales na siya na ang bahala sa mga naka-schedule kong appointment para sa araw na ito. Importante ang mga iyon pero higit na importante na maayos ko na ang proposal na ito para kay Mister Henan. I will only have one chance to prove to him that we are worth it to be one of their tenants.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD