bc

Enticing Series 2: Trouble (SPG)

book_age18+
141
FOLLOW
1.1K
READ
age gap
badboy
independent
boss
princess
twisted
bxg
office/work place
royal
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

|| WARNING: R18 MATURE CONTENT (SPG) ||

Isang babae na nagdesisyon na mamuhay ng mag-isa, malayo sa kontrol ng kanyang mga magulang, ang makakakilala sa isang mafia boss na walang ibang ginawa kundi kontrolin ang lahat ng tao o bagay na nasa kanyang paligid. Ngunit paano kung mahulog ang loob nila sa isa’t-isa? Papayag kaya ang babaeng ito na muling kontrolin ng iba ang kanyang buhay lalo pa’t alam niyang gulo lamang ang dala nito sa kanyang buhay?

Gusto niyong mabasa ang kwento nila?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"No!" mariin kong tanggi nang sabihin sa akin ng mga magulang ko na kailangan kong magpakasal sa isang pamilya na sumusuporta sa kanilang pamumuno nang sa gayon ay lalo pang lumalim ang ugnayan ng dalawang pamilya. "Naiintindihan ko ang gusto niyong iparating. At alam kong responsibilidad ko din na isipin kung ano ang higit na makakabuti para sa pamilya natin. Pero patawarin nyo ako ngunit hindi ko magagawa ang gusto niyo." Kingdom of Hexoria, iyan ang tawag sa bansa na siyang tinitirhan namin. Maliit lamang ang lupain na ito at napapalibutan ng malalakas na alon na nagmumula sa timog na bahagi ng karagatang pasipiko. Iba't-ibang malalaking bansa din ang sumakop dito noong unang panahon hanggang sa tuluyan itong nagkaroon ng kalayaan isang daang taon na ang nakakalipas. At mula noon, ang pamilya Azaria na ang nagpaunlad nito mula sa pamumuno ng aking yumaong lolo, ama ng aking ama, na siyang unang hari ng aming kaharian nang makuha nito ang opisyal na kalayaan. Isa sa kultura na na-adopt ng aming mga ninuno noon sa mga bansang sumakop sa amin ay ang pagturing sa mga tulad kong babae bilang mahihinang nilalang na walang ibang kayang gawin kundi ang maging asawa lamang. Hindi ganoon kalakas ang boses naming mga babae sa bansang ito at patuloy pa din kaming minamaliit ng mga lalaki. At naging tradisyon na sa aming pamilya na ang papel lamang ng isang prinsesang tulad ko ay ang maging kasangkapan na siyang magbubuklod ng mga pamilya sa ilalim ng kasal. Itinanim sa aming mga utak na upang makatulong kami sa aming pamilya at mapanatili ang impluwensiya nito bilang pinuno ng bansa ay kailangan naming magpakasal sa mga pamilyang kayang suportahan ang palasyo. Kaya natural sa amin ang mga arranged marriage. Pero hindi ako sang-ayon sa bagay na iyon. Para sa akin, ang dalawang tao ay dapat mayroong pagmamahal sa isa't-isa bago pumasok sa isang relasyon. At dapat ay naiintindihan nila ang isa't-isa bago pumasok sa sagradong seremonya ng kasal. Hindi lamang ito isang politikal na paraan upang maselyuhan ang pagkakaisa ng mga pamilya. Higit pa ito sa ano pa mang kasunduan kaya dapat ay hindi ito minamadali. Isa pa, hindi din ako sang-ayon na hanggang ngayon kung kailan kinikilala na sa buong mundo ang pagiging kapantay ng mga lalaki ang kababaihan ay patuloy pa din kaming minamaliit sa bansang ito. Huminga ako ng malalim at diretsong tumingin sa mga mata ng aking ama. "Hindi ko pinili na maging parte ng pamilyang ito ngunit nagpapasalamat ako na kayo ang naging mga magulang ko," panimula ko. "At alam kong wala pa din akong maipagmamalaki sa inyo dahil wala pa akong napapatunayan para sa sarili ko. Pero..." Muli akong huminga ng malalim. "Taliwas sa aking paniniwala ang pagpasok sa isang kasal kung saan walang pagmamahal na nararamdaman ang dalawang taong sangkot dito." "Nakakalimutan mo ba na hindi din namin mahal ng iyong ina ang isa't-isa nang kami ay ikasal?" tanong sa akin ng aking ama. "Ngunit nang magsimula ang aming pagsasama ay unti-unti naming nakilala ang isa't-isa na siyang naging dahilan kaya nabuo ang pagmamahal namin." "Pero hindi lahat ay maswerteng tulad nyo," sambit ko. "Hindi ba't, arranged marriage din ang naging dahilan ng pagsasama nila Kuya Cloven at Ate Allucia. Pero hanggang ngayon ay aminado silang dalawa na hindi pa din nila mahal ang isa't-isa na siyang dahilan ng mapipinto nilang paghihiwalay." "Pero, anak..." "Hindi ko po sinasabi na tatalikuran ko ang aking tungkulin bilang prinsesa ng bansang ito," sabi ko bago pa ako putulin ng aking ina. "Gusto ko lang pong ibigay nyo din sa akin ang kaparehong kalayaan na ibinigay nyo kay Ate Rye." "What?" "Gusto kong maging independent," mariin kong sambit. "Gusto kong maging isang normal na mamamayan nang sa gayon ay matuto akong tumayo sa sarili kong mga paa. Gusto kong maging tulad ni Ate Rye upang patunayan na hindi lamang kami isang kasangkapan sa isang kasal. Gusto kong maging isang mabuti at maaasahang prinsesa ng bansang ito." Hindi sila nagsalita. Nanatili lamang na tahimik ang aking ama at nakatingin sa akin habang ang aking ina ay naghihintay din sa sasabihin nito sa akin. "Sabihin mo sa akin, Clea Mair," sabi ng aking ama. "Kapag nagawa mo ang sinasabi mo at napatunayan mo ang sarili mo bilang isang mabuti at maaasahang prinsesa ng bansang ito, ang kasunod ba nito ay ang paghingi mo ng karapatan upang manahin ang trono?" Mabilis akong umiling. "Hindi ko kailanman inisip na makiagaw sa pamumuno sa bansang ito, mahal kong ama," sambit ko. "Nais ko lang imulat ang inyong mga mata na sa panahon ngayon, hindi nyo na maaaring maliitin ang kakayahan ng mga babae. Nais kong patunayan sa inyo na kung ano ang lakas, talino at diskarte ng isang lalaki ay makikita nyo na din ito sa mga babae." Muli ay nabalot ng katahimikan ang buong silid. Alam kong isang kapahangasan ang ginawa kong ito ngunit kung mananatili lamang akong walang imik ay hindi kailanman magbabago ang pananaw ng aming bansa sa kinalakihang paniniwala. Bumuntong hininga ang aking ama. "Kung ganoon ay hinahayaan kitang gawin ang iyong gusto." Unti-unting nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "Ta-talaga?" Tumango siya. "Alam kong hindi ka titigil hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo. Siguradong aawayin mo lang din ako kapag hindi kita pinagbigyan kaya mas mabuti na ang ganito." Hindi ako makapaniwala na agad kong mapapapayag ang aking ama sa unang beses kong pagkausap sa kanya. Tama talaga ang aking desisyon na ilabas na agad ang aking hinain nang sa gayon ay mapag-usapan din agad. "Maaari kang lumabas ng palasyo at manirahan sa labas bilang isang normal na mamamayan," dagdag niya. "Maaari kong saluhin ang iyong titirhan ngunit kailangan mong maghanap ng sarili mong trabaho upang tustusan ang iyong pagkain at pambayad ng mga bills gayong sinabi mo naman na gusto mong maging independent." "H-hindi ba parang sobra naman---" "Huwag kang mag-alala, mahal kong ina," nakangiti kong sabi. "Sapat na sa akin iyon." "Kung ganoon ay gusto ko ding maging malinaw sayo na hindi mo maaaring gamitin ang mga pribilehiyo na mayroon ang isang prinsesa," dagdag pa ng aking ama. "Maliban na lamang kung nasa isang sitwasyon ka kung saan nanganganib na ang buhay mo, nagkakaintindihan ba tayo?" Mabilis akong tumango. "Makakaasa po kayo." Ngumiti siya pagkuwa'y tumayo sa kanyang kinauupuan. "Kung ganoon ay humayo ka at tanggapin mo ang kalayaan na aking ibinibigay sayo. At ipinapanalangin ko na sa iyong pagbabalik ay nakamtan mo na ang mga bagay na nais mong patunayan sa iyong sarili."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
141.7K
bc

The Sex Web

read
150.5K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
94.9K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
48.5K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
14.5K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
69.7K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
38.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook