Chapter 11

1179 Words
Clea Mair’s Pov Napabalikwas ako ng bangon at nanlaki na lang ang mga mata ko nang mapansing malapit nang dumilim ang langit. Hindi ko napansin na nakatulog ako at napahaba ito. Hindi ko na nga nagawa pang pumasok sa loob ng bahay at maghapon akong tulog dito sa garden. Hindi na din ako nakakain ng tanghalian. Mabuti na lang at mataas ang pader sa paligid ng bahay ni Miracle kaya hindi ko kailangan na alalahanin ang mga napapadaan dito. Agad na akong bumangon at binuksan ang ilaw sa buong kabahayan. Then, dumeretso na ako ng kusina para makapagluto para sa hapunan ko. Sabi nga ni Miracle, late siya makakauwi kaya siguradong hindi na iyon kakain dito. I was about to take out some ingredients when my phone vibrated. Kinuha ko iyon at kumunot ang noo ko nang pamilyar na number na naka-register lamang sa miyembro ng Black Swan kaya agad ko iyong sinagot at ni-loudspeaker. “Why?” bungad ko dito. “Tinatanong ni Milagro kung gusto mo daw bang magbar ngayong gabi?” tanong nito. “Seya and Agares will accompany you. May bagong food park at bar kasi na bagong bukas hindi kalayuan diyan sa subdivision. Minsan ka lang mapunta dito. Mabuti na iyong sulitin mo ang pananatili.” “Okay,” sagot ko. “Sabihin mo na lang na hintayin ako sa gate ng subdivision at doon na kami magkita in one hour.” Hindi ko na siya hinintay pang makasagot at agad nang ibinalik ang mga ingredients na kinuha ko sa refrigerator. Then, umakyat ako sa kwarto na ginagamit ko para maligo at mag-ayos. I just had a quick bath and I didn’t bother to wash my hair. Hindi naman kami lalayo at kakain lang kami kaya nagsuot lang ako ng loose hoodie at jeans. Then, I took one of Miracle’s sneakers na alam kong hindi naman niya ginagamit dahil nasa box pa din. After checking myself in the mirror, I immediately went out of the house and made sure to lock it. Nilakad ko na lang din ang distansya mula dito hanggang sa gate ng subdivision dahil hindi naman iyon kalayo. At tulad ng inaasahan ay naroon na sina Seya at Agares, mga miyembro ng Black Swan na madalas niyang utusan kapag may kailangan siyang ipadala sa akin. Aside from that, they are also guarding me from time to time. Kaya naman naging close ako sa kanila. “Hindi ka man lang nag-abalang magbihis?” sambit ni Seya habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. “Nabanggit naman ni Oji na pupunta tayo sa bar, hindi ba?” “Nabanggit niya pero hindi ko pa sure kung didiretso tayo doon,” sabi ko at sumakay na sa kotse nang buksan niya ang back seat. “Baka magtagal tayo sa food park.” “Oh.” Tumingin sa akin si Agares mula sa rear view mirror. “You plan to visit every stall there?” Tumango ako. “Maghapon akong tulog kaya hindi ako nakapagtanghalian.” Bumaling ako kay Seya na kakaupo lang sa passenger seat. “Why did you bother to bring a car? Akala ko malapit lang dito ang food park?” “Since Yain City is famous for its food and drinks, a lot of tourists decided to come here and visit the newly opened food park and bars,” sagot ni Seya. “Miracle was also planning to open a stall there for SweetHearts so it must be the reason why she told you to visit there.” “She wanted you to tell her your experience in the park and give your insight if it will bloom for the nightlife business in this city,” sabi ni Agares pagkuwa’y inabot niya sa akin ang isang eyeglass. “Please wear it when we arrive there. May mga tourist na galing sa Exor City na posibleng makakilala sayo kaya mas mabuti nang mayroon kang kaunting disguise.” Kinuha ko iyon at agad na sinuot. Wala naman itong grado pero dahil sa malaking lense nito ay bahagyang natatakpan ang kabuuan ng mukha ko. Gabi naman kaya sapat na ito para hindi ako madaling mamukhaan ng mga nakakakilala sa akin bilang prinsesa ng bansang ito. Nang makarating kami sa food park ay nauna na akong bumaba ng sasakyan kahit na maayos ang pagkaka-parking ni Agares. Narinig ko pang tinawag ako ni Seya pero hindi ko na siya pinansin. Hindi pa naman ganoon kadami ang tao dito kaya madali silang makakasunod sa akin. Gutom na ako kaya mabilis akong naghanap ng food stall na una kong kakainan. Maganda ang ambiance dito. Maliwanag ang paligid at malinis ang bawat stall. Ang mga pinaglulutuan nila ay kita ng mga customers kaya makikitang maayos ang bawat preparation ng bawat pagkain. Nasa corner ang mga stall habang ang mga table and chair ay nakahilera sa gitna. Agad akong nagpunta sa stall na nagtitinda ng mga skewers at namili ng kakainin ko. Dinamihan ko na para kina Seya at Agares na natanaw kong palapit sa pwesto ko. Matapos noon ay agad na din akong nagbayad at kinuha ang number slip na tatawagin nila kapag luto na ang mga order ko. Naupo muna ako sa bakanteng upuan na nasa tapat ng stall at doon na ako nilapitan nila Seya. “I ordered a lot of skewers. Iyon na muna ang kainin natin.” “What about drinks?” tanong ni Seya. “What do you want? Ako na ang bibili?” Ngumiti ako at umiling tsaka ibinigay kay Agares ang number slip ko. “Ikaw na lang ang maghintay at ako na ang bibili ng inumin natin.” Hindi ko na siya hinintay na makasagot at agad nang nagtungo sa unang stall na nakita kong nagbebenta ng mga mga maiinom. Napansin kong kasabay ko na sa paglalakad si Seya. “You shouldn’t wander alone,” ani Seya. “Maaga pa lang kaya wala pang masyadong tao pero siguradong mamaya ay dadagsa din ang mga iyon.” “Sanay naman kayo ni Agares na bantayan ako mula sa malayo, hindi ba?” Aside from the bodyguards that my parents provided for me, Miracle also asked the two of them to guard me from time to time. Iyon ang trabaho nila maliban sa pagde-deliver sa akin kaya tiwala ako sa kakayahan nilang bantayan ako kahit pa dumami ang tao dito. “Akala mo ba madali sa amin ang gawin iyon?” Hinila niya ako palapit sa kanya at inakbayan. “Stay close to me, okay? Huwag mo akong pahirapan ngayong gabi dahil siguradong mapupuno ang buong park na ito bago ka pa mabusog.” “Fine. Fine.” Hinayaan ko nang siya ang mamili ng bibilhan namin at nagpatianod na lang ako sa kanya. “Clea Mair?” Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pamilyar na boses kaya agad kong tinabig ang braso ni Seya sa balikat ko at bumaling sa tumawag sa pangalan ko. At hindi nga ako nagkamali. It was Andrel Henan. Nakakunot ang noo niya habang nagpapalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Seya. “Mister Henan…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD