Chapter 10

1361 Words
Clea Mair’s Pov “There was a commotion at the port last night,” I heard Miracle say while talking to someone on her phone. “May kinalaman ba ang mga grupong narito sa kaganapan doon?” She paused for a second at kumunot ang noo ko nang makitang nanlaki ang mga mata niya na para bang nagulat pa siya sa naging sagot ng kausap. “They took care of it before it reached the port? Just give me the report later. Bye.” Siya na ang tumapos ng tawag at itinuon ang atensyon sa hapag-kainan dahil kasalukuyan kaming nag-aalmusal ngayon. “What was that about?” I asked. “Akala ko ay wala dito ang Black Swan?” That was the name of the group that she established. All of its members were hand-picked by herself, and they were all directly under her command. “They only go here whenever I need them.” “And what happened last night?” “It only has something to do with the mafias that are staying in this city,” sagot niya. “It is not part of why I am here, but this is the only favor I can give to the marquess of this city who has been helping me hide Asper.” “Oh.” Tumangu-tango ako. “Not that I know anything about what the palace is dealing with but be careful, okay? It is dangerous when it comes to dealing with mafias.” Not that I know a lot of things about mafias and other groups that the palace is watching. They don’t teach that kind of thing to us, women, in our family. Exemption lang si Miracle dahil nagawa niyang makagawa ng sarili niyang pakinabang para sa pamilya kaya hinahayaan siya ng mga ito sa gusto niyang gawin. “I know the danger, so don’t you worry.” Tumingin siya sa akin. “Ikaw ang mag-ingat. You have been dealing with Henan while working with JFCC.” Kumunot ang noo ko. “Eh ano naman?” “That two of them don't really want to get involved with one another,” she explained. “But because it was your job to look after JFCC’s products and only the Henan Port is good for it, they didn’t deny your idea.” “Why?” I asked. “Is there a hidden dispute between them?” “Not that they don’t get along,” aniya. “They are both foreigners in this country and don't want to raise any trouble with the immigration since they both came from very influential countries.” Well, malaking pamilya din kasi ang pinanggalingan ng Henan at Jyn kaya hindi na nga nakakapagtaka na mainit ang mata ng palasyo sa kanila. Masyadong praning ang angkan namin kaya tuwing mayroong angkan na na nagiging successful ay iniisip nila na magiging kalaban o ‘di kaya ay problema ang dala nito kaya minamatyagan nila ang bawat kilos nito. “Anyway, just be careful,” aniya. “At siguraduhin mo na hindi kayo magkakaroon ng kahit anong romantic involvement ng lalaking iyon.” Tinuro niya ako gamit ang kutsarang hawak niya. “I am telling you, hindi madali ang posible mong harapin at siguradong hindi mo kakayanin iyon.” Tinaasan ko siya ng kilay. “Why do you even think that there is a chance that I might get involved with him romantically?” Itinuon niya ang kutsara sa mata ko. “Your eyes say everything, Clea Mair,” aniya. “You were attracted to him.” Ibinaba niya ang kutsara at bumuntong hininga. “And I can’t really blame you for that. Iba kasi talaga ang karisma ng mga Revenian.” “Miracle.” “Binibigyan lang kita ng warning, Clea Mair,. It is not like I am stopping you for what you want to do,” dagdag niya. “Hindi madali ang ma-involve sa mga foreigner na tulad nila. Masyado silang maraming issues sa buhay nila at alam mong makikialam ang palasyo kapag nakipagrelasyon ka sa mga taong hindi sila ang pumili para sayo.” “I know that.” Kaya hangga’t maaari ay iniiwasan kong huwag tawirin ang boundary na mayroon kami ni Mister Henan. I am already involved with him because of my job and I cannot undo that anymore. I just have to keep it that way. Malaya man ako sa panahong ito, darating ang oras na kakailanganin kong bumalik sa palasyo para harapin ang responsibilidad ko bilang isa sa mga prinsesa ng bansang ito. Kaya hindi ako maaaring basta na lamang magkaroon ng mas malalim na relasyon sa kahit na sinong makilala ko. “Don’t worry…” Ngumiti ako sa kanya. “Magkaiba ang kalayaan na mayroon tayo kaya noon pa man ay lagi kong sinisiguro na hindi ako magkakaroon ng malalim na koneksyon sa kahit sinong makilala ko.” I have been out of the palace for two years, living my life the way I want it. Out of the control of everyone in my family. Siguradong para sa mga matatanda sa angkan namin ay sapat na ang kalayaan na iyon. Kaya hindi na ako magtataka kung sa mga oras na ito ay inaayos na nila ang naudlot na pag-uusap tungkol sa kasal ko sa kasalukuyang pinuno ng Reveni Empire. At isang araw mula ngayon, muli na akong ipapatawag para bumalik sa palasyo. “Mabuti na iyong nagkakaintindihan tayo,” sabi niya. “Kung hindi ka handang kalabanin ang mga matatandang iyon, mas mabuti pang huwag mo nang subukan gumawa ng mga bagay na alam mong ayaw nila. Madumi maglaro ang mga iyon at sa huli, ikaw lang din ang masasaktan.” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya ngunit hindi ko na nagawa pang magtanong. Malinaw sa akin kung ano ang ginawa ng mga iyon na siyang naging dahilan kung bakit umalis si Miracle sa bahay. “Mauuna na akong umalis sayo.” Inilapag niya sa harap ko ang susi ng kotse niya. “I will be using Asper’s car today kaya ikaw na ang gumamit ng akin. Baka late na din ako makauwi kaya ikaw na ang bahala dito sa bahay.” Tumayo siya at nilagay sa lababo ang mga pinagkainan niya. “Call me if you need something, okay?” Tumango ako at kumaway na lang hanggang sa tuluyan siyang lumabas ng bahay. Tinapos ko na din ang pagkain ko at hinugasan ang mga pinagkainan pagkuwa’y tumambay muna ako sa garden. Actually, wala naman akong planong umalis ng bahay ngayon dahil weekends. Wala kaming na-set na meeting para sa araw na ito hanggang bukas since it was supposed to be my day off. He also said that he has other arrangements for this weekend so we set our next meeting for Monday. Hindi ko na lang sinabi ito kay Miracle dahil siguradong mag-iisip pa iyon kapag nalaman niyang mag-isa lang ako dito. Naupo ako sa damuhan at tumingin sa maulap na langit. According to the weather forecast, there will be rain today so even though I want to go out, I don’t think that is a good idea. But I really want to roam this city. Hindi pa ito masyadong develop. As much as possible, gusto ng marquess na panatilihin ang mga natural na landscape na mayroon dito. Mayaman kasi sa mga ilog at falls ang parteng ito ng bansa. Maganda din ang beach at dinadayo dahil sa pinong buhangin na mayroon dito. Maliban pa doon, masigla din ang nightlife dito. Maraming mga food park at bar dito na dinadayo din kahit ng mga nasa kabilang syudad. Iyon ang bihira sa Ilore, Teur at Exor City. Masyadong mahigpit ang curfew sa tatlong siyudad na iyon. Ang mga ito kasi ang sentro ng business industry kaya bihira ang mga establishment na nag-o-operate sa gabi. And I want to visit those places. But I don’t have anyone with me right now. And I don’t really have friends to begin with since I avoid getting too attached to anyone. Kaya wala din akong matatawagan para samahan ako sa paggala dito. Bumuntong hininga ako at nahiga na lang sa damuhan. Itutulog ko na lang siguro ang buong maghapon na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD