Chapter 8

1355 Words
Clea Mair’s Pov “We managed to create a draft for our contract,” I said after showing him the screen on my laptop. “But there are still a lot of things that need to be finalized.” Nagbe-brainstorm pa lang kasi ng mga mapagkakasunduan ng dalawang panig. Draft pa lang ito dahil ang official contract ay gagawin mismo ng mga abogado ng JFCC at HSL. Siguro tama na din itong nag-bigay siya ng oras para malaman ang mga demand nila at mga kailangan namin para sa warehouse ng port niya. “We can send it first to our legal team.” Nakatitig lang siya sa screen ng laptop ko at ini-scroll iyon. “Hingin natin ang advice nila para dito nang sa gayon ay maasikaso agad natin habang narito pa ako.” Kumunot ang noo ko. “Are you going to stay here long?” Tumango siya at sa pagkakataong ito ay inilipat na niya sa akin ang kanyang tingin. “Aside from fishing, may ilang personal meeting ako pinupuntahan dito kaya hindi pa ako makakabalik sa Teur City.” “Oh.” Ibig sabihin ay kailangan ko pang magtagal dito. Pero gusto ko na din namang sulitin ang pagkakataon na ito. Ngayon kasing kaharap ko na si Mister Henan ay magiging madali para sa akin ang mapapirmahan sa kanya ang kontrata na magagawa namin kung sakaling ma-finalized na iyon ng legal team ng parehong kumpanya. Baka kasi kapag umalis agad ako dito ay muli pa akong mahirapan na makakuha ng bagong appointment para sa contract signing. Lalo na’t nabanggit ni Iona na magiging busy ang kumpanya nila dahil sa dami ng cruise ship na dadaong sa Henan Port kaya sa pagbalik ni Mister Henan sa opisina ay hindi ito tatanggap ng appointment. “I am sorry for keeping you here but since you already chose to fly here just to meet me instead of setting another appointment, I can’t help but take advantage of this situation to finish this agreement before going back to Teur City.” I smiled and shook my head. “It is fine,” sabi ko. “Maybe it is also a blessing in disguise since I got to be with my sister even just for a couple of days. So, staying here is not really a big deal.” “Really?” Tumango ako. “Sa isang banda, parang tine-take advantage ko na din ang pagkakataon na nandito ako. Walang problema kung magtagal ako dito hanggang matapos natin ang kontrata.” Ngumiti siya. “Great.” Agad akong nag-iwas ng tingin. I can’t directly look into his face whenever he flashes his sweet smile. I feel like my mind is being clouded whenever I see him smile and it is urging me to do things that are not appropriate for a lady like me. At ayaw kong mahaluan ng malisya ang mga meeting naming ito. Hangga’t kaya ko ay lalabanan ko ang atraksyon na nararamdaman ko para sa kanya. Though, ngayon ay malinaw na sa akin kung bakit nasabi ni Iona na ginagamit ng ibang company representatives na nakaka-meeting ni Mister Henan ang katawan nila para makuha ang pabor nito. Maybe some of them were actually not doing that on purpose. Maybe just like me, they got attracted to him when they finally met him in person, and along the way, they couldn’t handle its charm and fell. At nauuwi iyon sa pisikal na relasyon. “I have one question for you,” sabi niya na nagpabalik sa akin sa reyalidad kaya agad akong tumingin sa kanya. “Why are you looking at me like that?” Kumunot ang noo ko. “What is wrong with the way I look at you?” Naupo siya ng tuwid pagkuwa’y bahagyang itinakip ang kanyang kamay sa labi niyang mayroong mapang-akit na ngiti. “You look like you were charmed by me and you are trying your best to fight it.” Nanlaki ang mga mata ko at agad napahawak sa magkabilang pisngi ko. “W-what?” “You can tell me if I am wrong.” Pero hindi nawawala ang ngiti sa labi niya na para bang naa-amuse pa siya sa reaksyon na ipinapakita ko. “It is just what I can think of to explain why you are giving me that kind of look.” I cupped my face to hide it from him. Sa pagkakaalam ko ay magaling akong magtago sa kung ano ang nararamdaman ko. I have mastered showing nothing but poker face ever since I was a child. My dad’s siblings always told me not to wear my heart into my sleeves because it might get used against me by the people who want to take down our clan. That is why they train me hard just for me to have control over my emotions. “Hey…” Bahagya akong nilagyan ng puwang ang mga daliri ko upang masilip siya. “Sorry if I offended you,” aniya. “I was just amazed by your expression and I can’t help but tease you.” Inalis ko ang kamay kong nakatakip sa mukha at huminga ng malalim tsaka tumingin sa kanya. “I am not really offended. I was just shocked to know that you saw through me even though I tried my best to keep myself calm and flashed my poker face.” “So?” Tumaas ang kilay niya at muling sumilay ang ngiti sa labi niya. “Am I right with my observation? You are attracted to me.” Muli akong huminga ng malalim at sumandal sa kinauupuan ko. “For starters, your looks are already enough to entice every woman around you. At normal na babae lang din naman na naaakit sa gwapo.” Geez! Hindi ko akalain na darating sa ganitong topic ang pag-uusapan namin. Akala ko ay matatapos ko ang trabahong ito ng hindi niya napapansin na may pagkakataon na gusto ko na siyang hilahin at halikan ang mapupula niyang labi. “To answer your question…” Tumangu-tango ako sa kanya. “...yes, I am attracted to you.” Nakakahiya naman kung itatanggi ko pa gayong sobrang halata na pala ako. Kaya okay na itong magpaka-prangka. Sisiguraduhin ko na lang na hindi makakagulo ang atraksyon na nararamdaman ko para sa kanya habang ginagawa ang trabahong ito. Unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya at seryoso niyang sinalubong ang mata ko. Tumikhim ako upang hindi mahalata na naiilang ako sa mataman niyang pagtingin sa akin. “Pero ayaw kong makaapekto sa trabaho ko ang atraksyon na nararamdaman ko para sayo kaya pilit kong nilalabanan ito.” Tumaas ang kilay niya. “Don’t you think you might get the favor that you want for this deal and, at the same time, get what you want if you just gave in to that attraction?” “Well, nabanggit na din naman sa akin ni Iona ang mga previous transactions na mayroon ka sa ibang company representatives na naka-meeting mo,” diretso kong sabi sa kanya. “And it is actually tempting. But I work hard to get this job. I put a lot of effort and time just to get this and I don’t want the people around me to think that I only got here because I used an easy way.” Doing the right thing while striving for my career is the only reason why my parents are still not taking me back to the palace. They saw how I worked so hard for the life that I wanted for myself. At kung hahayaan ko ang sarili ko na gamitin ang paraan upang mapadali para sa akin ang makuha ang deal na ito na pabor sa panig namin, parang sinabi ko sa magulang ko na mali ang pagtitiwala nila sa akin na mamuhay ng mag-isa. Huminga ako ng malalim at ngumiti sa kanya. “I am attracted to you. But this job is important and I can’t mess this up so I can assure you that it will not affect anything between us.” Yeah, even if I have this urge to kiss those damn red lips, I can restrain myself.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD