Chapter 7

1651 Words
Clea Mair’s Pov Just like I planned, I went to SweetHeart together with Miracle. And I do her request and choose to sit at the corner to avoid getting seen by the people who enter the shop. I ordered some cakes and latte for my breakfast and took out my laptop to construct a possible draft for the contract that we were going to do. Mas mabuti na iyong may naumpisahan ako para mamayang pagdating ni Mister Henan ay magiging madali ang usapan namin. Napatingin ako sa labas ng shop at kumunot ang noo ko nang makita ang isang pamilyar na mukha. Tinitigan ko ito at nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto na siya nga ang boss ko. What is he doing here? I was about to go out and greet him when a woman clung to his arm. Lalong nanlaki ang mga mata ko dahil ang babaeng iyon ay walang iba kundi si Asper Reign Dahlia. What the hell? Pumasok sila ng shop at dumeretso sa counter. Miracle entertained them for a while and after giving them some cake and drinks, they immediately went out. Agad naman akong lumapit kay Miracle at hinila siya pabalik sa mesa ko. “Hey!” alma niya. “Ano bang problema?” “Bakit magkasama ang dalawang iyon?” I asked. “Paano nagkakilala ang mga iyon?” “Asper and Jyn?” sabi niya na tinanguan ko. “Magkapitbahay ang dalawang iyon at naging magkaibigan.” “Kung nandito si Boss Jyn, then…” Tumingin ako sa kanya at pinaningkitan siya ng mata. “He is also here, right?” Natigilan siya at unti-unting nag-iwas ng tingin sa akin. “W-who?” Inis ko siyang hinampas sa braso. “Rajiv is also here, right? And you have been seeing each other again.” I know Rajiv. He is Miracle’s ex-fiancé and best friend of my boss. At alam kong kung nasaan ang boss ko ay sigurado ding nandoon ang lalaking iyon. “Hindi, ah!” mabilis niyang tanggi tsaka tumingin sa akin. “Nagkikita lang kami kapag pumupunta ako sa bahay ni Asper. Other than that, wala na.” “Hindi ako naniniwala.” Akma ko siyang kukurutin pero agad siyang nakalayo sa akin. “Miracle, huh? Umamin ka nga sa akin.” Bumuntong hininga siya. “Hindi nga sabi,” aniya. “Matagal nang tapos ang kung anong mayroon sa amin kaya tumigil ka diyan, okay?” Siya naman ngayon ang naningkit ang mata habang nakatingin sa akin. “By the way, ano iyong sinasabi mong Boss Jyn?” “Boss ko si Caspian Jyn,” sabi ko sa kanya. “Sa JFCC ako nagtatrabaho. Isang taon na din mahigit.” Nanlaki ang mga mata ko. “What?” Tumangu-tango ako. “I already mentioned that to you the last time you called the palace.” Hinila ko siya para makaupo sa tabi ko. “I told you I am working at JFCC.” “Yeah,” she said. “But you never mentioned that you were assigned to their products.” “Ah,” sabi ko. “Kaka-promote ko lang three months ago kaya hindi ko pa talaga nasabi sayo kung ano ang na ang trabaho ko.” “You are aware of his identity, right?” aniya. “You know that he is the leader of a mafia that was called Rioghail?” Muli akong tumango. “But JFCC has nothing to do with his mafia. Kaya nga hinayaan ako ni Dad na magtrabaho doon.” Huminga siya ng malalim pagkuwa’y ginulo ang kanyang buhok. “Now I understand why they are also here?” Kumunot ang noo ko. “Who?” Umiling siya at tumayo na. “Tapusin mo na agad ang trabaho mo, okay?” sabi niya. “At bumalik ka na sa Teur City.” Ginulo niya ang buhok ko at muling bumalik sa trabaho niya. Habang ako naman ay naguguluhan sa kinikilos niya. Wala akong alam tungkol sa mga trabahong ginagawa niya para kay Daddy kaya naman hindi ko maiwasan na mag-alala sa tuwing ganito ang kinikilos niya. But if Rajiv is also here, I think I don’t have to worry. Kahit naghiwalay sila noon, alam kong mahal na mahal pa din ng lalaking iyon ang kapatid ko at gagawin niya ang lahat para protektahan ito. Lalo na ngayong malaya siyang nakakalapit dito dahil wala ang mga tauhan ni Miracle sa paligid at wala ding kahit sinong tauhan ang palasyo sa siyudad na ito. Ipinagwalang-bahala ko na lang ang mga nakita ko kanina. Ano naman kung nandito si Boss ngayon kasama ang isang Dahlia. That is none of my business. Ibinalik ko ang tingin screen ng laptop at itinuloy ang pagda-draft ng contract. Halos hindi ko na nga napansin ang nangyayari sa paligid ko dahil masyado akong tutok ginagawa ko at nang mag-angat ako ng tingin ay nanlaki ang mga mata ko nang makita si Mister Henan na nakaupo na sa harap ko habang umiinom ng kape. “W-what…” Tumingin siya sa akin at ngumiti. “You finally noticed me.” “Kanina ka pa dito?” Agad kong inalis ang mga gamit na nagkalat sa mesa at nilagay sa upuan na nasa tabi ko. Umiling siya. “Just a couple of minutes.” Tumingin ako sa relo ko at muling nanlaki ang mga mata ko nang makitang halos mag-a-alas onse na pala. Ganoon ako ka-focus sa ginagawa ko at hindi ko na namalayan ang oras. “They serve lunch here.” He showed me the menu. “What do you want to eat?” “Ahm…” Tiningnan ko ang mga pagkain na nakalista sa menu at agad itinuro ang gusto ko. “Then, fruit juice.” Muli siyang ngunit at tumango tsaka pumunta sa counter imbes na tumawag ng server. Saglit siyang nakipag-usap kay Miracle na siyang tumanggap ng order nito pagkuwa’y bumalik siya sa table namin. “So, you have been here since morning?” I nodded. “I don’t want to stay in Miracle’s house alone so I came along here with her and decided to start drafting our contract.” “Were you always like that?” he asked. “When you are too focused on something, you can’t notice anything around you?” I nodded. “I guess I caught that habit when I was still a child.” Kapag kasi nag-aaral ako noon ay palagi na lang akong pinalilibutan ng mga tito at tita ko na nagpe-pressure sa akin kaya pilit kong ipinagsasawalang-bahala ang ingay sa paligid ko para makapag-focus ako sa ginagawa ko. “Sorry kung hindi agad kita napansin, huh?” sabi ko. “Akala ko ay mamaya ka pa dadating?” “Maagang natapos ang meeting ko kaya naisip kong magpunta na agad ito.” Miracle served our food and after that, she handed me her car keys. Kumunot ang noo ko at tumingin sa kanya. “Why are you giving this to me?” “Mag-a-out ako ng maaga ngayon,” aniya. “Ikaw na ang gumamit ng sasakyan ko at may pupuntahan akong importante.” Pinanliitan ko siya ng mata. “Pwede kong malaman?” Umiling siya. “No need to worry.” Ginulo niya ang buhok ko. “I am with someone capable of protecting me.” Hindi na niya ako hinintay sumagot at agad nang umalis. “You were close?” Mister Henan asked. “We have had a strange relationship since we grew up away from each other,” I said. “But when Miracle left our house, I tried my best to keep our relationship close to each other. Medyo awkward na kasi ang relasyon namin sa panganay kaya hangga’t maaari ay ayaw kong magkalayo din kami ni Miracle.” “I am not that close with my siblings,” kwento niya. Medyo natigilan pa ako dahil hindi ko ine-expect na mag-o-open siya sa akin. “My elder brother and I always need to compete with each other because of our parents so when I got the money, I ran away from home and ended up here.” “That is when you started to establish Henan Shipping Company?” “Actually, my first business here is Andrel Fishery,” aniya. “Hindi naman ganoon kalaki ang perang dala ko nang dumating dito kaya nagsimula muna ako sa mababa. Bumili ako ng maliit na property sa tabi ng dagat at limang bangka. Pinaparenta ko ang apat habang ako naman ang gumagamit ng isa para makapangisda.” “Eh?” None of these were written in any magazines. Ang alam lang ng mga tao ay ang Henan Shipping Company ang sinimulan niyang negosyo dito. “Then, nung makaipon ka, doon mo na sinimulan ang shipping company mo?” Tumango siya. “But from time to time, I am still going back to where I started and fishing on my own.” Kumunot ang noo ko. “Ibig bang sabihin ay iyon ang pinagkakaabalahan mo dito sa Yain City?” tanong ko. “This is where you started living when you arrived in this country?” Ngumiti siya. “You realized that?” “Well, I am friends with one of your employees, Iona Meredez,” sabi ko. “Nabanggit ko sa kanya na dito sa Yain City natuloy ang meeting natin at nagtataka siya dahil wala naman kayong office dito. Wala din kayong partner na naka-base dito.” “Oh.” Tumangu-tango siya. “Siya pala ang dahilan kung bakit nakalusot agad ang appointment mo kahit marami ang nauna sayo.” “What?” Hindi ko inaasahan iyon. I mean, ordinaryong office clerk lang si Iona pero nagawa niyang mai-set ang appointment ko ng mabilis. “I guess she sees something in you.” Hindi na niya dinagdagan pa ang sinabi at nagpatuloy na lang sa pagkain. Hindi ko na din pinansin pa iyon at kumain na lang din.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD