CHAPTER 18 "REBOUND GIRLFRIEND"

1872 Words

"MISS Beautiful! Bakit ang tagal mo?” iyon ang masiglang tanong sa kanya ni Vincent nang abutan niya ito sa kanilang meeting place. "Isla, sweetheart," anitong halatang nagulat nang mapuna nitong umiiyak siya. Bagaman sinubukan naman niyang itago iyon sa pamamagitan ng pagyuko. Nahalata parin siya ni Vincent nang maupo siya sa tabi nito. Suminghot si Isla saka tinagpo ang mga titig ni Vincent. “Nagkita kami ni Tanya sa CR,” aniyang lalong napaiyak kapagkuwan. Noon niya napuna na hindi na sa mukha niya nakatingin si Vincent kundi sa braso niya na tinatakpan niya gamit ang kanyang kamay. "What's wrong with your arm?" tanong ni Vincent habang nagsasalubong ang mga kilay saka iyon hinawakan. Magkakasunod na umiling si Isla saka sinubukang bawiin kay Vincent ang kanyang braso pero huli n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD