CHAPTER 15 "A FATHER'S REMINDER"

1595 Words

KATULAD ng napagkasunduan nila, nang gabing iyon, si Vincent ang personal na humingi ng permiso sa kanyang ama para masamahan niya ito sa Simbang Gabi. Pumayag naman doon ang kanyang ama at lihim na ikinatuwa ni Isla ang tungkol doon. Nasa loob na siya ng kanyang kwarto nang pumasok doon ang kanyang ama. “Papa, bakit gising pa po kayo?” tanong niya habang nanatiling abala sa tinatapos niyang assignment. Ngumiti lang sa kanya si Artemio at pagkatapos ay inilapag sa ibabaw ng kanyang study table ang isang mug. “Inumin mo ito, anak,” anito sa kanya. Alam niyang gatas ang laman niyon. “Salamat po, Papa,” aniya habang nakatitig sa mabait na mukha ng kanyang ama. “May kailangan po ba kayo?” dugtong pa niya nang mapunang maliban sa mug ng gatas ay mayroon pang ibang pakay ang kanyang ama. Noo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD