Lumabas na ng kanyang kuwarto si Manang Berta habang siya'y kumain pa sa almusal na nasa tray na inihatid sa kanya ni manang Berta. Masama talaga ang pakiramdam niya ng umagang iyon kaya nang siya'y matapos Kumain ay muli siyang nahiga ng kanyang kama. Maya-maya'y may kumatok na naman sa kanyang kuwarto sabay tawag at sambit sa kanyang pangalan at natigilan pa siya nang marinig niya na boses iyon ni Madam Walsonia. " Pasok lang po madam." Sagot naman niya rito. Binuksan nga nito ang pintuan at pumasok agad. Nakasunod pala rito si Aling Tina na may bitbit na biniling fresh na mga prutas tulad ng orange, Apple at Manggang medyo hinog na siyang masarap kainin. " What happened to you Mariella? dalawang araw nalang ang natitira at tayo ay aalis na pauwi sa Sta. Ana kaya dapat ay naghan