Kinabukasan ay maagang nagising si Mariella dahil maaga kasi siyang nakaramdam ng di niya maiintintdihang gutom. Ipinaghanda naman siya ng mainit na almusal ni Manang Berta dahil alam nitong naglilihi siya. Kaya pala na lagi nalang siyang gutom sa tuwing Umaga dahil sa kanyang pagbubuntis. Eksaktong natapos siyang kumain ay saka naman lumabas si Sir Juancho. Walang kangiti-ngiti ang mukha nito nang maabutan siya nito sa komedor. Parang di siya nakita nito na deretsong naupo lamang sa upuan ng mesa roon. " G- Good morning po Sir Juancho." Napilitang bati niya rito. Subalit di man lang siya nito tinapunan ng tingin at di rin siya sinagot nito. Para tuloy siyang napahiya dahil hindi talaga siya pinansin man lang nito. " Good morning sir. Magkape kana ba Sir? " Tanong pa ni Manang Berta