CHAPTER THIRTY NINE

2831 Words
Mikaella's P.O.V. Inayos ko ang suot kong sleeveless na dress. Kulay champagne ito at hanggang gitna ng hita ko ang haba. Medy kumikininang din ito ng kaonti tuwing gumagalaw ako. Umupo ako at tumapat sa salamin ko. Ginawa kong wavy ng kaonti ang itim kong buhok. Sinuot ko ang puting bilog na hikaw na niregalo sa akin ni Kross. Naglagay na rin ako ng kaonting make up at tinignan ang sarili ko sa salamin. Napabuntong hininga ako at tinignan ang oras. Kalahating oras na lang at magsisimula na ang 18th birthday party ni Vivian. 7 P.M. ang simula ng party at hanggang 10 P.M. ito. Gusto kong mahiga na lang sa kama. Gusto kong manood, magbasa o di kaya ay matulog. Pero kailangan kong pumunta sa party na ito dahil may kailangan akong gawin. Napalingon ako sa pintuan ko nang marinig na may kumatok doon. "Mika," rinig kong tawag sa akin ni Kuya Mike. Tumayo na ako at kinuha ang maliit na bag ko. Huminga ako ng malalim at pinikit saglit ang mga mata ko. Matagal na rin nang huling nakapunta ako sa party. Dati ay lagi akong pumupunta sa mga ito at na-eenjoy ko naman ito dahil kasama ko si Kross at ang ibang kaibigan namin. Pero ngayon ay mag-isa lang ako at hindi ako a-attend ng party na iyon para magsaya. A-attend ako dahil may buhay na nanganganib. Naglakad na ako papunta sa pintuan. Binuksan ko ito at nakita ko si Kuya na suot-suot ang salamin. Kahit sa bahay ay may mga ginagawa parin s'ya para sa trabaho n'ya. "Woah," nakangiti nitong sabi sa akin. "You look gorgeous as usual." "Thank you, Kuya Mike," sagot ko dito at ngumiti ng kaonti. Dati ay lagi akong nakakaramdam ng saya tuwing may nagco-compliment sa akin. Kahit paulit ulit kong naririnig iyon kila Mommy, Daddy, at Kuya ay sobrang saya ko. Kahit ngayon ay masaya ako dahil narinig ko ulit ito pero hindi ko alam kung paano ang iaakto ko. Hindi na kasi tulad ng dati ang lahat. "Let's go, baka ma-late kapa," sabi nito at naglakad na kami pababa. Dumiretso na kami sa garahe at sumakay sa kotse. Habang nagba-byahe ay kinuha ko ang invitation card ng birthday party ni Vivian. Hindi lang mga classmates n'ya ang inaya n'ya. Pati ang mga ibang estudyanteng nag-aaral sa Willton's Academy ay kasama at iisa na doon si Nathan. Binalik ko na ang invitation card sa bag ko at napatingin ako sa langit. Malapit na ito dumilim. Palubog na nang palubog ang araw. Tinignan ko ang phone ko at nakita kong may message sa akin si Kross. Napakunot ang noo ko dahil hindi naman ito pala-message sa akin. Agad kong binuksan ang conversation namin at tinignan kung ano ang sinabi n'ya. I heard you're going to a fancy birthday party. I miss attending parties with you! Sana makapag-bond ulit tayo soon. Enjoy, Mikaella! - Kross. Napangiti naman ako nang masama ang message n'ya sa akin. Alam kong kay Kuya n'ya nalaman ito. Kahit hindi sa akin sinasabi ni Kross ay si kuya lang naman lagi ang nagku-kwento sa kan'ya. Alam rin kasi ni Kuya kung gano kami ka-close ni Kross. Alam n'ya na lagi akong nakikinig dito. Looking forward to that :) - me. Binalik ko na ang phone ko sa maliit na bag at napatingin sa paligid namin ni kuya. "Nandito na tayo," sabi nito sa akin at huminto sa tapat ng double door ng building. Binuksan ko ang pinto at napatingin ako sa harap nitong building. May malaking pabilog na fountain doon. Marami ring puno dito at mga halaman. Napatingin naman ako kay Kuya nang buksan n'ya ang bintana ng kotse. "Take care and enjoy, Mika. I'll pick you up later, okay?" Sabi nito sa akin. Hindi ako nagsalita at tumango lang ako sa kan'ya. "Una na ako," sabi nito at sinara na ang bintana ng kotse n'ya at umandar na papunta sa gate para makalabas dito sa resort. Binalik ko ang tingin sa double door. May mga ilang estudyante ang papasok rito. Ang iba sa kanila ay nakasuot ng mga evening gown. Ang mga lalaki naman ay nakasuot ng mga itim na suit. Maraming gold na ilaw sa paligid. May nakalagay ring Welcome to Vivian's 18th birthday Party! Sa gilid, malapit sa pinto. Naglakad na ako papunta sa pinto at nakita ang mga guard na bantay dito. Pumila ako at kinuha ang invitation card sa bag ko dahil kailangan pa naming ipakita ito para makapasok sa loob. Nang ako na ang hanapan nila ng invitation card ay pinakita ko ito sa kanila. Tumango sila at sumenyas na pwede na akong pumasok. Pumasok naman na ako sa loob at may mahabang daan pa rito bago makapunta sa main hall. Puting puti ang pader dito. Kulay gold ang ilaw rito na pa-square ang shape sa kisame. Napatingin ako sa dalawang tao sa harapan ko. Lalaki ito at babae. Mukhang magkasintahan ang dalawa base sa kinikilos nila. Hindi ko na lang ito pinansin at binigay ang atensyon ko sa dinadaanan ko. Nakasuot pala ako ng itim na sapatos na may 2 inches heels. Hindi ako sanay sa matataas na sapatos kaya mababa lang ang mga shoes ko. "Mika!" Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Kael sa likuran ko. Lumingon ako rito at nakita ko s'yang nakangiti habang kasama si Cara. Nakasuot ng itim na suit si Kael. Puti ang pangloob nito at maroon ang kulay ng neck tie nito. Hindi rin n'ya suot ang salamin n'ya ngayon. Nakataas ang gilid ng buhok n'ya at hindi ako magsisinungaling, mas gumwapo ito. Napatingin naman ako kay Cara na nakasuot ng silver na evening gown. May slit ito kaya naman kita ang kaliwang hita nito. Kulay puti ang sapatos n'ya at sa tingin ko ay mataas ang heels nito. Nakataas ang buhok n'ya at nakasuot ito ng mahabang earings. "You look gorgeous, Mika!" Sabi sa akin ni Cara nang makalapit sila ni Kael sa akin. "You too," sagot ko dito at ngumiti ng kaonti. "Let's go? Excited na ako makita si Vivian." Halatang nasasabik na si Kael sa tono ng boses nito. "Sabay kana sa amin," sabi pa ni Kael at ngumiti sa akin. Hindi pa ako nakakasagot nang tumabi sa kanan ko si Cara at kumapit sa braso ko tapos ay naglakad. Wala na rin akong nagawa kung hindi ang sumabay sa kanilang dalawa. Pagkapunta namin sa main hall ay nakita ko na ang maraming table at mga upuan. May mga puting tela ang nakapatong sa table. Kulay gold naman ang upuan nila at may mga flowers ang bawat table. "Sa bandang harap tayo," sabi ni Cara at hinila ako papunta doon kasama si Kael. May mga iilang bakante na table pa pero halos lahat ay mayroon nang nakaupo. Napapatingin ang iilan sa amin. Namumukhan ko rin ang iba sa kanila na nag-aaral din sa Willton's Academy. Huminto na kami ni Cara nang nasa table na namin kami. Umupo na sila ni Kael at napagitnaan pa ako kg dalawang ito. Wala na akong nagawa at umupo na lang rin ako. Ayoko namang isipin nilang ayoko sila kasama. Ayoko lang magkaroon ng sagabal sa gagawin ko ngayon. Napatingin ako sa stage at nakita ang magandang ayos nito. Maraming flowers doon. Gold at white ang color theme ng Party ni Vivian. Maganda rin ang design ng upuan nito. May mga diamonds na nakadikit doon. Napatingin ako sa kisame at nakita ang malaking chandelier. Napangiti ako saglit dahil naalala ko ang 18th birthday ko. Apat na buwan pa lang ang nakakalipas matapos ang 18th birthday ko. Napatingin kami nila Cara at Kael sa pader nang bumukas ang puting kurtina doon. Nakita namin ang mataas na glass wall at glass door. Nakita rin namin ang pool doon sa labas na may blue light. Maraming ilaw at table na matataas doon. May mga puno rin. Mukhang doon tatambay matapos ang 18th roses at iba pang activities. "Iba talaga si Vivian," rinig kong sabi ni Kael habang natatawa ng mahina. "I know right?" Sagot ni Cara sa kan'ya. Ginala ko ang paningin ko para subukang hanapin si Nathan. Hindi pwedeng nagkamali ako ng rinig ng gabing iyon. Ang sabi n'ya ay aattend s'ya ng Birthday party ni Vivian at pagtapos ay pupunta kung nasaan ang lalaking pina-kidnapped n'ya sa mga killers na iyon. Habang hinahanap ko si Nathan ay biglang namatay ang ilaw. Natigilan ang lahat at tumahimik. Ngayon ko lang rin naramdaman ang lamig dito sa loob. "What's happening?" Rinig kong tanong ni Cara. Kahit patay ang ilaw rito ay medyo nakakakita naman kami dahil sa ilaw sa pool. "Mukhang magsisimula na ang party ni Vivian," sagot ni Kael sa kan'ya. Biglang may tumunog na soft song at bumukas ang ilaw na pabilog sa entrance. Napatingin kaming lahat doon at nakita si Vivian. Nakasuot ito ng puting gown na may mga designs na color gold. Nakataas ang buhok nya habang may crown din ito na kulay ginto. Hindi ko s'ya agad nakilala dahil sa make up nito. "We love you, Vivian!" Rinig kong sigawan ng mga classmate na babae namin sa iisang table. Tumingin si Vivian sa kanila at ngumiti ito. Nang makalakad na ito papunta sa stage ay bumukas na ang ilaw at tumayo lang ito doon. May isang lalaki naman ang tumabi sa kan'ya na may hawak na dalawang wireless microphone. Inabot nito ang isamg microphone kay Vivian habang sa kan'ya naman ang isa. Mukhang ito ang MC ni Vivian sa birthday party n'ya. "Good evening, Everyone!" Masayang bati ng lalaki sa amin. "I'm Mark Joseph Uy. Vivian's friend and MC for tonight." Nagpalakpakan naman ang iba habang tahimik na nanonood lang kami nila Kael at Cara sa kanila. "Good evening, My friends, classmates, schoolmates, relatives, and my family. First of all, thank you for coming here." Nagsisimula nang mag-opening speech si Vivian nang mapatingin ako sa harap ko nang maramdaman kong may tumayo doon. Nakita ko si Chaz na nakatingin ng seryoso kay Kael. Nakasuot ito ng dark gray suit. Nakataas ang itim at wavy n'yang buhok. Halos hindi ko ito nakilala. "Kael," tawag nito kay Kael. "Chaz?" Tawag ko sa kan'ya. Nang mapatingin s'ya sa akin ay parang nagulat ito. Mukhang hindi n'ya ako napansin. Sabagay, kahit ako ay nagtataka sa sarili ko kung bakit kasama ko si Kael at Cara. "Ate Mika!" Agad na nawala ang pagkaseryoso ng mukha nito. "Chaz? Bakit?" Tanong ni Kael dito. "May sasabihin lang sana ako sa'yo about school stuffs pero mamaya na lang," sagot ni Chaz. "Oh, you're here Chaz," bati ni Cara dito. "Bakit hindi ka na lang sumama sa amin? May isang upuan na available pa naman." Apat lang ang upuan kada table. Kulang pa pala kami ng isa. "Okay lang?" Tanong ni Chaz. "Ang ingay kasi sa table ko. Mga hindi ko pa kilala. Mukhang mga pinsan ni Vivian iyon." "Yes, umupo kana," utos ni Cara dito. "Ikaw lang kasi ang kilala ni Vivian sa Grade 11 at section mo kaya kami lang rin talaga ang kilala mo dito sa party." "Oo nga eh," sagot ni Chaz at tumingin ito sa akin. "I'm surprised you're here. Akala ko hindi ka uma-attend sa mga ganito." "Actually, surprised din kami ni Cara," sabi ni Kael dito at nagtawanan ang dalawa. Napasimangot na lang ako at pinagmasdan ang bulaklak sa table namin. Ganung vibe ba ang nabigay ko sa kanila? Sabagay. Ibang iba nga ang inaakto ko sa Willton's Academy keysa sa dati kong paaralan. "By the way, what changed your mind?" Tanong ni Kael na katabi ko sa kaliwa habang nakatingin sa akin. "Nung isang araw lang ay parang ayaw mong umattend at hindi na kita mapipilit. Is there a reason why you're here?" Binalik ko ang tingin sa bulaklak at hindi agad nakasagot. Sht. Bakit ba ang bagal ko mag-isip ng kasinungalingan? "Wala naman." Tinignan s'ya. "Nabo-bored lang ako sa bahay. That's all," sagot ko at ngumiti sa kan'ya. "Oh my god, I think we need to be friends!" Sabi ni Cara. "Hindi ka mabo-bored sa akin. You can always call me. We can have fun." Gusto kong sagutin ito na I'm not sure pero mas pinili ko na lang matahimik dahil ayokong ma-offend ito. "Hey, let's listen to Vivian. Patapos na ata yung speech n'ya," sabi ni Kael kaya naman napatingin na kaming apat sa stage kung saan nakatayo si Vivian. × × × Kumakain na kami ngayon at kakatapos lang ng 18th roses. May mga waiter na nag-aabot ng pagkain sa amin para hindi na kami tumayo at pumila. "This one tastes really good," komento ni Kael habang kumakaing ng beef na may white sauce. Hindi ko alam ang tawag dito dahil ngayon lang ako nakakita at nakakain nito. Masarap naman ito at hindi weird ang lasa. Halos ang lahat ng hinanda na pagkain ay hindi pamilyar sa akin. "Excited na ako sa dessert," sabi ni Chaz habang ngumunguya ito. "Dessert agad nasa isip mo? Hindi mo pa nga tapos 'yang rice mo," natatawang sabi ni Cara sa kan'ya. "Eh, mukhang masarap 'yung dessert nila," nakanguso na sabi ni Chaz. "How about you, Mika? Nagustuhan mo ba mga handa ni Vivian?" Tanong ni Kael sa akin. Napansin n'ya sigurong tahimik ako. "They all tastes good," komento ko at pinagpatuloy ang pagkain dahil gutom narin naman na ako. Habang kumakain ay napunta ang tingin ko sa lakaking nakaupo sa kabilang table. Si Nathan ito. Nakasuot ito ng puting suit at itim na polo sa loob. Nakababa ang itim n'yang buhok. Mga babae ang ka-table nito at mukhang taga Willton's Academy ito. Pinagmasdan ko si Nathan at nakitang tahimik lang rin s'yang kumakain. Nakayuko lang s'ya at nakatingin sa pagkain n'ya. Ang seryoso din ng aura nito. Napatingin ako sa paligid at nakita ang mga hindi pamilyar na mukha. Mga kamag-anak o pamilya ni Vivian. Lahat sila ay magagara ang suot. Nabalik naman ang tingin ko sa table namin nila Kael nang maramdamang may naglapag ng mga pinggan dito. Pagtingin ko ay kinukuha na nila ang mga plato namin na tapos na kumain at naglalagay na sila ng plato ng dessert. Matapos nila kaming bigyan nito ay umalis na sila at nagpunta sa susunod na table. "Mukhang masarap," excited na sabi ni Chaz at sumubo ng Lemon cheesecake mousse. Dalawa ang desserts nila. Lemon cheesecake mousse at strawberry shortcake trifles. Una kong tinikman ang strawberry dahil paborito ko ito. "After this, open na yung pool. May mga liquors don," sabi ni Kael habang kumakain ng lemon cheesecake mousse. "I brought my favorite swimsuit. How about you, Mika?" Tanong ni Cara sa akin. Napatingin silang lahat sa akin at napahigpit ang hawak ko sa maliit na spoon. Wala akong dalang swimsuit. Wala sa plano ko ang mag-swimming at mag-enjoy. "Uhmn, actually maaga akong susunduin ng kuya ko," sabi ko sa kanila at tinignan ko ang oras. Nakita kong 9 P.M. na pala. "Hanggang 10 ang nakalagay sa invitation kaya," sabi ni Cara at naghalumbaba ito habang nakatingin sa akin. "Actually, hanggang 12 A.M. ang party sa pool." Nakita ko si Nathan na tumayo gamit ang gilid ng mata ko Kaya naman agad akong naalerto. Napatingin ako sa kan'ya nang simple at nakita kong pinapagpag lang pala nito ang suit nitonat umupo na. "Are you okay?" Tanong ni Kael sa akin. "Is there something bothering you?" Agad akong umiling. "Wala. Kailangan ko lang mag-restroom saglit," sabi ko dito at tumayo. "Oh, okay sure," sagot ni Kael sa akin. "Want me to accompany you?" Alok ni Cara pero agad akong umiling. "Bilisan mo Ate Mika ah?" Sabi ni Chaz sa akin. "Baka kunin agad nila yung desserts. Ako kakain nito," balala nito sa akin. "Ang takaw mo talaga," natatawang sabi ni Cara at Kael sa kan'ya. "I'll be back," sabi ko sa kanila at nagsimula nang maglakad paalis sa main hall at pumasok sa restroom. Dumiretso ako sa sink at pinagmasdan ang sarili ko. Huminga ako nang malalim at hinugasan ang kamay ko. Kailangan kong ikalma ang sarili ko. Hindi ko alam kung kaya ko bang mag-isa ito. Pero hindi naman ako p'wedeng humingi ng tulong kila Kael. Hindi ako sigurado kung ano o sino talaga sila. Wala akong pagkatiwalaan dapat sa mga estudyante ng Willton's Academy. Nasabi na sa akin ni Nathan na nag-aaral ang mga killers na iyon dito. Ito ang unang clue na mayroon ako. Hindi ko alam kung sino ang kalaban at kakampi ko. Agad akong napatingin sa pintuan nang bumukas ito. Nakita ko ang mga hindi pamilyar na mukha ang pumasok sa loob. Nagmadali na ako maghugas ng kamay at lumabas na para bumalik sa table namin nila Chaz. Kailangan kong bilisan. Hindi dapat mawala si Nathan sa paningin ko. Pagkabalik ko sa main hall ay napakunot ang noo ko nang makitang wala na ang ibang tao rito at wala na dito si Nathan. Agad akong napatingin sa pool at nakita ang mga iilan doon. Mabilis akong nagtungo rito at sinubukang hanapin si Nathan pero wala s'ya eito. "Sht," mahina kong sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD