CHAPTER THIRTY EIGHT

2802 Words
Mikaella's P.O.V. Nagtago ako sa pader ng Willton's Academy at sumilip sa gate. Pinagmasdan ko ang loob. Madilim rito. May lalaking guard din na nakaupo sa pasukan. Nakita kong tulog ito dahil mayroong study lamp ang table sa gilid n'ya. Napatingin ako sa gate ng Willton's Academy at nag-iisip ng paraan kung pano ako papasok dito. Hindi namang p'wede na sa mismong pasukan ng gate ako dadaan. Wala akong susi. Napakunot ang noo ko nang makitang parang may gumagalaw sa hindi kalayuan sa loob. Pumasok ang mga iyon sa loob ng building. Madilim masyado at tanging buwan lang ang nagbibigay ng ilaw pero nakita ko ang kulay ng mga damit nila. Itim ito. Sila kaya ang kikitain ni Nathan? Paano sila nakapasok sa loob? Tinignan ko kung gano kataas ang gate ng Willton's Academy at halos abot ito sa kalagitnaan ng 2nd floor. Sa tingin ko ay kaya ko itong akyatin pero hindi ako kampante dito. Mukhang mahihirapan ako at paano kung nasa itaas pa lang ako nang biglang magigising ang guard? Kailangan kong mag-isip ng ibang paraan. Tinignan ko ang relo ko at nakitang 8 minutes na lang at mag-12 A.M. na. Kailangan ko ng bilisan. Napatingin ako sa guard at nakita kong mahimbing ang tulog nito. Humihilik pa ang isang ito at nakasandal sa upuan n'ya. Napatingin ako sa bulsa n'ya at sinubukang hanapin ang mga susi na nakasabit doon pero napakunot ang noo ko nang makitang wala iyon doon. Napunta ang tingin ko sa sahig at nakitang nandoon iyon. Nalaglag kaya iyon? Tinignan ko ang padlock ng gate at hinawakan ito. Nakita kong bukas ito kaya naman agad kong marahan na binuksan ang gate para hindi ito makagawa ng ingay. Pagkapasok ko ay dahan-dahan kong sinara ang gate at tinignan ang guard. Humihinga ito at sa tingin ko ay wala namang masamang ginawa sa kan'ya. Siguro ay kinuha ng mga pumasok ang susi sa bulsa n'ya kaya sila nakapasok. Iniwan nila ang susi sa ilalim ng guard para hindi ito magtaka. Pero nakalimutan nilang i-lock ulit ang gate ulit. Marahan akong naglakad sa campus papunta sa grade 12 building kung saan nakita kong may mga pumasok rito. Ginala ko ang paningin ko habang naglakad. Sobrang dilim sa ibang bahagi rito dahil patay ang lahat ng ilaw. Ang buwan lang ang nagbibigay liwanag. Ngayon lang rin ako nakapunta dito sa Willton's Academy ng gabi, at ganitong oras pa. Marahan kong tinulak ang pinto at bumukas ito. Hindi rin ito naka-lock. Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko ang madilim na hallway. Napalunok ako nang makaramdam ako ng takot. Pakiramdam ko ay nasa isang horror movie ako ngayon. Nagsimula na akong maglakad nang dahan-dahan. Kailangan kong mag-ingat at hindi gumawa ng ingay. Nakatingin lang ako sa dinadaanan ko kahit sobrang dilim. Nilabas ko ang phone ko at binuksan ito. Ginawa ko itong ilaw sa dinadaanan ko. Naka-low brightness lang ito para hindi gaano nakakakuha atensyon ang ilaw. Habang naglalakad ay ginala ko ang paningin ko rito. Tinatalasan ko rin ang pangrinig ko. Sobrang tahimik at tanging mabilis na pagtibok ng puso ko lamg ang naririnig ko. Bawat hakbang ko ay parang pabigat nang pabigat ang aking mga paa. Parang giniginaw na din ako kahit hindi naman ganon kalamig. Nakaramdam din ako ng kilabot nang magtagal dahil mag-isa lang ako dito at sobrang dilim pa. Huminto ako sa hagdan at marahan na umakyat. Pinatay ko muna ang phone ko dahil may bintana naman dito. Nabibigyan liwanag ang parte dito at nakikita ko ng maayos ang bawat hagdan. Pagkaakyat ko sa 2nd floor ay hindi na ito gaano kadilim katulad sa 1st floor. Mas maliwanag dito ng kaonti dahil mas mataas ito, maraming bintana at mas nabibigyan liwanag ng buwan. Napatingin ako sa hagdan paakyat nang marinig ko ang mga yapak na papahina nang papahina. Mukhang umaakyat ang mga ito. Mabilis at maingat akong umakyat para sundan sila. Hindi na ko na ginamit ang phone ko para ilawan ang dinadaanan ko dahil malapit lang sila sa akin. Baka makita lang nila ito at mahuli ako. Nang makapunta na ako sa pinakataas na hagdan ay napatigil ako. Papunta na itong rooftop. Ibigsabihin, doon sila magkikita-kita. Agad na akong umakyat at nilagay ko sa bulsa ng pajama ko ang phone ko. Maingat ang bawat pagakyat ko. Kailangan kong iwasan gumawa ng ingay kahit na anong mangyari. Nang nasa tapat na ako ng pintuan ay huminto ako at sumilip dito. Nakita ko ang apat na lalaking nakasuot ng itim na damit. Nakatalikod sila at nakasuot ng hoodie kaya hindi ko makita ang mga mukha nila. Nakatayo naman sa harap nila si Nathan na nakasuot ng puting polo na nakatupi kaya kita ang mga hiwa nito sa wrist at nakasuot rin ito ng itim na slacks. Nakataas ang itim nitong buhok. "We can't let you go away from here," rinig kong sabi ng isang lalaking nakatalikod. Hindi ko mabosesan ang mga ito dahil parang may nakatakip sa bibig nila. "We have a deal. Hinding hindi ko ipagsasabi sa kahit na sino ang totoong identity n'yo kapalit nang pananahimik n'yo sa inutos kong gawin n'yo," seryosong sabi ni Nathan. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. Anong pinagawa n'ya sa mga ito? Gumalaw ang isa sa mga lalaking nakaitim at natigilan ako nang makita ang clown mask na suot nito. Kahit saglit at kalahati lang ng maskara n'ya ang nakita ko ay sigurado na ako. Sila ang nakita ko sa forest na pinatay ang babaeng walang laban sa kanila. Kaparehas na kaparehas din ang disenyo ng mask nila sa pumatay kila Mommy at parehas silang apat sa grupo. Tumawa ang isa sa kanila at tinanggal ang hoodie nito. Nakita ko nang buo ang clown mask na suot nito. Lumapit ito kay Nathan. "Pano kami makakasigurado? Lalo na't aalis ka," sabi nito kay Nathan. "Hindi pa ba sapat ang takot akong patayin n'yo?" Tanong ni Nathan sa kanila at huminga nang malalim. Mas lumakas ang tawa ng lalaki. "Napakagaling mo talaga umakto na suicidal, Nathan," sabi nito at pinat ang balikat ni Nathan. Nakita kong napatingin si Nathan sa kamay nito at nakita kong napalunok s'ya. Halata mo sa mata at sa mukha nito ang takot at kaba. "Isang suicidal dude na takot mamatay?" Sabi pa ng isang lalaki at nagtawanan ang mga ito. "Sh*t up," madiin na sabi ni Nathan sa kanila. Bigla kong naalala ang pagkikita at usap namin ni Nathan sa coffee shop. Nakita ko ang mga hiwa n'ya sa wrist noon. Sinabi n'ya rin noon sa akin na papatayin nila s'ya pagnagsalita ito. Ngayon lang nag-sink in ang lahat sa akin. Nagtataka na ako sa kan'ya simula pa lang noon. Pero bakit kailangan n'yang umakto? "Kailangan kong gawin 'yun para ipakita sa lahat na apektado ako sa pagkawala ni Stella. Kahit ang grades ko ay sinugal ko," seryosong sabi ni Nathan. "Para hindi ka nila paghinalaan na ikaw ang nagpapatay kay Stella?" Agad na nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Napatingin ako kay Nathan at nakita kong seryoso lang ang aura nito. Anong sinasabi nila? Si Nathan nagpapatay kay Stella? "Hindi pala baliwala ang pagiging matalino mo, Nathan," sabi ng isa. Napatingin ako sa isang lalaki pa na hindi nagsasalita at tahimik lang. Nakatayo lang s'ya sa gilid. "Stella deserved it. She cheated on me. Ginamit n'ya lang ako dahil matalino ako at sikat. She deserved to die." Hindi ako makapaniwala sa narinig ko kay Nathan. Hindi ko akalain na s'ya ang dahilan kung bakit wala na ang girlfriend n'ya. Nagsinungaling s'ya sa akin noon. Na na-r*pe sa harapan n'ya ang girlfriend n'ya at pinatay ito. "Anong gagawin namin sa lalaking pina-kidnapped mo? Matagal na huling bisita mo sa kan'ya. Mukhang nami-miss ka na nga n'ya eh. Ayaw na kumain at nanghihina," sabi ng lalaking malapit kay Nathan. "Let's mill him at Sunday night. Busy ang iba dahil sa gaganaping birthday ni Vivian, ang anak ng presidente dito sa Moonbridge Town." Ngayon ko lang nalaman na anak pala si Vivian ng president dito sa Moonbridge Town. Bakit hindi ko 'to alam? Sabagay, ano pa nga ba aasahan? Hindi ako nakikipagkabigan sa iba at iniiwasan ko pa sila. "Ililipat na rin pala namin ang location n'ya. Mukhang delikado na kasi sa tinataguan namin ngayon," sabi nila kay Nathan. "Sure," sagot ni Nathan dito. "Pupunta rin ako sa birthday ni Vivian. Habang ginaganap ang birthday n'ya ay aalis rin ako at puntahan natin ang lalaking iyon para pahirapan at patayin." Napakagat ako sa labi ko at naiyukom ko ang palad ko. Kailangan na may gawin ako. Kailangan ko silang mapigilan sa pinaplano nila. Pero paano? "Teka, may tao ba doon?" Nanlaki ang mata ko nang makitang ituro ako ni Nathan. Agad akong tumakbo at narinig kong napamura sila. Binilisan ko ang pagbaba ko sa hagdan at kahit na anong kaba at takot ang nararamdaman ko ay mas tinatagan ko ang sarili ko. Pamiramdam ko ay nanlalambot na ang mga tuhod ko pero hindi p'wedeng matumba at mapagod ako. Kailangan kong tumakbo. Kailangan kong makalayo sa kanila. Sigurado akong papatayin nila ako pagnahuli nila ako. "Stop!" Narinig ko ang mga sigaw nila at mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Napalunok ako at deretso lang sa pagbaba. Nang nasa hagdan na ako papunta sa 1st floor ay biglang may tumalon paharang sa dadanan ko. Agad akong natigilan at naiyukom ang palad. Mas binaba ko ang suot kong sumbrero. Alam kong hindi n'ya nakikita ang mukha ko dahil nakatalikod ako sa bintana. Nang tumayo s'ya at humarap sa akin ay napaatras ako at napalunok. Kahit madilim ay nakikita ko ang suot nitong clown mask. Parang biglang bumalik ang takot na naramdaman ko noong gabing iyon. Nang humakbang ito papunta sa akin ay napaatras ako. Kinakapos na ako sa hininga gawa ng sobrang kaba at takot. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng malay. Napatigil ako nang maramdaman ang bintana sa likuran ko. Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko ngayon. Matangkad ito at nakatingin lang sa akin. Kitang kita ko ang clown mask na suot n'ya. Ang clown mask na suot ng mga killers na pumatay kila Mommy. Agad na tumulo ang mga luha ko nang maalala ko kung paano nila pinaslang sila Mommy at daddy. Agad na bumalik rin ang galit na nararamdaman ko. "Ikaw.." mahina kong tanong at tinignan s'ya ng deretso sa mga mata. "Kayo ba ang pumatay kila Mommy?" Mahina kong tanong dito. Hindi s'ya nagsalita at nakita ko ang kamay nito na gumalaw. Agad akong naalerto dahil dito. Nang makitang papalapit sa mukha ko ang kamay n'ya ay napalunok ako at mas napadiin ang pagkakayukom ng palad ko. Naramdaman ko ang kamay n'ya na pinunasan ang luha ko. Napatigil ako sa pag-iyak at napakunot ang noo dahil sa ginawa nito. Anong ginagawa n'ya? Bakit n'ya pinupunasan ang luha ko? Nakatingin lang ako sa mga mata n'ya na seryoso at malalim ang tingin sa akin. Tanging mata n'ya lang ang nakikita ko na parte ng katawan n'ya. Nakasuot ang hoodie nito at itim na itim ang damit nila. Nang mailawan ng buwan ang mga mata n'ya ay mas lalong napakunot ang noo ko. Pamilyar ang mga mata n'ya. Parang nakita ko na ito. "Nandyan ba s'ya sa baba?!" Rinig kong sigaw ng iba sa itaas. Agad s'yang napabitaw sa akin at napaatras. Napatingin kami sa hagdan at narinig ko ang mga yapak nila. "Go," mahinang sabi nito sa akin at tinulak ako pababa. Nakita kong umakyat na s'ya sa taas kung nasaan ang mga kasama n'ya. Hindi agad ako nakagalaw at nanatiling nakatayo lang. Tinutulungan n'ya ba ako? Pero bakit? Gusto ko s'yang tanungin kung bakit n'ya to ginawa at kung bakit n'ya pinunasan ang luha ko kanina. Sobrang daming tanong ang tumatakbo sa isipan ko ngayon. "I-check n'yo lahat ng rooms!" Nang marinig ko ang malakas na sigaw sa itaas ay agad na akong tumakbo papalabas sa buiding. Binilisan ko ang pagtakbo ko hanggang sa makapunta na ako sa gate. Nakita ko ang guard na tulog pa rin at maingat kong binuksan ang gate at lumabas rito. Napatigil ako saglit at tinignan ang Willton's Academy. Umiling na lang ako at tumakbo na pabalik sa bahay. Kailangan kong makauwi agad. Baka makita pa nila ako. Habang tumatakbo ay sobrang bilis pa rin ng t***k ng puso ko. Hindi parin ako makapaniwala sa nalaman ko. Hindi ako makapaniwala na si Nathan mismo ang nagpapatay sa girlfriend n'ya at inutos ito sa mga killers na iyon. Sobrang naguguluhan ako ngayon. Naguguluhan ako dahil sa inakto ng lalaking killer na iyon sa akin. Hindi ko alam kung bakit n'ya iyon ginawa. Hindi ko alam kung bakit n'ya ako niligtas. Hindi n'ya na rin nasagot ang tanong ko non na matagal ko na gustong malaman. Napailing ako at pinunasan ang luha ko. Malapit ko na malaman ang lahat. Alam kong pagpinagpatuloy ko lang ito ay matutuklasan ko rin kung sino sila. Napatigil na ako sa pagtakbo nang nasa harap na ako ng bahay. Nagpunta ako sa tali na ginawa ko kanina at humawak rito. Hinabol ko muna ang hininga ko at kinalma ang sarili. Tinignan ko ang oras sa phone ko at nakitang malapit na pala mag 1 P.M.. Agad na akong umakyat at napangiwi ako nang maramdamang hirap na ako buhatin ang sarili dahil pagod na rin ako kakatakbo at nanginginig pa ang aking kamay at katawan gawa ng takot at kaba. Nakaakyat naman ako sa kwarto ko at mabilis kong pinasok sa loob ang ginawa kong tali at sinara ang bintana ko. Sinara ko na rin ang kurtina at humiga ako sa kama. Huminga ako nang malalim at napahawak ako sa puso ko. Tinignan ko ang mga glow in the dark na kisame. Naaalala ko ang nakangiting mukha ni Mommy at daddy. Naalala ko ang mga yakap nila sa akin. Nagsimula na namang tumulo ang luha ko at sumikip ang dibdib ko. ××× Nagising ako nang marinig kong may kumakatok. Umupo ako sa kama at tinignan ang oras. Nakita kong 12 P.M. na. Napatingin ako sa pintuan at naalalang sabado pala ngayon at walang pasok si kuya. "Mika? Are you okay? Are you still sleeping?" Rinig kong tawag sa akin ni kuya. Agad akong tumayo at kinuha ang ginawa kong tali kagabi. Mabilis kong tinago ang mga ito sa ilalim ng kama ko at nagpunta ako sa pinto. Binuksan ko ito at nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Kuya. "God, Mika. Pinag-alala mo ako," sabi nito sa akin at narinig kong napabuntong hining ito. "Kaninang 8 pa ako kumakatok." "I'm here," sabi ko sa kan'ya. "Napasobra lang tulog ko." "Akala ko kung ano na nangyari sa'yo," sabi nito sa akin at niyakap ako. Natigilan ako nang maramdamang mas hinigpitan n'ya ang yakap n'ya sa akin. Napayuko ako at napapikit. Hindi ko alam na sobra mag-aalala sa akin si kuya. "I'm sorry." Humiwalay na sa pagkakayakap si kuya at tumalikod. "Nag-skipped ka na ng breakfast, bumababa kana at sabay na tayong mag-lunch," sabi nito at bumaba na. Napatingin ako sa likod n'ya habang pababa ito. Naiintindihan ko naman kung bakit s'ya ganito mag-alala sa akin. Wala na sila mommy at daddy. Ako na lang ang natitirang pamilya n'ya. Huminga ako nang malalim at sinara na ang pinto ng kwarto ko. Bumababa na ako at dumiretso sa dining area. Hindi pa ako nakakapaghilamos o suklay ng buhok. Hindi ko alam kung anong itsura ko ngayon pero nandito na ako sa baba at nagugutom kaya naman umupo na ako. Tinignan ko ang niluto ni kuya at nakita ang sinigang na beef at apple juice. Nilagyan n'ya ng kanin ang pinggan ko. "Anong oras kana nakatulog?" Tanong n'ya sa akin. "12 A.M., tinapos ko na lahat ng homeworks ko kasi hindi ako makatulog kagabi," sagot ko sa kan'ya at nagsimula nang kumain. "Ganon ba?" Tanong ni Kuya sa akin. Hindi ako nagsalita at tumango lang. Tahimik na ulit ang paligid namin at tinuloy na ang pagkain namin. "May pupuntahan kaba mamaya?" Tanong n'ya sa akin. "Wala naman," sagot ko dito. "Samahan mo ako mag-grocery mamaya," sabi nito. "Okay," tipid kong sagot dito at humigop ng sabaw. Habang kumakain ay naalala ko ang natuklasan ko kagabi. Papatayin na nila Nathan bukas ng gabi ang lalaking kinidnapped nila. Hindi ko alam kung saan nila s'ya tinago kaya wala akong ibang magagawa kung hindi pumunta sa birthday party ni Vivian at sundan si Nathan. "May pupuntahan ako bukas," sabi ko kay kuya at tinignan s'ya. Napakunot naman ang noo n'ya at napatingin s'ya sa akin. "Saan?" Tanong nito. "Birthday party ng anak ng president ng Moonbridge Town. Si Vivian, classmate ko. I got invited," sagot ko sa kan'ya. Nakita ko namang lumiwanag ang mukha n'ya. "Sige. Ihahatid kita bukas doon. I want you to have fun, Mika," sabi sa akin ni kuya at ngumiti. Have fun? More like the opposite.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD