CHAPTER FORTY

1004 Words
Mikaella's P.O.V. Lumabas ako papunta sa pool at narinig ko ang malakas na tunog dito. Ang iba sa kanila ay mga nakasuot na ng swimsuit habang ang iba ay nakatayo lang sa tabi ng table at nag-uusap-usap habang may hawak na mga liquors. Napatingin ako sa paligid at nakita ko ang mga puno na napapalibutan ng mga ilaw. Pati ang mga halaman ay may ilaw. Nasa parang stage din ang DJ dito na nagbibigay ng tugtog dito. Naglakad ako at sinubukang hanapin si Nathan. Hindi s'ya pwedeng mawala sa tingin ko. Nasaan na s'ya? "Whoohu!" Agad akong naalerto nang marinig ko ang sigaw ng iilang lalaking tumalon sa pool. Napaatras ako nang ilang hakbang nang maramdamang tumalsik ng kaonti ang tubig sa akin. "Mika!" Tawag sa akin ni Kael. Napatingin ako rito at nakita kong wala na itong suit na itim na suit jacket. Puting longsleeve na lang ang suot nito na hindi nakabotones ang itaas nito at nakatupi ito hanggabg siko n'ya. "Mabuti naman nagpunta ka rito. Nasa restroom pa si Cara ang Chaz. They're changing. How about you?" Tanong nito. "Have you seen, Nathan?" Tanong ko sa kan'ya habang ginagala ang aking paningin. "Nathan? He's here?" Nakakunot noong tanong n'ya sa akin. "I thought he's leaving." "I saw him earlier. He's here," sagot ko dito. "Ma'am, Sir, drinks?" Napatingin ako sa nagsalita at nakita namin ni Kael ang isang waiter na may hawak na tray na naglalaman ng tequila sunrise. "Yes, sure," sagot ni Kael dito at kumuha s'ya nang dalawang ito sa tray. Tumango naman ang waiter at umalis na. Napakunot ang noo ko nang iabot sa akin ni Kael ang isang kinuha n'yang tequila sunrise. "I'm not in the mood to drink," sabi ko sa kan'ya. "Come on, Mikaella. Just one drink," pilit sa akin ni Kael. "You look stressed and bothered. Have some fun. Enjoy the moment." Dahil sa sinabi nito ay tsaka ko lang na-realized na masyadong halata pala ako. "Fine," mahina kong sabi at kinuha ito. Ngumiti naman s'ya at nag-toss kami tapos ay ininom ito. Hindi naman ako madali malasing. Actually, laging nakakainom rin ako dati kasama si Kross at ang iba pang friends or classmates namin. Hindi naman ako pinagbabawalan nila Mommy non, basta magsabi lang ako sa kanila. Matapos naming uminom ay biglang nasa tabi na namin sila Chaz at Cara. "Yow!" Tawag sa amin ni Cara. "Maaga pa para uminom. Bakit hindi na kayo magpalit na dalawa?' tanong nito habang nakatingin sa amin ni Kael. "Kaya nga. Let's enjoy tonight. Tatlo yung pool. We have a lot of space and konti lang rin yung mga gustong mag-swimming," sabi ni Chaz na topless. Agad akong napaiwas ng tingin dito. Aaminin ko, hindi pa ako sanay makakita ng mga lalaking topless. Pakiramdam ko ay kasalanan ito at papagalitan ako nila Mommy. Napatingin kaming lahat sa stage nang mag-iba ang kanta. Nakita namin si Vivian doon na nakatayo at nakasuot ng puting swimsuit. "Finally, I'm legal age na," sabi nito at ngumiti. "Let's all enjoy tonight!" "Whooo!" Nagsigawan ang iba at nagpalakpakan. bumaba na doon si Vivian sa stage at kinausap ang mga friends n'ya. Nabalik naman ang tingin ko kina Cara. Nakasuot s'ya ng itim na one piece. Hindi ito masyadong revealing tulad ng mga ibang nandidito. "Actually, pass ako," sabi ni Kael kaya naman napatingin kami sa kan'ya. . "Eh? i thought you're going to swim that's why i brought my swimsuit," nakakunot noong tanong ni Cara sa kan'ya. "Dadamayan ko na lang si Mika," sagot nito at ngumiti kila Cara. "Mukhang wala sa mood mag-swimming si Mika eh." Nakita kong nagkatinginan sila Chaz at Cara. Napakunot pa ang noo ko nang makitang ngumiti sila at tumingin sa amin ni Kael. Anong binabalik nilang dalawa? "Talaga Ate Mika?" tanong ni Chaz sa akin at lumapit. "Yeah," sagot ko dito. "Besides, malapit na mag 10 P.M. Susunduin ako ng kuya ko." "Eh ikaw Kael?" tanong ni Chaz. "Hanggang dito ba naman ay seryoso ka? wala tayo sa school ngayon," sabi ni Cara at nakita kong hinawakan nito ang kamay ni Kael. "But we have classes tomorrow. Kailangan ko ring umuwi ng maaga at matulog-" Hindi pa natatapos sabihin ni Kael ang sasabihin n'ya nang bigla s'yang hilahon ni Cara. Nanlaki ang mata ko nang maramdamang hinawakan ako ni Chaz sa wrist ko at hinila rin. Napailing ako at sinubukang pigilan s'ya dahil alam kong isasama nila kami ni Kael sa pagbagsak nila sa pool pero masyadong mabilis ang pagtakbo at ang pangyayari. Bago pa kami tuluyang bumagsak sa pool ay agad kong nahagis ang bag ko. Naramdaman kong palaglag na ako at tumama ang katawan ko sa malamig na tubig. "Yey!" rinig kong sabi nila Cara at Chaz tapos ay nag-high five. Agad akong napasimangot at napahinga nang malalim. Naramdaman ko ang malamig na tubig sa buong katawan ko. Mabuti na lang at medyo mababaw lang dito. Habanggang dibdib ko lang ang tubig. Napatingin ako kay Kael na kakaahon lang. hinawi nito ang itim n'yang buhok at tinignan nang masama si Cara. Tumawa lang naman si Chaz at Cara dahil sa reaksyon namin. "Ang kill joy n'yo kasi masyado, ayan tuloy," sabi ni Cara habang nagtatawanan sila ni Chaz. "let's have some fun," sabi pa ni Chaz at may kinuha itong bola na may led lights sa pool. Napatingin ako sa pool namin ngayon at nakita ang mga ibang bisita na sa kabilang dulo naglalaro. Marami ring spare na salbabida dito at kung ano-ano pa. "Hey!" Napalingon kaming apat nang marinig namin ang boses ni Vivian. Nakita naming nakatayo ito at nakangiting nakatingin sa amin. "Bakit hindi kayo nagbihis ng swim wear?" tanong nito. "Why don't you guess what happened to me and Mikaella," naiiling na sabi ni Kael sa kan'ya. Napatingin si Vivian kina Chaz at Cara tapos ay natawa ito. "Omygod, seriously Cara and Chaz?" naiiling na tanong nito at tumawa lang ang dalawa. "Anyways, may mga kakausapin pa ako. Enjoy kayo!" nakangiting sabi nito. "We will!" sagot nila Kael, Cara at Chaz.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD