CHAPTER TWENTY FOUR

1132 Words
Mikaella's P.O.V. Monday na at nandito ako ngayon sa classroom. Mag-isa lang ako dito dahil 30 minutes pa bago magsimula ang klase. Napaaga ang pasok ko dahil hinatid ako ni kuya dito at maaga ang pasok n'ya sa trabaho. Napatingin ako sa bintana at nakita ko ang mga estudyanteng naglalakad sa labas. Halos nagtatawanan ang iba sa kanila habang ang iba naman ay mga inaantok pa ang mukha. Nakita ko rin si Chaz na pumasok at nang mapatingin s'ya sa akin ay agad akong nag-iwas ng tingin. "It's good to see that you're okay now." Napatingin ako sa pinto nang may magsalita doon. Napakunot ang noo ko nang makita ang anak ng principal na nandidito. Si Jaxe Dean. Naglakad ito papunta sa harap ko. Kinuha n'ya ang upuan dito at hinarap sa akin tapos ay umupo. Pinatong nito ang dalawang siko n'ya sa lamesa ko at naghalumbaba. "Hindi kaba masaya na binibisita kita?" Tanong nito sa akin. "Bakit ako magiging masaya?" Tanong ko sa kan'ya at umirap. Naalala kong bully ang isang ito at playboy daw base kila Kael at Cara. "Baka bumalik lang lagnat ko kaya umalis kana. Busy ako," sabi ko at nilabas ang notebook ko para kunwari ay magbabasa ako. "Of course, dahil kinakamusta ka ng isang Jaxe Dean," sabi nito. Tinignan ko sya nang masama. "Mag-aaral ako. May quiz kami mamaya. Please go," pagsisinungaling ko at binalik na ang tingin sa libro. Bigla naman kaming napatingin sa pinto at nakitang nagpapasukan na ang ibang classmates ko. Tumayo naman si Jaxe kaya napatingin ako sa kan'ya. "Hindi pa ako tapos sa'yo," seryosong sabi nito at lumabas na ng classroom. Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nito. Anong ibigsabihin n'ya? Hindi pa s'ya tapos sa ano? Sa panggugulo sa akin? Napailing na lang ako at kinuha ang phone ko pero agad rin akong natigilan. Pano kung hindi iyon ang ibigsabihin n'ya? Seryoso ang tono ng boses n'ya pati ang kan'yang mukha. Kakaiba rin ang aura n'ya kanina. Parang iba s'ya. Naalala ko ang nag-text sa akin at nag-chat sa social media ko. Naalala ko rin ang nakakatakot na gabing nangyari sa akin nung sabado. Napatingin ako sa paligid at nakita ko ang mga classmates ko na papasok habang ang iba ay nakaupo na at nagtatawanan. Ang iba sa kanila ay nakatingin lang sa pisara at nakatulala. Pano kung tama ako? Paano kung isa sa mga nakakasalamuha ko rito ang killers? Ginala ko pa ang paningin ko at pinagmasdan sila ng maigi. Kung nasa paligid ko lang sila, kilala nila ako. Pwedeng kinakaibigan nila ako at pwede ring pinapanood lang nila ako sa malayo. Kailangan kong mahanap kung sino sila. Kailangan nilang makulong at bayaran ang mga kasalanan nila. "Mika." Napapikit ako dahil sa gulat nang may tumawag sa pangalan ko sa likuran at hinawakan ako sa braso. Narinig kong tumawa pa ito dahil sa naging reaksyon ko. Dinilat ko ang mga mata ko at tama nga ako. Si Kael ito. "What do you want?" Irita kong tanong dito. Inalis naman n'ya ang paghahawak n'ya sa braso ko. "Wala naman. I just noticed you look serious while looking at everyone. Parang may tinatanggka kang gawin sa kanila," mahinang sabi nito habang nakatingin sa mga classmates namin. "You're wrong," agad kong depensa at binalik na ang tingin sa libro ko. "Nag-aaral ako so please, mind your own business." "Good Morning Class!" Agad kaming lahat napatingin sa pisara nang pumasok na sa loob ang professor namin. ××× Uwian na at nandito ako ngayon sa campus ng Willton's Academy, naglalakad papalabas. Nasabi sa'kin ni kuya kanina na hindi n'ya ako masusundo dahil 7:00 P.M. pa ang uwi n'ya. Siguro ay tumatawag na ito ngayon sa number ko o nagte-text. Hindi n'ya pa kasi alam na tinapon ko na ang simcard ko. Wala naman akong balak sabihin sa kan'ya. Tatanungin n'ya lang ako kung bakit ko to tinapon at pagsinabi ko sa kan'ya ang reason ay sigurado akong hindi ako nito paniniwalaan. Dadalhin lang ako nito ulit sa psychiatrist namin. Ganun naman s'ya lagi sa akin. Hindi s'ya naniniwala sa akin. Iniisip n'ya na gawa gawa ko lang ang lahat. Iniisip n'ya na nababaliw lang ako. Napabuntong hininga na lang ako at lumabas na sa gate ng Willton's Academy. Pagkalabas ko ay naglakad na lang ako. Nakalimutan kong ilagay sa wallet ko ang pera na bigay sa akin ni kuya. Naiwan ko iyon sa kwarto. Kulang na ang pera ko kaya wala na rin akong ibang choice kung hindi ang maglakad. Habang naglalakad ay may mga nakakasabay akong schoolmates ko. Napapatingin ang iba sa kanila sa akin at hindi ko na lang ito pinapansin. Alam ko namang pinag-uusapan parin ako dahil sa nangyari sa pamilya ko. "Ate Mika!" Nagulat ako nang may tumabi sa akin. Napakunot ang noo ko at tinignan ko kung sino ito. "Chaz?" Tanong ko dito. Ngumiti s'ya at kumaway, "Pwedeng pasabay? Same direction pa naman tayo." Kahit hindi naman ako pumayag ay parehas parin kami ng dadaanan at magkikita kami kaya napabuntong hininga na lang ako at tumango. "Yehey!" Masayang sabi nito. Agad naman akong napahinto nang may makita akong tindahan. May simcard ito. Mabilis akong lumapit dito at bumili ng simcard. "Isang simcard nga," sabi ko sa babaeng nagtitinda at kinuha ang wallet ko. "60 po isa," sabi ng babae at inabot na sa akin ang simcard. Natigilan naman ako nang makitang 20 pesos na lang nga pala ang pera ko. Sinara ko ang wallet ko at napangiwi. Bakit ba ang tanga ko? "Kunin na namin." Napatingin ako kay Chaz nang maglabas ito ng pera at inabot sa babae. Kinuha n'ya ang simcard at inabot ito sa akin. Napatingin lang ako doon. Ayokong tanggapin ito. Pwede namang bukas na lang ako bumili. "Sige na, Ate Mika," nakangusong sabi ni Chaz. "Bayaran mo na lang ako, okay ba?" "Fine," sabi ko at tinanggap ito. Kailangan ko na rin ng simcard dahil nakapag-isip na ako. Tatawagan ko si Nathan. Kailangan ko s'yang makausap. "Isang band aid at sigarilyo." Napalingon ako sa tabi ko nang marinig ko ang pamilyar na boses. Naka-side view ito sa akin at kitang kita ko ang pula nitong buhok. Kinuha n'ya ang sigariyo sa babae pati na rin ang band aid. Nang mapatingin s'ya sa akin ay agad kong nakita ang sugat nito sa noo at may pasa ito sa gilid ng labi. "Ate Mika? Let's go?" Nabalik naman ako sa sarili ko nang tawagin ako ni Chaz. Inalis ko na ang tingin ko sa lalaking iyon at naglakad na kasabay si Chaz. "Huwag kang makikipagkaibigan sa isang iyon," sabi ni Chaz habang naglalakad kami kaya naman napatingin ako sa kan'ya. "Bakit?" Seryoso kong tanong. "Marami s'yang kaaway at pagnakita nilang magkasama kayo, baka madamay kapa," agad na sagot ni Chaz sa tanong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD