CHAPTER TWENTY FIVE

1000 Words
Mikaella's P.O.V. Nandito ako ngayon sa bahay, sa kwarto ko. Nakadapa ako sa kama at pinagmamasdan ang phone ko at ang katabi nitong bagong bili ko na sim card kanina kasama si Chaz. Tinignan ko ang oras at nakita kong 5 P.M. na. Pumikit ako saglit at huminga ng malalim. Tumayo ako at kinuha ang papel na naglalaman ng mga information ni Nathan. Nilapag ko ito sa taas ng phone at simcard na binili ko. Hanggang ngayon ay pinag-iisipan ko pa kung dapat ko bang tawagan si Nathan. Hindi parin buo ang desisyon ko at hindi ako mapakali dahil kailangan ko ng mga sagot. Lalo na't dahil sa nangyari sa akin nung gabi ng sabado. Hindi ko makakalimutan iyon at hanggang ngayon ay fresh na fresh parin ito sa isipan ko. Tuwing naaalala ko ito ay bumabalik ang takot at kaba na naramdaman ko non, tulad nang naramdaman ko ng pinasok kami sa dating bahay namin. Umiling ako at kinuha na ang simcard. Binuksan ko na ito pati na rin ang cellphone ko. Agad ko itong sinalpak dito at hinintay na bumukas ang phone ko. Pagkabukas nito ay agad kong nilagay ang number ni Nathan at dinial ito. Narinig kong nag-ring ito kaya naman napaupo ako at napatingin ng deretso sa cabinet ko. Matapos ang ilang segundo ay may sumagot na nito. "Who's this?" Tanong ni Nathan. Magsasalita pa sana ako pero nagsalita ito agad. "Tigilan n'yo na ako. Leave me alone, please. Kinakain na ako ng konsensya ko." Napakunot ang noo ko dahil sa sinasabi nito. Para kanino kaya ang mga sinasabi n'ya? Hindi kaya ginugulo parin s'ya ng mga killers? Pero bakit sabi n'ya ay kinakain na s'ya ng konsensya n'ya? "Nathan," seryoso kong tawag sa kan'ya. Agad s'yang natigilan sa kabilang linya at alam kong nagulat ito dahil hindi ako ang ine-expect n'yang kausap ngayon. "Anong sinasabi mo? Sinong nangugulo sa'yo?" Sunod-sunod kong tanong dito. "Mika?" Tanong nito sa akin. "Yes. It's me. Mikaella Evergreen," sagot ko sa kan'ya at napatingin sa litrato namin nila Mommy sa pader. "Bakit ka napatawag? Anong kailangan mo?" Tanong nito sa akin. "I want to ask you some questions, Nathan," seryoso kong sabi. "About what?" Tanong n'ya. "About the killers," agad kong sagot. "What about them?" Tanong ni Nathan. "Didn't I warn you already? Ilayo mo ang sarili mo sa kanila. Whatever happens, don't get involved with them. Masyado silang delikado." "I know, Nathan," kalmado kong sabi. "I know mapupunta sa panganib ang buhay ko pag pinilit kong tuklasin kung sino sila." "Why are you like this?" Naguguluhan n'yang tanong. "But my life is already in danger," mahina kong sabi. "Kung mamatay lang din ako, it's better kung makikilala ko kung sino sila." "What are you saying? What do you mean?" Tanong nito. "Can we meet?" ××× Tinignan ko ang relo ko at nakitang 6 P.M. na. Nandito ako sa isang coffee shop para kitain si Nathan. Gusto kong makausap ito ng personal. Uminom ako ng hazelnut latte na inorder ko at pagkalapag ko nito sa lamesa ay napatingin ako sa entrance. Nakita ko ang pamilyar na lalaki na pumasok. Teka, hindi lang ito pamilyar. Si Professor Neo Quan ito. Bakit naman ngayon pa s'ya pumunta dito? Napatingin s'ya sa akin at ngumiti ito. Napangiti na lang din ako nang pilit nang makitang papunta ito sa direksyon ko. Great. "Hey Mikaella Evergreen," tawag nito sa akin at huminto na s'ya sa paglalakad nang nasa gilid ko na ito. "Why are you here? Are you alone?" Tanong nito sa akin. "I'm actually waiting for someone," sagot ko sa kan'ya at ngumiti. "Ohh, is that so?" Tumango ito at ngumiti din. "Okay then. Enjoy. Masarap ang coffee and bread dito. Favorite ko ang coffee shop na ito," sabi nito. "Will do, Professor Quan," sagot ko sa kan'ya. "O s'ya, oorder na ako ng coffee ko. Magche-check pa ako ng mga homework," sabi nito at umatras na. "Kayo din po, enjoy," sabi ko dito. Nang mawala na s'ya sa paningin ko ay nakahinga naman na ako ng maluwag. Bakit ba kailangang makabangga ko pa ang mga kilala ko? Kinuha ko ang coffee ko at kinalahati ito. Sabagay, maliit lang ang MoonBridge town. Ano pa nga bang ine-expect ko? "Hey." Agad akong napatingin sa lalaking umupo sa harap ko. Nakita ko ang pamilyar na buhok at aura nito. Tinignan ko sa mukha si Nathan at halata dito na kulang ito sa tulog at malalim ang iniisip. "Hey," tawag ko a kan'ya. Tumawag kami ng waiter at sinabi n'ya ang order n'yang black coffee at s'mores dito. Pagtapos nito ay tumingin s'ya sa akin. Napatingin ako sa wrist n'ya. Natatakpan ng kaonti iyon dahil nakasuot s'ya ng itim na longsleeve, pero kitang-kita ko parin ang mga paglaslas n'ya dito. "What is it that you want to ask in person?" Tanong n'ya sa akin. "My life is already in danger, Nathan," seryoso kong sabi. "They know my old phone number. They know my social media accounts and they know my house, Nathan." Nakita kong natigilan s'ya saglit. "Ginugulo na nila ako. last Saturday night, may isa sa kanila na nag-send ng picture ng bahay namin ni kuya sa akin. Hindi lang iyon ang ginawa n'ya. Lumapit s'ya sa akin." Napatingin ako sa coffee ko at naalala ko ang nakakagulat at nakakatakot na pagsilip nito sa bintana. "Nagpunta s'ya sa tapat ng bintana. He even knock. Sobrang lakas ng kalabog at akala ko ay katapusan ko na non pero biglang dumating si kuya." Tinignan ko nang seryoso si Nathan. "Please, kung may alam ka kung sino sila o kahit na anong clue, tell me." mahina kong pagmamakaawa. Ayoko na tiisin ang ginagawa nila sa akin. Sa pag-sstalk at sa pananakot sa akin. Hindi ko na kakayanin iyon. Masyadong malakas ang impact nito sa akin. "I need to know who they are," madiin kong sabi at seryoso lang na nakatingin sa kan'ya. "Kailangan nilang magbayad sa kasalanan nila sa akin at sa lahat ng mga pinatay nila."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD