CHAPTER TWENTY THREE

1491 Words
Mikaella's P.O.V. It's already Sunday and nandito ako ngayon sa labas ng office ng psychiatrist namin ni kuya Mike. Tapos na ang session namin kaya si Kuya naman ang kausap n'ya ngayon sa loob. Sumandal ako sa upuan at tinignan ang puting kisame. Mahigit isang oras at kalahating oras na si kuya sa loob. Pakiramdam ko ay tapos na ang session n'ya at may iba na silang pinag-uusapan ngayon. Ako kaya ang pinag-uusapan nila? Agad akong umiling at huminga ng malalim. Ano naman kung ako nga ang pinag-uusapan nila? si Kuya Mike ang guardian ko at normal lang na sabihin ng psychiatrist namin ang mental health o condition ko sa kan'ya. Alam kong hindi ako pinapaniwalaan ni kuya sa nangyari kagabi. Alam kong iniisip n'ya na hallucination lang ang lahat dahil hindi pa ako nakaka-recover sa nangayari, pero alam kong totoo iyon lahat. Nag-delete ng social media account ang nag-send sa akin ng litrato kaya naman hindi na makita ang picture na sinend n'ya sa akin. Pinakita ko iyon kay kuya at wala s'yang reaksyon. Kinaumagahan ay bigla n'ya na lang akong dinala dito kahit na matagal pa dapat ang appointment namin. Medyo malapit ito sa dating bahay namin kaya naman malayo kami sa bagong tinutuluyan namin na sa Moobridge town. Pinikit ko saglit ang mga mata ko dahil nakaramdam ako ng antok. Hindi ako nakatulog kagabi kakaisip sa nangyari. Iyak ako nang iyak at hindi ako mapakali. Pakiramdam ko ay babalik ang mga lalaking iyon kaya naman todo ako sa pag-lock ng mga pinto at bintana. Maya-maya din ang pa-check ko sa mga iyon at alam kong gising si kuya non binabantayan ako. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko at hindi ko na tinignan kung sino ito dahil hindi naman ito si Kuya Mike. Hindi pa bumubukas ang pinto na nasa gilid ko at nandidito pa s'ya sa loob. "Are you seriously going to sleep here?" Agad akong natigilan nang marinig ang pamilyar na boses. Napadilat ako at agad na lumingon sa tabi ko. Naktita kong ngumiti ito at naramdaman kong tumulo ang luha ko. "Kross," mahina kong banggit sa pangalan n'ya at agad itong niyakap ng mahigpit. "Woah, hey. Are you planning to kill me?" natatawang tanong nito at niyakap din ako. "Why are you here?" tanong ko at agad na kumalas sa pagkakayakap. Nang maalala ko ang mga inakto ko sa kan'ya ay napayuko ako at napakagat sa labi ko. Ano na lang sasabihin ko sa kan'ya? Can I tell him everything? will he believe me? "Why? ayaw mo ba?" tanong nito at sumimangot. "Ang tagal na nga natin hindi nagkita, sinusungitan mo pa ako," sabi nito at binagsak ang magkabilang balikat. Napatingin ako sa kan'ya at walang gaanong nagbago sa kan'ya. Itim parin ang buhok n'ya na hanggang kilay. Nakasuot s'ya ng itim na polo at itim na slacks. Mukhang may pinuntahan rin s'ya bago s'ya pumunta dito. "Of course not," agad kong sagot at tinignan s'ya. "I'm happy that you're here. It's just that.." napakagat ako sa labi ko at napahawak sa light blue na jeans na suot ko. "It's just that?" tanong nito sabay taas ng dalawang kilay n'ya habang inaantay ang sagot ko. "I want to apologize," diretso kong sabi. "Naninibago pako sa bagong environment namin ni kuya sa Moonbrige town. Everything is new to me. Nakaka-stress and nakakapanibago. I'm sorry I acted sht towards you, Kross." Narinig kong tumawa ng mahina si Kross at pinatong n'ya ang kamay n'ya sa ulo ko para i-pat ito. "It's fine, Mika. I understand you. You can tell me everything. I will listen to you. I'm you childhood and bestfriend, remember?" Napangiti ako dahil sa sinabi nito at tumango. "Thank you, Kross," mahina kong sabi at niyakap n'ya ako ulit. "You're always welcome, Mika," sagot nito Agad na bumukas ang pinto kaya naman napakalas kami sa yakap at lumingon dito. Nakita ko si kuya Mike na nakalabas na at nang makita n'yang kasama ko si Kross ay ngumiti ito. "Yo, Kross," bati nito kay Kross at naglakad papalapit dito. Tumayo naman na kami ni Kross. "Yo, Mike!" sagot ni Kross dito at nag-high five ang dalawa. Obviously, mas matanda si kuya Mike at magka-age lang kami ni Kross pero hindi n'ya ito kinukuya dahil awkward daw at parang mag-tropa na din daw naman silang dalawa. Pinagtutulungan pa nga nila ako noong bata ako para asarin at paiyakin eh. "Kamusta?" tanong ni kuya sa kan'ya. "Eto, pogi pa rin," sagot ni Kross at nagtawanan ang dalawa kaya naman napasimangot na lang ako. "Nag-lunch kana ba?" tanong ko kay Kross. "Actually, hindi pa," sagot nito at ngumiti. "Tamang tama, hindi pa kami nagla-lunch ni Mika. Sabay kana sa amin," Yaya ni kuya dito. "It's my pleasure, Mr. and Ms. Evergreen!" parang sira na sabi ni Kross at inakbayan kaming dalawa ni Kuya. ××× "Still no girlfriend?" tanong ni kuya kay Kross habang kumakain kami ngayon sa bagong restaurant na tayo dito sa Dewin's City. "Unfortunately, Yes," sagot ni Kross at uminom ng wine. "Hindi ka pa rin ba nakakahanap ng ipapalit kay Olivia?" tanong ni kuya dito. Parang nawalan ako ng gana kumain nang marinig ko ang pangalan ng babaeng iyon. S'ya ang unang naging girlfriend ni Kross at nang mag-break sila ay nasaktan ng sobra si Kross. Tumawa si Kross at sumubo ng beef steak, "Study first ako ngayon." 6 months lang naging sila pero sa 6 months na iyon ay nakita ko kung gano kamahal ni Kross ang babaeng iyon. Iniwasan n'ya pa ako non dahil nagseselos si Olivia sa akin. Naiintindihan ko naman 'yun dahil kaibigan lang ako at dapat na mas priority s'ya nito. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit n'ya pa nagawang lokohin si Kross. Nagalit ako sa babaeng iyon dahil sa ginawa n'ya. Masakit para sa'kin na panoorin kung paano naghihirap si Kross mag-move on non sa kan'ya. "How about Mika?" tanong ni Kross kaya naman napatingin ako sa kan'ya. "How about me?" naguguluhan kong tanong. "Do you have a boyfriend now?" tanong nito at ngumiti na may halong pang-aasar. "Of course, wala," agad kong sagot at kumuha ng wine. "Or.. is there someone you're interested?" tanong pa nito. Tinignan ko s'ya at napabuntong hininga. Hindi ako sumagot at inubos ko ang wine ko. "Hey, baka malasing ka," agad na saway sa akin ni kuya Mike. "It's fine. It's just a wine," sabi ko dito at nilapag ang glass wine sa lamesa. Tinignan ko si Kross at nakatingin lang ito sa akin habang nang-aasar. Kung alam n'ya lang na s'ya ang gusto ko. "Ah, cr*p," agad na napatayo si Kross habang nakatingin sa itim n'yang relo. "Why?" tanong ko sa kan'ya. "I need to go. I promised Evan and Yumi na manonood ako sa ballet nila ngayon," sabi nito at kinuha ang phone sa bulsa. Classmaten'ya si Evan habang si Yumi naman ay classmate ko . Si Yumi lang ang nag-iisang babae na sa tingin ko ay hindi plastic non sa school kaya s'ya lang ang naging ka-close ko talaga at sinasama ko s'ya paminsan-minsan pag-aalis kami ni Kross tuwing sinasama rin ni Kross si Evan, dahil ayoko namang ma-out of topic sa kanilang dalawa. "Take care," walang ganang sabi ko at inubos na lang ang steak na order ko. Kamusta na kaya ang dalawang iyon? simula nang lumipat kami ni kuya sa Moonbridge ay nawaalan na rin ako ng connection sa kanila. Naalala ko minemessaga pa nila akong dalawa pero hindi ko sila nire-replyan at iniiwasan ko sila dahil gusto kong mapag-isa. Inisolate ko ang sarili ko sa kwarto ko noon at si Kross lang ang nakakasama at kausap ko. Sobrang fresh pa ng mga pangyayari noon at dahil sa inakto ko ay kaya naisipan ni kuya na lumipat kami sa malayong lugar at magsimula ulit. Alam kong hindi ako matatahimik at magiging okay kahit na lumipat kami dahil hindi pa rin nahuhuli ang mga magnanakaw at pumatay kila Mommy at Daddy. Never akong magiging okay. Kailangan nilang pagbayaran ang kasalanan nila. Hindi sila pwedeng masaya lang habang kami ni kuya ay naghihirap emotionally at financially. Nakita kong sinuot na ni Kross ang bag n'ya at tumingin sa amin. "Una na ako, Mika and Mike." "Sure, ingat ka," sabi ni kuya sa kan'ya at tumayo. Tumingin sa akin si Kross at ngumiti pero umirap lang ako. "Bibisita ako sa bagong bahay n'yo when I have free time," sabi nito. "Wag kana magtampo, Mika. Okay?" "I'm not sulking," agad kong sagot dito. "You are," agad din nitong sabi kaya naman tinignan ko s'ya ng masama. "Just kidding. Bye guys!" tumawa ito at kumaway na. "Bye, Kross!" sabi ni kuya dito at kumaway rin. Tumalikod na si Kross at nakatingin lang ako sa kan'ya hanggang sa makalabas na s'ya dito sa restaurant. "After natin kumain ay mag-grocery na tayo and let's go home, okay?" sabi sa akin ni kuya pagkaupo nito at tumango lang ako bilang sagot sa kan'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD