CHAPTER TWENTY ONE

1092 Words
Mike Anderson's P.O.V. "Mike Anderson, dahil hindi ka nakapunta sa small celebration natin noon, ikaw ang mauunang uminom ngayon," sabi ni Ms. Danica sa akin. Naghiyawan naman ang mga kasamahan namin kasama na si Shiela na katabi ko. Nandito na kami ngayon sa isang bar at nagpa-V.I.P. room kami. Si Ms. Danica ang magbabayad ng lahat ng kakain at iinumin namin pati na rin ang V.I.P room. Napatingin ako sa shot glass nang ilagay ito ni Shiela sa harap ko na lamesa. Kumuha ng bote si Ms. Danica at nilagyan ang shot glass ko. Napatingin naman ako sa kanila at nakitang nakatingin sila lahat sa akin ngayon. "Iinom na 'yan! Iinom na 'yan!" Rinig kong sabi nila sa akin habang chini-cheer ako. Napailing na lang ako at kinuha ang shot glass. Malamig ito at maliit. Pagkatapat ko nito sa bibig ay agad ko itong naamoy at napangiwi na lang ako. Hindi na ako malakas uminom dahil nagtigil ako nang maka-graduate na ako. Mas pinrioty ko ang trabaho. Gusto kong makatulong kila Mommy at palakihin pa ang negosyo nila. Gusto kong maging proud sila sa akin pero ngayon ay wala na sila. Agad kong ininom ang alak at napapikit ako nang malasahan ang pait nito. Pagkalapag ko sa lamesa ng shot glass ay narinig kong nagtawanan at nagpalakpakan ang mga kasama ko. Tinignan ko sila at mukhang masasaya sila. Parang mga wala silang problema. Sunod na nilagayn ni Ms. Danica ng alak ay ang shot glass ni Shiela. Chineer din s'ya ng iba at nang maubos n'ya ito ay nagpalakpakan din kami. Si Ms. Danica ang naglagay sa mga shot glass namin dahil s'ya ang pinakamatanda sa amin at ang leader namin. Nang matapos n'ya kami lahat lagyan ay pwede nang iba ang maglagay sa shot glass namin. Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang iilang waiters. Nilapag nila ang mga chicken wings, peanuts, at iba pang mga pagkain. "Wow! Thank you Ms. Danica!" Agad na pagpapasalamat ng iba sa kan'ya. "Welcome guys," sagot nito at ngumiti. "Reward n'yo 'yan for working hard." Lumabas naman na ang waiters at nagsimula na rin kaming kumain. Nakikinig lang ako sa kwentuhan nila at nakikitawa. Kailangan kong makisalamuha sa kanila. "By the way, Mike Anderson," tawag sa akin ni Ms. Danica kaya naman napatingin kami sa kan'ya. "I just found out recently what happened to your family." Halata ang lungkot sa boses nito. Napahawak ako sa black slacks ko nang mahigpit at huminga ng malalim. "My sister and I moved here to start a new life." "Kamusta naman ang kapatid mo? Kumalat pala ang nangyari sa inyo. Late ko na nalaman because busy sa work," sabi nito at nilapag ang baso n'ya. "She's doing... Great," sagot ko at ngumiti. "How about you?" Tanong nito. "Are you okay?" Napahinto ako saglit at napatulala. Kamusta nga ba ako? Hindi ko na nabibigyan pansin ang sarili ko dahil si Mika lang ang iniisip ko ngayon. "I'm okay, don't worry," sabi ko sa kan'ya at ngumiti. "Okay, okay, enough!" Agad na sabi ni Shiela at tinaas ang shot glass nito. "Let's not stress Mike. Toss for our hard work!" Agad namang napunta kay Shiela ang atensyon ng lahat. Kinuha nila ang mga shot glass nila at tinaas rin ito. Napatingin sa akin si Shiela. Ngumiti ito at kumindat sa akin. "Thanks," mahina kong sagot at kinuha ang shot glass ko para makipag-toss sa kanila. "Toss!" Malakas na sabi namin. Pagkainom ko ay agad kong naalala si Mika. Tinignan ko ang phone ko at nakita kong walang text si Mika sa akin pero nadeliver na daw ang pagkain sabi sa akin ng nag-deliver. "Hey, maaga pa. Let's have fun here," sabi ni Shiela. Binalik ko ang phone ko sa bulsa at ngumiti sa kan'ya. Kumuha na rin ako ng ibang pagkain at nagsimulang kumain. Ayoko uminom ng madami kaya naman chicken ang target ko ngayon. Nakakapagtaka lang dahil lagi namang nagte-text sa akin si Mika. Wala na kaya s'yang load? "After this, punta tayo sa sikat na karaoke bar. Treat ko din!" Masayang announcement ni Ms. Danica. "Yehey!" Excited na sagot ng mga kasama ko. "Nako, mukhang masisira na naman ang eardrums ko ah," rinig kong sabi ni James at nagtawanan kaming lahat. "Don't worry, pagtapos kumanta ni Deo, Ako susunod para gumaling agad eardrums mo," agad na sabi ni Pia. Nakita kong naglabas ng sigarilyo si Shiela sa bag n'ya at lighter. Napatingin s'ya sa akin nang maramdaman n'yang nakatingin ako sa kan'ya. "Gusto mo?" Tanong n'ya at nilagay ang isang box ng sigarilyo sa bulsa ng jacket nya pati na rin ang lighter. Hindi ako nagsalita at umiling lang. Naalala ko noon, nagsisigarilyo din ako kasama ang mga kaibigan ko. Ayaw nila Mommy non pero patago ko itong ginagawa hanggang sa magsawa rin ako dito at tinigil ko na. "Bibili lang kami ng extra drinks," sabi ni Shiela at pinat ang shoulder ko. Napakunot naman ang noo ko dahil sinabi ko namang ayoko. "Okay, pasabi na rin dalhan tayo yelo dito. Natutunaw na kasi," sabi ni James. "Noted," agad na sagot ni Shiela at hinila ako patayo. Wala naman akong nagawa at sumama na lang sa kan'ya. Siguro mas okay na din 'to para maiwasan ko uminom ng madami at pilitin na makitawa sa mga kwentuhan nila. Huminto saglit si Shiela sa isang waiter at nag-utos itong magdala ng yelo sa room na ni-rent namin. Pagtapos ay hinila na ulit ako nito papunta sa likod nitong bar. Binitawan n'ya ang kamay ko at sumandal s'ya sa pader. "Alam kong mahirap makisama sa mga kakilala mo pa lang that's why I want you na sumama pero mukhang mas naging uncomfortable ka lang," sabi n'ya at sinindihan ang isang sigarilyo. "I'm sorry, Mike. Accept my peace offering." Inabot nito sa alon ang kakasindi n'ya lang na sigarilyo. Napabuntong hininga na lang ako at tinanggap ito. Sumandal din ako sa pader at pinagmasdan ang madilim na langit. Maraming star ngayon at malakas rin ang hangin. "It's fine. Lagi ko lang naiisip si Mika. Nag-aalala lang rin ako sa kan'ya dahil mag-isa lang s'ya sa bahay," mahina kong sabi at pinagmasdan ang sigarilyo na binigay n'ya sa akin. Nakita kong sinindihan n'ya rin ang isang sigarilyo at hinipan ito. Nakita kong umangat ang puting usok mula doon. "I can see that you're not happy, Mike. I hope maisip mo din ang sarili mo, not just Mika," sabi nito at tumingin sa akin. "Enjoy your life, Mike." Napatingin ako sa kamay ko nang maramdamang may humawak dito. Napakurap ako nang makitang hawak n'ya ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD