CHAPTER TWENTY

996 Words
Mike Anderson's P.O.V. "Mike!" rinig kong tawag sa akin ni Shiela. "Bakit?" Tanong ko sa kan'ya habang nakatingin sa computer ko at kinakausap ang isa sa customer namin. "May small celebration daw na magaganap mamayang 6 P.M. at lahat tayo ay imbetado," sabi nito at umupo sa tabi ko dahil magkatabi lang ang computer naming dalawa. Napatingin ako sa kan'ya. Nakatingin s'ya sa akin at ngumiti na para bang pinipilit ako nito sumama. Hindi kasi ako nakasama sa small celebration para sa tulad kong baguhan sa trabaho. Iniisip ko kasi si Mika. Mag-isa lang s'ya sa bahay. Wala rin naman dito si Kross para bantayan s'ya. Alam kong hindi pa nakaka-recover nang tuluyan si Mika nung mangyari ang gabing iyon. Madalas ko s'yang naririnig na sumisigaw sa gabi o di kaya ay sa madaling araw. Dinala ko na s'ya sa psychiatrist dahil ayaw n'yang mag-open sa akin. Ayaw n'ya na magsalita dito noon nung una pero ngayon ay medyo nagiging open na s'ya sa psychiatrist n'ya kahit papaano. Mukhang masyadong malakas ang impact nang pangyayaring iyon kay Mika, dahil sa harap pa namin mismo binawian ng buhay sila Mommy at Daddy. Kahit ako ay nanghihina tuwing naaalala ko ang pangyayaring iyon. Sobrang galit at lungkot din ang naramdaman ko. Galit na galit parin ako sa mga magnanakaw at pumatay kina Mommy. Hanggang ngayon ay hindi parin sila nahuhuli. Hanggang ngayon ay pagala-gala parin ang mga kriminal na ito. Alam kong galit na galit rin si Mika sa akin. Hindi ko alam kung magagawa pa ba n'ya akong patawarin. Ang magagawa ko lang ay lakasan ang loob ko at bantayan s'ya. Ibigay ang mga kailangan naming dalawa para magkaron ng maayos na buhay dahil iyon ang gusto nina Mommy para sa aming dalawa. "Bawal na hindi umattend!" Sabi pa ni Shiela. "Sige ka, lagot ka sa team leader natin!" Napabuntong hininga ako at napasimangot. Nabalitaan ko pa namang noong nakaraan na small celebration ay halos 12 A.M. na sila lahat natapos at nakauwi. Hindi naman ako puwede magtagal ng ganong oras sa labas. "Okay, okay, fine," sabi ko at tinaas ang kamay na para bang sumusuko. "Yehey!" Masaya nitong sabi at napatayo tapos ay pumalakpak. Agad na napatingin sa kan'ya ang mga co-workers namin at napangiwi na lang ako. Nagpalkpakan din sila at nagsitawanan. Mukhang narinig nila ang usapan namin ni Shiela. "Nice one, Shiela!" Sabi ni James na kaidaran lang rin namin. "Uy! Sasama na si Mike Anderson!" Sunod na sabi pa ng iba. Napangiti na lang dahil mukhang excited ang mga ito at napailing na lang rin dahil napilitan lang din naman talaga ako. "But I need to go home by 8 P.M.," agad na sabi ko. Nagsitigilan naman sila sa pagpapalakpak at nakita kong sumimangot ang iilan sa kanila. Ang iba ay nag-thumbs down pa. "Booo!" Sabi ng mga iilan sa kanila. Natawa na lang ako ng mahina dahil dito. "Uh, Mike." May bahid ng pag-aalala ang boses ni Shiela kaya naman agad akong napatingin sa kan'ya. Nakita kong nakatingin s'ya sa computer ko kaya naman agad kong binalik ang tingin ko rito at nakita ang mahabang message ng customer na mukhang naiinip na kakaantay sa replies ko. "Sht," mahina kong sabi. ××× "Okay! Uwian na! Whoo!" Rinig kong masasayang sabi ng mga katrabaho ko at nagsitayuan na. Pinatay ko na ang computer ko at huminga nang malalim. Inatras ko ng kaonti ang upuan at tinaas ng aking kamay para mag-unat. "Guys! Are you ready?" Lahat kami ay napatingin sa pinto at nakita si Ms. Danica Reyes na team leader namin. Nakangiti ito at dala-dala na ang bag n'ya. "Yes, Ms. Danica!" Agad na sagot ng mga lalaki. Napatingin naman ako kay Shiela na nakatingin parin sa computer n'ya. Hindi n'ya pa ito pinapatay at hindi parin s'ya nagliligpit. Napakunot naman ang noo ko dahil usually ay mas nauuna itong magligpit kaysa sa akin. Hahakbang sana ako papalapit sa gilid n'ya para tignan kung ano ang ginagawa n'ya pero bigla nang namatay ang computer. Napatingin s'ya sa akin. "Oh? Himala ang bilis mo ngayon," sabi nito sa akin at inayos na ang mga gamit papunta sa bag. "Ahh, oo." Ito na lang ang lumabas sa bibig ko at kinuha ang phone ko. Kailangan kong ipaalam kay Mika na medyo male-late ako ng uwi. Nag-send ako dito ng message na papadeliveran ko na lang s'ya ng pagkain. Agad ko namang tinawagan ang Max's para umorder ng pagkain ni Mika. Nagbayad na din ako dito thru bank dahil alam kong wala na rin gaanong pera si Mika pangbayad dito. Matapos ay binababa ko na ang phone ko at sinuot ang itim na bag. Nakita kong suot-suot na rin ng mga kasamahan ko ang bags nila at naglalabasan na ang mga ito. "Tara na," sabi ni Shiela sa akin habang nakangiti at hinila papalabas. "Magta-taxi ba tayo o bus?" Tanong ni Ms. Danica sa amin. 15 kaming lahat. 14 kami sa team at si Ms. Danica ang may hawak sa amin. Malaki ang company at marami ring nagtatrabaho dito pero hindi ko na nakakasalamuha ang iba dahil iba ang break time namin sa kanila. "Bus na lang para mas tipid," sabi ni Polo. "Tapos magta-taxi din pauwi dahil sa kalasingan!" Agad na sabat pa ni James at nagtawanan ang iba. "Alright, let's go," sabi ni Ms. Danica at sabay-sabay na kaming lahat na lumabas ng building. Pagkalabas namin ay agad naman kaming naglakad sa sakayan ng bus. Pagkasakay namin dito ay sa medyo harap kami pumwesto ni Shiela. Nasa tabi ng bintana si Shiela at ka-line lang namin si Ms. Danica kaya naman parang katabi ko na rin ito. "Kamusta naman, Mr. Evergreen?" Tanong ni Ms. Danica sa akin. "I'm good, Ms. Reyes. I still need to get used to the new environment," sagot ko sa kan'ya at ngumiti. "Don't worry, masasanay ka rin," sabi nito at ngumiti. "Anyways, let's drop the Ms. And Mr. Wala na tayo sa trabaho. You can call me Danica."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD