CHAPTER TWENTY TWO

1506 Words
Mikaella's P.O.V. Nagising ako nang marinig kong may kumakatok sa pintuan. Agad kong kinusot ang mata ko at umupo. Naramdaman ko ang sakit mg balikat at batok ko. Pagtingin ko sa paligid ay nasa sala pala ako. Nakatulog ako sa couch. Tinignan ko ang wall clock at nakitang 7 P.M. na pala. Napalingon ako sa pintuan nang marinig na may kumatok ulit dito. Mabilis akong tumayo at pinatay ang T.V. na kanina pa naka-open dahil nakatulugan ko ito. Dumiretso ako sa pintuan at hinawakan ng door knob nito. Si kuya Mike na kaya 'to? Hindi ba sabi n'ya kanina ay gagabihin s'ya umuwi dahil kailangan n'ya bumawi sa trabaho? Pagkabukas ko ng pinto ay agad na napakunot ang noo ko nang makita ang isang lalaki na nakasuot ng pulang damit. Napatingin ako sa hawak n'yang paper bag at mukhang delivery ito galing sa paborito kong restaurant. "Ms. Mikaella Evergreen?" Tanong nito sa akin habang nakatingin sa phone n'ya. "Yes, that's my name," agad kong sagot sa kan'ya. "Mr. Mike Anderson Evergreen ordered this for you," sabi nito at inabot sa akin ang paper bag. Napakunot ang noo ko dahil wala namang text si Kuya sa akin na papadeliveran n'ya ako ng pagkain. Kahit tawag ay wala. "How much?" Tanong ko dito. Hindi ko pa naman sigurado kung kasya pa ang pera sa wallet ko para bayaran to. "Don't worry, Ms. Mika. Mr. Mike already paid all of this," sabi nito at ngumiti. "Oh," mahinang sagot ko at tinanggap na ang paper bag. "Thanks." "You're welcome po," sagot nito at tumango. Tinignan ko ang paper bag at kahit hindi ko pa ito nabubuksan ay naamoy ko na ang mabangong pagkain na nasa loob nito. Tinignan ko naman ang delivery man at nakita kong naglakad na ito papunta sa pula n'yang kotse at pinaandar na iyon ng mabilis. Biglang umihip ang malakas na hangin kaya naman agad kong hinawi ang buhok ko na humarang sa mukha ko. Napatingin ako sa mga bahay sa paligid pati na rin sa harapan ng bahay namin ni kuya. Mga wala na itong ilaw at tahimik na. Mukhang tulog na ang lahat. Napa-shrug na lang ako ng shoulder at sinara na ang pinto. Dumiretso ako sa kusina at nilabas ang pagkain sa paper bag. May carbonara, garlic bread, mushroom soup at chicken ito. Umupo na ako at sinimulan itong kainin. Agad kong naalala sina Mommy at Daddy. Lagi nila kaming binibilhan ni kuya nito. Sobrang paborito ko ang mga ito. Habang kumakain ay tsaka ko lang naalala na wala nga palang nakasalpak na simcard sa phone ko. Tinapon ko nga pala iyon at hindi alam ni kuya. Napabuntong hininga na lang ako at tinuloy ang pagkain. Nang maubos ko na ang carbonara at mushroom soup ay sinunod ko naman na ang chicken at garlic bread. Napatingin ako sa paligid dito sa kitchen at ngayon lang ako nakaramdam ng kaonting takot dahil hanggang ngayon ay hindi parin ako sanay dito. Sobrang tahimik kasi at mag-isa lang ako. Hindi ko na lang ito pinansin at inubos ko ang kinakain ko. Matapos ko itong maubos ay tinapon ko na ang mga kalat sa trash can. Hinugasan ko ang basong ginamit ko at nang matapos ako rito ay napatingin ako sa bintana sa gilid. Sa bintana kung saan ko nakita ang mga killer clowns. Nagtungo na lang ako sa sala at umupo dito. Kinuha ko ang phone ko at binuksan ito. Agad na naglabasan ang mga chats ni Kross sa akin at napabuntong hininga na lang ako. Binasa ko ang mga ito at sobrang dami nito. Napakagat ako sa labi ko dahil nagui-guilty ako. Wala namang kasalanan si Kross pero nadadamay s'ya. Wala naman s'yang kinalaman sa mga nangyayari sa akin ngayon. Hindi n'ya deserved ang mga inakto ko sa kan'ya. I need to apologize to him. Alam kong hindi s'ya matatahimik hangga't hindi ko sinasabi sa kan'ya kung ano ang dahilan kung bakit ako ganito ngayon. Ang hirap lang dahil gusto kong gawin ito sa personal pero ang layo n'ya at alam kong busy ito. Ayokong maging abala sa kan'ya. Napunta ang attention sa isang account na nag-add sa akin. Itim lang ang display photo nito at wala itong kahit na anong post. Wala rin kaming mutual friend at lalong wala itong friend. Parang kakafawa lang ng account na ito. Agad kong naalala ang tumawag sa number ko. Hindi kaya s'ya rin ito? Hindi n'ya ba talaga ako titigilan? Nagpunta ako sa messages at nakita kong may chat ito. Binuksan ko ito at na-curious ako sa picture na sinend nito dahil naglo-loading pa ito. Pansin kong bumagal ang wifi namin dito sa bahay ngayon. Pagka-loading nito ay agad na nanlaki ang mata ko at natigilan ako. Tinignan ko ng maigi ang litrato at kahit saang angulo ay ito ang bahay namin ni kuya ngayon. Gabi rin sa litrato at patay na ang ilaw ng mga kapitbahay. Mukhang ngayon lang ito kinuha. Napalunok ako at lumingon ako sa bintana sa likuran ko. Tinuntong ko ang dalawang tuhod ko sa couch at hinawakan ng madiin ang puting kurtina. Nagtago ako at dahan-dahan ko itong hinawi. Sinubukan kong hanapin sa labas kung sino ang kumuha at nag-send nitong litrato sa akin pero wala akong makitang tao dito. Napatingin ako sa puno sa gilid ng katapat na bahay namin dahil parang doon kinuhaan ang litrato. Tinignan ko ang phone ko at pinagmasdan ulit ang litrato. Tama. Kung sino man nga ang kumuha ng litrato ay doon s'ya pumwesto. Pagkabalik ko ng tingin sa bintana ay agad akong napatili at napaatras nang makita ang isang tao na nakasuot ng maskara ng clown. Sumara din ang puting kurtina dahil nabitawan ko ito. Agad kong naramdaman ang sakit sa dalawang siko ko dahil ito ang tumama na una at malakas sa sahig. Napadaing ako at napatingin sa siko ko. Nagdudugo ito. Binalik ko ang tingin ko sa bintana at napalunok ako. Kailangan kong kuhain ang phone ko. Marahan akong umupo sa sahig at ginala ang paningin para hanapin ang phone ko pero hindi ko ito makita. Mukhang nabitawan at tumalsik ito sa kung saan. Agad akong napatingin sa pintuan na katabi lang ng bintana at couch. Hindi ko pa iyon na-lock. Kailangan ko itong i-lock! Tumayo ako ng tahimik at bawat hakbang ko papalapit sa pinto ay parang pabigat nang pabigat ang aking katawan. Naramdaman ko rin ang pawis ko sa noo na tumulo gawa ng kaba at takot. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko at parang sasabog ito. Nang nasa harap na ako ng pintuan ay nanginginig ang aking mga kamay nang mahawakan ko ang door knob. "Knock, knock!" Mabilis kong pinindot ang lock nito nang marinig kong may magsalita sa labas at kumatok. "Go away!" Takot kong sigaw at napakagat sa labi ko. "Is that how you treat a visitor?" Rinig kong tanong nito at tumawa. "You're not a visitor! I will the police now kung hindi ka aalis!" Sigaw ko dito. Agad kong narinig ang malakas nitong pagkatok at napatingin ako sa door knob nang makita kong pilit n'ya itong binubukas. "You think they can save you, Mika?" Nanlaki ang mata ko at napaatras ako nang marinig kong banggitin nito ang pangalan ko. "They can't save you!" Napaatras pa ako nang mas lumalakas ang kalabog n'ya sa pinto at nakita kong nauuga ang pintuan. "Who are you?" Mahina kong tanong. Biglang bumalik ang takot na naramdman ko noong gabing iyon. Biglang bumalik ang lahat ng kaba at lungkot sa akin. Parang nalulunod ako dito at hindi ako makagalaw. "I finally found you, Mr. Evergreen!" Napatakip ako sa magkabilang tainga ko at napapikit nang marinig ko ang boses ng mga pumatay kila mommy at daddy. Sobrang ingay nito at tumatawa sila. Paulit ulit ko itong naririnig hanggang sa napaupo ako sa sahig at nagsisigaw. "No! Mommy! Daddy!" Umiiyak kong sigaw. "I finally found you, Mr. Evergreen!" "No! No, no, no!" Paulit ulit kong sigaw habang nakaupo at nakapikit. Kahit anong takip ko sa magkabilang tainga ko ay rinig na rinig ko parin ang boses nila at ang kanilang mga tawa na nakakatakot. Kahit anong pikit ko ay parang nakikita ko parin sila at nandidito sila ngayon kasama ko. "I finally found you, Mr. Evergreen!" "Mommy! Daddy!" Umiiyak kong sigaw. "Mika!" Agad kong narinig ang boses ni kuya Mike. Naramdaman kong may yumakap sa akin kaya naman napadilat ako at naramdaman kong sunod-sunod na tumulo ang luha ko. "Mika.. Shh. I'm here. Stop crying, please?" Halata ko sa tono ng boses ni Kuya na nag-aalala ito sa akin. "They're here," mahina at takot kong sabi sa kan'ya. Kumalas s'ya sa pagkakayakap sa akin at pinunasan ang luha ko. Nakita kong naiiyak rin s'ya at alam kong ako ang dahilan ng mga luha n'ya. "Mika, stop. Please?" Pagmamakaawa nito sa akin at inalis ang kamay ko na nakatakip sa magkabilang tainga. "Kuya, they're here," ulit ko at tinignan s'ya sa mga mata. Nakita kong napakunot ang kan'yang noo. "The killers who killed Mom and Dad. They're here," mahina kong sabi at yumuko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD