CHAPTER SEVEN

1554 Words
Mikaella's P.O.V. Nandito kami ngayon sa labas ng Willton's Academy. Napatingin ako sa ambulansya at rinig na rinig ko ang malakas na tunog nito. Nakahiga si Nathan habang buhat-buhat ang kan'yang kama at pinasok na ito sa kotse. Nagmamadali ang lahat at matapos n'yang ipasok sa kotse ay sumunod si Nurse Lia na kausap sa cellphone ang magulang ni Nathan. Sinara na nila ang pinto nito at mabilis na umandar. May mga iilang estudyante pa ang nandidito sa campus kaya maraming nagkukumpulan dito. "Si Nathan ba 'yon?" "Mukhang nag-attempt na naman s'ya mag-suicide." "Pangatlo na 'to, no?" Napatingin ako sa tatlong estudyante sa gilid ko. Puro babae ito at pinag-uusapan nila si Nathan. "Do you still want me to tour you here?" tanong ni Kael kaya naman napatingin ako sa kan'ya. "If you're tired, It's okay. I understand you. Nakaka-shock ang nasaksihan natin ngayon." Agad akong umiling, "It's fine," mahina kong sabi. "Are you sure?" paninigurado n'ya. "Yeah," tipid kong sagot at nauna na pumasok sa gate. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Sa tingin ko ay nasasanay na ako makasaksi ng mga ganitong pangyayari. Una ay kila Mommy at Daddy. Sumunod ang babae sa forest at ngayon ay ito. Hindi ko alam kung bakit nangyayari sa akin ito ngayon. Wala naman akong ginawang masama. Tumingala ako at tinignan ang makulimlim na langit. "Why are you doing this to me?" mahina kong tanong. "Mika?" Agad naman akong nabalik sa sarili at tinignan si Kael na malayo na sa akin. Mabilis akong naglakad papunta sa kan'ya. "I'll show you the gymnasium next," sabi nito at sinundan ko naman s'ya. Mukhang hiwalay na building din ito katulad ng Cafeteria. Habang papalapit kami sa Gymnasium ay pakonti na nang pakonti ang mga estudyante dito hanggang sa wala na kaming madaanan na mga estudyante. Tahimik lang si Kael habang naglalakad. "What's wrong with Nathan?" pagbasag ko sa katahimikan. "We don't know," sagot ni Kael sa akin habang patuloy lang kami sa paglalakad. "Actually, sikat s'ya at matalino." Huminto kami nang nasa tapat na kami ng gymnasium. Binuksan n'ya ang pintuan at pumasok kami. Ginala ko ang paningin ko at nakita ko kung gano ito kalawak o kalaki. "SImula nang mamatay ang girlfriend n'ya ay nag-iba s'ya." Tinignan ko ang mataas na basketball ring. "Panong nag-iba?" tanong ko at tinignan ang mga upuan na pataas sa gilid. "Napabayaan n'ya ang grades n'ya at inisolate n'ya ang sarili. Makalipas pa ang ilang buwan ay sinubakan n'yang patayin ang sarili n'ya." Napatingin ako kay Kael na ngayon ay may hawak-hawak na bola. Dinrible n'ya ito at nang makitang ipapasa n'ya ito sa akin ay agad akong naging alerto. "Catch!" sigaw nito sa akin at mabilis na hinagis sa akin ang bola. Agad ko naman itong nasalo at napatingin ako sa bolang hawak-hawak ko. Mabigat ito. "Nag-overdosed s'ya ng gamot sa men's restroom last last month," sabi nito at nagsinyalis na ipasa ko sa kan'ya pabalik ang bola. Mabilis ko namang binato ang bola sa kan'ya at nilakasan ko ito. Nakita kong napapikit s'ya nang masalo n'ya ito. Tinignan n'ya ako at ngumiti. "Are you mad at me?" tanong nito. "I'm not," sagot ko. Nag-dribble na ulit s'ya at tumakbo ito papunta sa basketball ring. "What did he do after that?" tanong ko. Tinaas n'ya ang kamay n'ya at naghanda na itong i-shoot ang bola sa basketball ring. "Pumunta s'ya sa rooftop ng building natin at nagsubok na tumalon." Matapos n'yang magsalita at saktong pumasok ang bolang hinagis n'ya sa basketball ring. "Pangatlong beses na n'yang sinubukang patayin ang sarili n'ya dito sa Willton's Academy. Hindi namin alam kung sinubukan n'ya din ito gawin sa bahay nila." Tumingin s'ya sa akin at lumapit. "What's your favorite sport? Every year ay may sport fest tayo." "Badminton," tipid kong sagot at tinignan s'ya. Nakita kong bumagsak na ang ibang hibla ng itim n'yang buhok dahil sa pawis. Ngayon ko lang rin naramdaman ang init dito sa gymnasium. "Great! magkakasundo kayo ni Cara," sabi nito at tumawa. "Where are we going next?" tanong ko sa kan'ya dahil gusto ko na umuwi. ××× "I heard someone from your school tried to kill his self," sabi ni kuya Mike at tinignan ako. Kumakain kami ngayon ng dinner dito sa bahay. "Yeah," mahina kong sagot at hinigop ang paborito kong mushroom soup. "How about you? are you okay? sinabi rin sa akin na kasama ka sa nakakita sa estudyanteng iyon," sabi ni kuya at nilagyan ng iced tea ang baso ko. "I'm fine. Why wouldn't I?" tanong ko at tinignan s'ya ng seryoso. "Mika-" Hindi ko pinatapos ang sasabihin nito at tumayo na ako. "I'm full. Matutulog na ako. I'm tired," I said without looking at him. Dumiretso na ako sa hagdan at umakyat papunta sa kwarto. Pagkapasok ko ay binuksan ko ang ilaw at umupo ako sa swivel chair ko. Napatingin ako sa family picture namin na gilid ng table ko. "I still hate you," mahina kong sabi at tinignan ang mukha ni kuya sa litrato. Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko sa bulsa ng pajama ko kaya naman kinuha ko ito. Binuksan ko ito at tinignan kung sino ang nag-message sa akin. Hi Mika! how are you? Agad akong napatayo nang makita kung kanino ito galing. "Kross," mahina kong sabi at agad na nag-reply sa kan'ya. I'm good. How about you? Naglakad ako papunta sa kama ko habang nakatingin sa conversation namin. Humiga ako sa kama at pinagmasdan lang ang phone ko. Nang wala pa itong reply sa akin ay nilapag ko na muna ang phone ko sa tabi ko at napabuntong hininga. Tinignan ko ang puting kisame. I actually kind of missed him. It's been a week since we last spoke. Kross Smith is my childhood bestfriend. He's also my classmate and he's definitely my partner in crime. Tinignan ko ang litrato namin sa side table ko. Kinuha ko ito at pinagmasdan. Naka-costume kami dito ng pang-halloween at sa school ito. Napangiti ako habang nakatingin dito. Kross is also my first love. I'm still In love with him and I don't know if he feel the same way. I don't want to risk our friendship just because of this stupid feelings. Agad kong kinuha ang phone ko nang mag-ring ito. Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang makitang tumatawag si Kross. Agad ko itong sinagot at tinapat sa tainga ko. "Kross!" bungad ko sa kan'ya. "Hey, Mika. What's up?" tanong nito. Nang marinig ko ang boses nito ay napaupo ako. "Eto, I'm still alive an breathing. How about you?" tanong ko sa kan'ya. Narinig ko namang natawa s'ya dahil sa sagot ko. "Kakatapos lang ng exam namin and I aced it!" "As usual, ano pa nga bang aasahan ko sa isang Kross Smith?" tanong ko at tumawa. I'm actually happy para sa kan'ya. S'ya ang top 1 lagi sa klase. Lagi n'ya akong tinutulungan sa studies ko. I already miss the days na tuwing malapit na ang exam ay tuturuan n'ya ako. Pagmataas pa ang nakukuha kong grade ay gagala kami at ililibre n'ya ako ng food or anything I want. "Anyways, Mike talked to me and He told me that you're being distant to him again," halata ang pag-aalala sa tono ng boses n'ya. Napangiwi na lang ako at pinikit ang mata ko. "Is that the reason why you called me?" tanong ko sa kan'ya. "Of course not! syempre nami-miss ko na rin ang childhood bestfriend at partner in crimes ko!" sabi nito sa kabilang linya. Huminga ako ng malalim at umayos ng umupo sa kama. "Mika, you need to open your feelings toward your older brother. I know mahirap but you need to. Kayong dalawa na lang ang nandyan." "I know," mahina kong sabi at napatingin ako sa bintana ko nang makitang hanginin ang puting kurtina ko. "Im actually sleepy now." "Wait, kakausap lang natin and you're sleepy already?" tanong n'ya. "Yeah. I'm going to sleep now. Goodnight." Hindi ko na s'ya hinintay na magsalita pa at pinatay ko na ang tawag. Tumayo ako sa kama at dahan-dahan na nagpunta sa bintana ko. Hindi ko maalala na iniwan kong bukas ito. HIndi naman ako nagbubukas ng bintana. Nang nasa tapat na ako nito ay hinawi ko ang puting kurtina at sumilip ako sa bintana. Bumungad sa akin ang empty at medyo madilim na street. Tahimik lang ang kapitbahay namin ni Kuya. Nakakapanibago dito dahil laging walang tao. Kahit 8 p.m. pa lang ay patay na agad ang mga ilaw nila at tahimik na. Wala ring gaanong mga bata na lumalabas. Pakiramdam ko ay nasa ibang mundo ako. Ginala ko ang paningin ko dito at bigla kong naalala ang mga lalaking nakita ko. Sinubukan kong tignan kung makikita ko ba sila pero mukha namang hindi sila lalabas ngayon. Napatingin ako sa relo ko at nakita kong 9:20 P.M. pa lang. Late na kami nakapag-dinner ni kuya dahil nag-overtime ito sa trabaho n'ya. Mabuti na lang at may uwi s'yang ulam dahil hindi pa naman kami nakakapag-grocery at parehas kaming hindi maalam magluto. Sinara ko na lang ang bintana at pinatay ang ilaw. Naglakad na ako papunta sa kama ko at humiga dito. Pinikit ko na ang mga mata ko at huminga nang malalim. Sana ay hindi ko na ulit mapaginipan ang gabing iyon. Ang gabing pinatay sila Mommy at Daddy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD