CHAPTER EIGHT

1021 Words
Mikaella's P.O.V. "We're here, Mika," rinig kong sabi ni Kuya Mike kahit na may earphones ako. Nasa kotse n'ya ako ngayon at hinatid n'ya ako papunta dito sa Willton's Academy. Nakinig lang ako ng mga kanta hanggang sa makapunta kami dito dahil iniiwasan kong kausapin n'ya ako. Mahina lang naman ang volume ng pinapakinggan ko kaya naririnig ko parin s'ya kahit papano. Tinanggal ko ang isang earphone sa left ear ko at sinuot na ang bag ko. Pagkabukas ko ng pinto ay naramdaman kong hinawakan ako ni Kuya sa braso kaya naman napatigil ako. Napakunot ang noo ko at tinignan ko s'ya. "Wait," sabi nito at may kinuhang brown paper bag sa gilid n'ya. "Ginawan kita ng baon. I just want to make sure na kumakain ka ng mga healthy foods." Inabot n'ya ito sa akin at tinanggap ko na lang 'to. "You don't have to worry about me," mahina kong sabi at lumabas na. Sinara ko na ang pintuan ng kotse at mabilis na naglakad papunta sa gate ng Willton's Academy. Marami akong nakasabay na estudyante kaya naman nakapila kami ngayon. Kailangan pang i-check ang laman ng bag namin at ang school I.D. Mabilis lang naman ang pila at binuksan ko na ang bag ko para ipakita ang laman nito sa guard. Matapos n'yang i-check ito ay napatingin ako sa gilid nang makita kong may isang kotse ng police ang huminto sa gate ng Willton's Academy at may lumabas doon na dalawang lalaki. "I.D.," sabi ng guard sa akin. Agad ko namang pinakita sa kan'ya ang I.D. na suot ko at tinignan n'ya ito. Tumango s'ya at pinapasok na ako sa loob. Huminto muna ako sa gilid at sinara ang bag ko tapos ay sinuot ito. Nilingon ko ang police sa labas ng Willton's Academy at may kasama s'yang isang lalaki na nakasuot ng brown na jacket. Anong ginagawa kaya nila dito? connected kaya 'to kay Nathan? kamusta na kaya si Nathan? "It's none of your business, Mika," mahina kong sabi sa sarili at umiling. Nagsimula na akong maglakad. Sinuot ko ulit ang kabilang earphone ko at kinuha ang phone para lakasan ang volume nito. Habang naglalakad ay napatingin ako sa mga estudyanteng nadadaanan ko. Halos lahat sila ay napapatingin sa akin at ang iba sa kanila ay nakikita kong nag-uusap pa habang nakatingin sa akin. Iniwas ko na lang ang tingin ko at nag-focus sa dinadaanan ko. Kahit hindi ko naririnig ang usapan nila ay alam kong tungkol ito sa akin. Alam kong pinag-uusapan nila ako at ang nangyari sa akin. Kung bakit kami lumipat ni kuya sa MoonBridge Town at kung bakit ako ngayon dito nag-aaral. Alam ng lahat ang nangyari sa aming Evergreen dahil binalita ito. Sikat ang coffee shop nila Mommy at Daddy. Iisa lang ito at maraming nagtatanong kung bakit hindi kami nagtatayo nito sa ibang lugar. Iisa lang ang sagot ni Mommy, dahil gusto n'yang ma-enjoy ng mga customer ang view sa coffee shop at para dayuhin ito ng karamihan. Nakatayo ang coffee shop namin sa isang sikat na mountain. Sa medyo mataas kami naka-pwesto kaya naman malamig dito at talagang mae-enjoy mo ang view. Nakakamiss nga pumunta roon. Nami-miss ko na ang makakapal na fog. Nami-miss ko na rin ang coffee na tinitimpla sa akin lagi ni Mommy. Maayos at tahimik ang buhay namin. Nasira ang lahat ng iyon dahil sa mga magnanakaw na pumasok sa bahay namin. Hindi lang pagnanakaw ang ginawa nila, pinatay din nila si Mommy at Daddy. Wala kaming kasalanan sa kanila. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang mangyari iyon sa amin. Nasira ang buhay namin ni kuya Mike dahil sa kanila. Naiyukom ko ang palad ko habang nakatingin sa lupa na dinadaanan ko. Pakiramdam ko ay kinakain na naman ako ng galit at lungkot. Hindi ko ma-control ang nararamdaman ko tuwing naaalala ko ang nangyari sa amin. Hindi ko magagawang kalimutan ang ginawa ng mga lalaking iyon sa amin. Tahimik lang akong naglalakad nang biglang may makasangga ako sa braso ko. Napahakbang ako paatras dahil hindi ko ito inaasahan. Narinig kong may natumba kaya naman tinignan ko ito. Isa itong estudyate. Nakita ko ang dalawang libro n'ya na tumalsik. Agad kong kinuha ang isang tumalsik sa malayo at lumapit sa kan'ya. Tumayo naman na s'ya at inabot ko dito ang libro n'ya. Pagtingin n'ya sa akin ay agad s'yang ngumiti. "Thank you!" sabi nito at kinuha ang libro n'ya. Napatingin ako sa kulay itim at wavy n'yang buhok. Medyo mahaba din ito. Mas matangkad s'ya ng kaonti sa akin at maputi rin ito. Itim na itim ang mga mata n'ya at may pagkapula ang labi n'ya."I'm Chaz Dansil. Grade 11 student and I'm taking HUMSS." Agad kong hinawi ang buhok ko sa tainga para makita n'yang nakasuot ako ng earphone at hindi ako kausapin. "And you are?" rinig kong tanong nito. Napahinga na lang ako ng malalim at inalis na ang tingin sa kan'ya. Nagsimula na akong maglakad at hindi na s'ya pinansin. Hindi ko naman kailangan ng kaibigan. Pagkapasok ko sa buiding ay napatingin ako sa relo ko. Nakita kong sampung minuto na lang at magsisimula na ang klase. Binilisan ko na ang paglalakad at umakyat na ako. Nang makatungtong na ako sa 2nd floor ay agad na bumungad sa akin si Kael na may mga hawak na libro. "Good Morning, Mika!" malakas nitong bati sa akin. Hindi ko s'ya sinagot at naglakad lang ako. Naramdaman ko namang tumabi ito sa akin. "How was your sleep?" tanong pa nito. Hinawi ko naman ang buhok ko sa kabilang tainga para makita n'ya ang earphone ko dito. Narinig kong natawa ito. "I know naririnig mo ako. You're just wearing that to avoid conversation, right?" Napabuntong hininga ako at inalis na lang ang earphones ko. Tinignan ko s'ya at huminto ako sa paglalakad. "Yes, you're right," sagot ko sa kan'ya at pumasok na sa classroom. Dumiretso ako sa upuan ko at nilapag sa gilid ang bag ko. Napatingin ako sa bintana sa gilid ko. Nakita ko ang isang police at isang lalaking nakita ko kanina sa labas ng Willton's Academy. Naglalakad na sila dito sa loob. Bakit kaya sila nandito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD