CHAPTER SIX

1134 Words
Mikaella's P.O.V. "Class dismissed, pwede na kayong umuwi," sabi ni Mr. Neo Quan, ang Professor namin sa basic calculus. Nagsitayuan na ang mga classmates ko at mabilis na niligpit ang mga gamit nila. Halata mong excited umuwi ang mga ito. Parang wala rin silang galang sa Professor na nasa harap pa namin. "Class!" pumalakpak si Mr. Neo Quan at napatingin ang lahat sa kan'ya. "Don't forget to do your homework, okay?" "Noted, Professor Quan!" sagot ng mga babae sa amin habang busy sa paglalagay ng mga gamit nila sa bag. Nakatingin lang ako sa Professor namin na busy sa pag-aayos ng mga gamit n'ya. Mukhang bata pa ito. Parang nasa 22 or 23 years old lang ito. Itim ang buhok n'ya na medyo maiksi. Matangkad din s'ya at tama lang ang katawan. Nang makita kong napatingin ito sa akin ay agad na akong tumayo at sinuot ang bag ko. Napayuko ako at napakagat na lang sa labi ko. Napansin kaya n'ya na pinagmamasdan ko s'ya? "Hey," rinig kong tawag ni Kael sa akin. Tinignan ko s'ya at nakita kong suot-suot na nito ang bag n'ya. "Why?" tanong ko sa kan'ya at kinuha ang phone ko para tignan kung may text ba o tawag sa akin si Kuya Mike. "Hindi ba ito-tour kita ngayon dito sa Willton's Academy?" sabi nito sa akin. Napangiwi naman ako at binalik na lang ang phone ko sa bulsa ng palda ko. Tinignan ko si Kael at nakita kong ngumiti lang ito sa akin. "Okay," sagot ko at ngumiti ng tipid. Since pumayag naman na ako, wala na rin akong ibang choice. "Let's go," sabi ni Kael at pinauna ako maglakad. Hindi na ako nagsalita pa at naglakad na lang ako. Nag-uunahan ang mga classmates namin na makalabas ng classroom at akala mo ay ilang araw silang nakakulong dito. Nang mapadaan kami ni Kael sa pisara ay napatingin ako kay Professor Quan na nandoon padin at nakangiti sa akin. Napakunot ang noo ko nang kumaway pa ito sa akin pero hindi ko na lang s'ya pinansin at binilisan ang paglabas. "Professor Quan is the friendliest and kindest among the Professors here," sabi ni Kael habang kasabay ko ito maglakad sa hallway. Hindi ako sumagot at tumango lang. "He always help us whenever na nag-sstrugle tayong mga estudyante n'ya sa subjects n'ya." Napatingin na lang ako sa bintana habang naglalakad at nagsasalita si Kael. Dahil nasa second floor kami ay kita ko ang labas at baba. Maraming estudyante na ang nasa labas. "Alam mo naman na 'yung Cafeteria kaya hindi ko na sa'yo ituturo 'yon," sabi ni Kael at bumababa na kami. Pagkababa namin ay nakita ko si Jaxe Dean na nakasandal malapit sa pintuan papalabas nitong building. May bitbit itong skate board at mukhang may hinahanap. "Alam mo naman ang pangalan n'ya di'ba?" tanong ni Kael sa akin. "He's Jaxe Dean and he's the only son ng Principal nitong Willton's Academy." Nang madaanan namin s'ya ay napatingin sa akin si Jaxe at ngumisi ito. Nilapag n'ya ang skateboard n'ya sa sahig at nagsimulang paandarin ito papalapit sa isang babae. "Obviously, He's one of the trouble makers here. Not only trouble makers but he's also known as the playboy of Willton's Academy." Inalis ko na ang tingin kay Jaxe at nag-focus na lang ako sa pupuntahan namin ni Kael. Papunta ito sa right side at dulo ng building. "Walang magawa ang principal sa anak n'ya kaya hinahayaan n'ya na lang ito," naiiling na sabi ni Kael. "Nandito na tayo." Huminto s'ya sa tapat ng isang puting pinto. PInagmasdan ko ito at may maliit na square na bintana ito gawa sa glass. Sumilip ako dito at nakita ang empty room. May table dito at isang upuan. "Here is the school Infirmary room." Binuksan ni Kael ang pinto at pumasok kami sa loob. Agad kong ginala ang paningin ko at nakita ang puting kisame, pader at tiles. Napatingin ako sa mga kama at may puting kurtina ang mga ito sa gilid. "Mukhang wala si Nurse Lia. Baka may pinuntahan s'ya. Sayang, ipapakilala pa naman sana kita," sabi ni Kael at umupo sa table ng Nurse. "Feel free to explore here. Hindi mo naman ikakamatay kung gumalaw-galaw ka diba?" Napatingin ako sa kan'ya na seryoso lang ang mukha at maya-maya ay bigla itong tumawa. "Just kidding, ang tahimik mo kasi. Pati galaw mo ay parang bilang lang rin." Hindi ko na lang s'ya pinansin at ginala ko ang paningin ko rito. May mga prayers na naka-frame sa pader. Naglakad ako sa mga kama at nakitang sampu ang kama rito. Nakabukas ang mga kurtina nito bukod sa isa na nasa pinakasulok. Naglakad ako papalapit rito at napakunot ang noo. Nilapit ko ang tainga ko sa kurtina at pinakinggan nang maigi ang tunog sa kama. "Kael?" Agad akong napalayo nang makitang may pumasok. Napatingin ako rito at nakita ang isang babae na itim ang buhok at nakatali. Nakasuot ito ng puting pang-nurse na damit at sa tingin ko ay s'ya ang tinutukoy ni Kael na si Nurse Lia. "Nurse Lia!" masayang bati ni Kael sa kan'ya at tumayo ito ng maayos. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ng nurse sa kan'ya habang nakangiti ito at nagpunta sa table n'ya. Napunta ang tingin n'ya sa akin. "She's Mikaella Evergreen," agad na sabi ni Kael at sinenyasan ako na lumapit sa kan'ya. Napatingin ako saglit sa puting kurtina sa gilid ko at umiling na lang ako. Nagpunta na ako sa tabi ni Kael at tinignan lang ang nurse. "Oh, ikaw 'yung transferee?" tanong nito sa akin at ngumiti. "Nice meeting you, Mikaella Evergreen. I'm Lia Flores. I'm a nurse." Nilahad nito ang kamay n'ya at napatingin ako rito. Naalala ko si Mommy sa kan'ya. ISang nurse si Mommy noon bago sila makapagtayo ni Daddy ng coffee shop. Si MOmmy ang nag-aalaga sa amin ni kuya Mike tuwing may sakit kami. "Nice meeting you, Nurse Lia," mahina kong sabi at nakipagkamay dito. Binawi ko rin agad ang kamay ko at tinignan si Kael. Nakita kong nakangiti ito. "Himala hindi a snob ngayon," natatawang sabi nito. "Bakit pala kayo nandito?" tanong ni Nurse Lia. "Tino-tour ko lang si Mika sa Academy," sagot sa kan'ya ni Kael. "I have a question.." mahina kong sabi kaya naman napatingin silang dalawa sa akin. "Ano 'yun?" tanong ni Nurse Lia. "Sino 'yung nasa pinakadulong kama?" tanong ko. "Why?" nakakunot noong tanong ni Kael. "I heard something there,"seryoso kong sabi at nilingon ang kama sa dulo pero agad na nanlaki ang mata ko nang makitang may dugo sa sahig na galing doon. "Si Nathan!" agad na sigaw ni Nurse Lia at nauna itong tumakbo papunta doon. Agad naman kaming sumunod ni Kael sa kan'ya. Mabilis na hinawi ni Nurse Lia ang puting kurtina at bumungad sa amin ang lalaking estudyante na may laslas sa kan'yang pulso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD