CHAPTER SIXTEEN

1314 Words
Mikaella's P.O.V. "Mommy!" Agad akong nagising at napaupo sa kama. Hinabol ko ang hininga ko at napatingin sa bintana ko. Nakita kong maliwanag na sa labas. Umaga na. Napatingin ako sa kamay ko na nanginginig dahil sa takot. Naramdaman kong tumulo ang luha ko at hinayaan ko ito. Madiin akong napahawak sa puting kumot ko. "Damn," mahina kong sabi at napapikit. Napaginipan ko na naman ang gabing iyon. Napaginipan ko na naman ang pinaka ayokong maalala. Napatingin ako sa pintuan ko nang marinig kong may kumakatok doon, "Mika? Handa na ang breakfast." Agad kong pinunasan ang luha ko. "Susunod ako," malakas kong sagot sa kan'ya. Tumigil naman na si kuya sa pagkatok sa pintuan ko kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Tumayo na ako at dumiretso sa bathroom para mag-shower. Kailangan ko na maghanda para pumasok. Hindi na masama ang pakiramdam ko. Hindi na rin ako mainit at nahihilo. Mukhang mabilis ang epekto ng gamot na ininom ko. Matapos kong maligo ay nagbihis na ako ng school uniform ng Willton's Academy. Itim ang palda nila na may dark blue na lines sa ilalim. Puti ang kulang ng long sleeve namin. Dark blue ang school blazer at ang neck tie. Matapos kong magbihis ay binlower ko saglit ang buhok ko at sinuklay ito. Hinayaan ko lang na nakababa ito. Naglagay na rin ako ng konting pulbo at lip balm. Lumabas na ako sa kwarto at bumababa papunta sa dining area. Nakita ko si Kuya na malapit na matapos kumain. Medyo na late ako ng gising ngayon. "How was your sleep?" Tanong nito habang hawak-hawak ang dyaryo at tumingin sa akin. Umupo ako sa harap n'ya at kumuha ng loaf bread. "It's fine," maikli kong sagot at pinalamanan ng egg and lettuce ang bread. "Okay na ba ang pakiramdam mo?" Tanong n'ya at nilapag ang dyaryo sa lamesa. "Sabihin mo lang sa'kin kung gusto mo muna umabsent at magpahinga. I'll call your homeroom teacher." Nilagyan ko ng fresh milk ang baso ko. "Okay na ang pakiramdam ko. Pwede na ako pumasok at mag-aral," sagot ko at nagsimula nang kumain. Hindi ako puwedeng umabsent. Kailangan kong mag-aral dahil iyon ang gusto nila Mommy. Hindi rin ako puwedeng umabsent dahil marami pa akong gustong malaman sa Willton's Academy at sa mga estudyante dito. "Okay. Bring your medicine and water. In case na sumama ulit ang pakiramdam mo, uminom ka agad ng gamot," paalala ni kuya sa akin at tumayo na. "Ihahatid na kita sa school mo." Napatingin ako sa relo ko at nakita kong 40 mins na lang ang available na oras n'ya para makapasok sa trabaho n'ya. "I'm fine, Kuya. Kaya kong maglakad papunta sa Willton's Academy. Baka ma-late kapa sa trabaho mo," sabi ko sa kan'ya at kumuha pa ulit ng isang tinapay at pinalamanan ito ng peanut butter. "Hindi ka muna pwede magpagod. Kailangan mong i-save yung energy mo. Baka bumalik yung sakit mo," nakakunot na noong sabi ni kuya habang nakatayo ito at nakatingin sa akin. "Magta-taxi na lang ako," sabi ko at tinignan s'ya. Narinig kong napabuntong hininga na lang s'ya at tumango. "Okay." Kinuha nito ang itim n'yang bag at parang may kinukuha. "Magkano pa ba ang pera mo d'yan? Medyo expensive ata ang taxi dito." "Hindi ko pa gaano nababawasan yung binigay mo sa akin. Save mo na lang yung money," sagot ko sa kanya at ininom na ang fresh milk. "Are you sure?" Tanong pa ni kuya habang hawak-hawak nito ang bag n'ya. "Yes," tipid kong sagot at tumayo. "I'll fix my things and papasok na rin ako." Tumingin s'ya sa relo n'ya at nakita kong nanlaki ang mata n'ya nang makita kung anong oras na. Agad n'yang sinuot ang bag n'ya at uminom ng maraming tubig. "Una na ako, umuwi kana agad after your class, okay?" Bilin nito sa akin. Hindi ako nagsalita at tumango lang. Nagmadali naman na s'yang makalabas at sunod ko na lang narinig ay ang makina ng sasakyan n'ya at ang pag-alis nya. Regalo nila Mommy at Daddy ang kotse na gamit n'ya. Last year lang sa kan'ya niregalo ito kaya medyo bago pa at maganda pa ang model nito. Tinignan ko ang lamesa at nakita ang mga hugasin. Napabuntong hininga na lang ako at niligpit ito. Hinugasan ko saglit ang mga kinainan namin ni kuya at bumalik ako sa kwarto para ayusin ang bag ko. Nang matapos ko nang ayusin ito ay sinuot ko na ito. Napatingin ako sa phone ko sa gilid ng kama na nakapatay. Hindi ko pa ito binubukas simula kagabi. Naalala ko na naman tuloy yunh tumawag sa akin kagabi. Hindi ko alam kung sino s'ya o kung nag-iisa lang s'ya. Ang creepy n'ya at hindi ko gustong alam nito ang number ko. Kinuha ko ang phone ko at inalis ang sim card ko. Tinapon ko ito sa basurahan ko at binuksan ang phone. Nilagay ko na ito sa bulsa ng palda ko at lumabas na sa bahay para pumasok sa school. Ni-lock ko ng maigi ang pinto at mga bintana bago ako tuluyang umalis. Pagkapunta ko sa kalsada ay kinapa ko ang wallet ko at binuksan ito. Napangiwi ako nang makita kung magkano na lang ito. "What a great life," mahina kong sabi at binalik na lang ang wallet sa bulsa ko. Pagkapasok ko nito sa bulsa ay nagsimula na akong maglakad. Napatingin ako sa mga taxi at kotse na nadadaanan ako. Napabuntong hininga na lang ako at mas binilisan ang lakad. Habang naglalakad ay tinignan ko ang langit. Malapit na mag 7 A.M. kaya naman maliwanag na talaga dito. Hindi nakakasilaw masyado ang araw dahil medyo makapal ang ulap. Malakas at presko ang hangin dito. Ito nga lang ata ang nag-iisang nagustuhan ko sa Moonbridge Town. "Ms.!" Agad akong napatingin sa kotse na huminto sa gilid ko. Napakunot ang noo ko dahil sino naman ang tatawag sa akin? Binababa nito ang bintana ng kotse at nakita ko si Earl Seven at Chase Javier na nagda-drive. "Sorry, nakalimutan kong dalhin ang payong mo," agad kong sabi sa kan'ya. Nakalimutan kong kaparehas ko nga pala silang dalawa ng school. Nakalimutan ko rin sila at lalo na ang payong na naka-stuck sa drawer ko. Tumawa ng malakas si Earl at tinignan ako. "Okay lang. May next time pa naman. By the way, sabay kana sa amin papunta sa Willton's Academy. Doon din naman ang punta mo di'ba?" Alok nito. Napangiwi naman ako at napaiwas ng tingin. Gusto ko lang naman pumasok sa school ng tahimik at mag-isa. "Sure," sagot ko kay Earl at ngumiti ng tipid sa kan'ya. Nakita ko namang lumiwang ang mukha n'ya habang si Chase ay napangiwi. Mukhang hindi n'ya ako gusto. Well, the feeling is mutual naman. "Pasok! Open na yung car door," alok ni Earl. Binuksan ko na ang pinto ng kotse nila at pumasok. Pagkaupo ko dito ay agad kong naamoy ang panglalaking perfume nila. Malinis dito at malawak. "Buti naman hindi mo na kami tinanggihan ngayon," sabi ni Earl at nilingon ako dahil sa passenger's seat ito nakaupo. "Hindi naman kami serial killers at hindi rin kami kidnappers," naiiling na dugtong pa nito. Napatingin ako sa salamin sa harap at nakita ang reflection ni Chase. Nakita kong nakatingin s'ya sa akin at agad s'yang nag-iwas ng tingin. Nagsimula na rin s'yang mag-drive. "Ang weird ng first meet natin. Bakit ka nga pala tumatakbo na non at mukhang takot na takot?" Tatanggihan ko sana ang alok ni Earl pero dahil mas gusto kong makilala at magka-clue kung sino ang mga estudyante ng Willton's Academy ay tinanggap ko ito. Kailangan kong makipagkaibigan sa kanila. Kailangan kong maka-close sila kung gusto ko ng bagong impormasyon. Ito lang ang naiisip kong paraan para malaman kung sino ang mga killers na nakasuot ng maskara na iyon. "I'll bring your umbrella next time," pag-iiba ko ng topic dahil ayoko nang maalala ang rason kung bakit muntik na nila ako masagasaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD