CHAPTER FIFTEEN

1192 Words
Mikaella's P.O.V. "Bakit hindi ka nagsabi sa'kin kaninang umaga na masama pala ang pakiramdam mo?" Tanong ni kuya pagkapasok namin sa bahay. Agad kong nilapag ang bag ko sa sofa at umupo dito. Ginala ko ang paningin sa sala namin at ibang iba ito kumpara sa bahay namin dati. Karamihan sa mga gamit namin ngayon dito ay bago na. Binenta ni kuya ang bahay namin nina Mommy kasama na ang mga mamamahaling gamit para ibayad ito sa mga utang at dating employado namin sa coffee shop. Wala kaming ibang choice kung hindi ang gawin iyon. Binawi ng mga kaibigan nina Mommy at Daddy ang shares nila sa business namin dahil alam nilang babagsak na ito at hindi namin kaya ni kuya Mike na ibangon pa ito. Hindi rin namin alam ni Kuya Mike na nalulugi na din pala ang coffee shop. Walang kinokwento sila mommy sa amin. Alam kong hindi nila sinabi 'yon sa'min dahil ayaw nilang mamoblema rin kami dito at isipin. Gusto nilang mag-focus ako sa pag-aaral habang si kuya naman ay hindi ma-stress sa trabaho n'ya dahil kaka-graduate lang nito. Naubos ang lahat ng ipon nila Mommy pati na rin ang pera na pinagbentahan namin ng bahay at lupa kakabayad sa mga utang. Gusto rin ni Kuya Mike na lumayo at magsimula ng bagong buhay kaya naman lumipat kami dito sa Moonbridge Town. Alam kong nahihirapan s'ya ngayon dahil s'ya ang nagta-trabaho para sa aming dalawa. "Mika," rinig kong tawag sa akin ni Kuya. Hinanap ko s'ya at nakita ko ito sa pintuan papunta sa dining area at kitchen. Mukhang inayos n'ya na ang pagkain para makakain na kami. Tumayo na ako at naglakad papunta dito. Agad akong umupo at tinignan ang mga pagkain sa lamesa. Halos paborito ko ang mga nakahanda dito. Napatingin ako kay Kuya na binuksan ang ref at kumuha ng apple juice. Nilagyan n'ya ang baso ko nito at umupo na sa harap ko. Tahimik lang ako habang nakatingin sa kan'ya. "Hindi kapa ba gutom?" Tanong n'ya at inabutan ako ng soup. "Kailangan mong kumain para gumaling ka agad." Nag-iwas na ako ng tingin at kinuha ko ang soup. Pinagmasdan ko ito at nagsimula na akong kainin ito. "Hindi ako makakapag-rest day bukas dahil napapaaga lagi ang uwi ko. Kailangan kong bumawi at mag overtime para makapag-grocery na rin tayo sa sunday," sabi n'ya habang kumakain. Dahan-dahan lang akong kumakain at napapaisip. Alam kong hindi maganda ang trato ko kay Kuya. Alam kong alam n'ya na galit parin ako sa kan'ya pero hindi s'ya nagsasawang alagaan ako. Hindi n'ya ako iniiwan at pinapabayaan. Matapos kong ubusin ang soup ay kumuha ako ng kanin at ulam. Kailangan kong gumaling agad. Hindi na ako puwedeng dumagdag pa sa problema ni Kuya. Alam kong pagod na s'ya sa trabaho n'ya. Ayoko maging pabigat. "Mika, slow down. Baka mabilaukan ka," sabi ni Kuya sa akin at inabot ang apple juice. Tinanggap ko naman ito at ininom. Pagkalapag ko nito sa table ay napayuko ako. "Maghahanap ako ng part time job para tumulong dito sa bahay financially," mahina kong sabi. "What? No," agad na sagot n'ya. "Kailangan mong mag-focus sa pag-aaral. Iyon ang gusto nila Mommy." Tinignan ko s'ya at pinatong ko sa hita ko ang kamay ko. "How about you?" Tanong ko sa kan'ya. "You're still young. Dapat nag-eenjoy ka ngayon. But look, you can't." Tumayo ako at yumuko. "Dahil sa'kin hindi mo yun magawa. Dahil sa'kin kailangan mong pagurin ang sarili mo magtrabaho." "Mika-" hindi ko pinatapos ang sasabihin nito. Tinignan ko s'ya sa mga mata at tumulo ang luha ko. "I know you, Kuya. I know na nahihirapan ka ngayon sa situation. Hindi mo magawa ang mga gusto mo dahil sa'kin. Dahil binilin ako nila Mommy sa'yo." Tumayo s'ya at nang magsasalita ito ay agad na akong tumalikod. "Magpapahinga na ako. Gigising ako mamaya para kumain at uminom ng gamot," sabi ko sa kan'ya at agad na umakyat papunta sa kwarto ko. Pagkapasok ko dito ay ni-lock ko ang pinto at dumiretso ako sa kama. Umupo ako dito at pinagmasdan ang kulay dark brown na sahig. "I'm sorry, Kuya," mahina kong sabi at humiga sa kama. Hindi ko pa magawang alisin ang galit na nararamdaman ko sa kan'ya. Hindi ko magawang kalimutan ang nangyari sa gabing iyon. Agad kong naramdaman na nag-vibrate ang phone ko sa bulsa ng palda ko. Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang nag-text. Napakunot ang noo ko nang makitang hindi naka-save ang pangalan nito sa phone ko, ibigsabihin ay hindi ko s'ya kilala. Binuksan ko ang text message at napaupo nang mabasa ito. "I know it's you." Anong ibigsabihin n'ya? Saan n'ya nakuha ang phone number ko? Gusto ko s'yang tanungin kung sino s'ya at kung ano ang ibigsabihin n'ya pero nilapag ko na lang ang phone ko sa kama. Baka nangpa-prank lang ang isang ito. Hindi ko na lang s'ya papatulan. Naramdaman kong nag-vibrate ulit ang phone ko kaya naman tinignan ko ito. Nakita kong nag-send ng photo ito kaya naman binuksan ko. Napakunot ang noo ko nang makita kong litrato ko ito na naka-school uniform at naglalakad papasok sa Willton's Academy. Agad kong tinignan ang number nito. Napalunok ako dahil nakaramdam ako ng takot. Stalker ko ba ito? Nag-reply na ako dito dahi alam kong guguluhin lang ako nito. What do you want? - Mika You guess - Unknown sender Nakatingin lang ako sa phone ko habang paulit-ulit na binabasa ang text nito sa akin. Muntik na ko nang mabitawan ang phone ko nang mag-ring ito. Napalunok ako nang makitang tumatawag s'ya. Huminga ako nang malalim at sinagot ito. Dahan-dahan kong pinatong sa tainga ko ang phone ko. Tahimik lang s'ya kaya naman napakunot ang noo ko. "Hi, Ms. Mikaella Evergreen!" Nakakakilabot ang boses nito. Halatang gumamit s'ya ng voice changer dahil parang robot na ito na nakakatakot. Naramdaman kong tumulo ang pawis ko sa noo ko. Nagsisimula na namang sumakit ang ulo ko at mahilo. Gusto kong patayin ang call at tanggalin ang sim card ko pero parang may kung anong pumipigil sa akin. Hindi ko magawang gumalaw. "Who are you?" Mahina at madiin kong tanong dito. Hindi ito nagsalita at bigla ko na lang narinig ang malakas na tawa. Nabitawan ko ang phone ko dahi sa gulat. Napatingin ako dito at patuloy parin s'ya sa pagtawa. Agad kong pinindot ang red button para patayin ang tawag. Hinayaan ko lang ang phone ko sa gilid ko. Nakatingin lang ako dito. Bakit to nangyayari sa'kin? Sino tong tumawag sa akin? Pinagti-tripan ba nila ako at tinatakot? Biglang nag-ring ulit ang phone ko at hindi ko na ito tinignan. Sinagot ko na lang ito at tinapat sa bibig ko. "Sht up! Go to hell!" Sigaw ko dito. "Mika?" Agad akong natauhan nang marinig ang pamilyar na boses. Tinignan ko ang phone ko at kung sino ang tumawag. Nanlaki ang mata ko nang makitang si Kross ito. "Mika? Are you okay? Galit ka pa rin ba sa akin?" Rinig kong tanong n'ya. Napakagat ako sa labi at pinatay ko na lang ang tawag. Humiga ako sa kama at pinagmasdan ang puting kisame. "Great," mahina kong sabi at pinikit ang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD