CHAPTER SEVENTEEN

1006 Words
Mikaella's P.O.V. Lunch break na ngayon at nandito ako sa cafeteria kumakain mag-isa. Busy sila Cara at Kael. Pinatawag sila ng Homeroom teacher namin kanina at mukhang may pinapagawa sa kanila ngayon. Ginala ko ang paningin ko dito sa cafeteria habang kumakain. Halos lahat sila ay may kan'ya kan'yang kasama kumain. Maraming mayroong circle of friends. Napabuntong hininga na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain ko sa sopas. Kailangan ko parin uminom ng gamot ngayong araw par tuluyan na akong gumaling at hindi na bumalik ang lagnat ko. Pagkasubo ko ng sopas ay muntik ko na itong madura dahil mainit pa ito. Napasimangot ako at hinipan ito bago kainin ulit. Habang ngumunguya ay bigla kong naalala sina Chase at Earl. Matapos kong makasakay sa kotse nila ay kung ano-ano lang ang tinanong ni Earl. Madaldal s'ya at lively. Kabaliktaran ng kaibigan n'ya na si Chase at kabaliktaran ko rin. Hindi ko alam kung papaano sila naging magkaibigan dahil sobrang opposite ang ugali nila. Napa-shrug na lang ako ng shoulder nang maalala na sobrang iba din ang ugali ni Kross na childhood friend ko. Wala akong nakuhang impormasyon tungkol sa kanila kanina at tungkol sa mga killers na nakasuot ng clown mask. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula ngayon. Hindi ko alam kung ano ang susunod kong kilos. Matapos nilang ihatid ako dito sa Willton's Academy ay nagmadali na rin akong bumaba sa kotse nila dahil puro nonsense lang rin naman ang sinasabi at mga tinatanong ni Earl. "Hi." Agad akong napatingin sa upuan sa harap ko nang may umupo doon at may tray na lumapag sa lamesa. Tinignan ko kung sino ito at napakunot ang noo nang makitang hindi ko naman s'ya classmate o kakilala. "Can I sit here and eat?" Tanong n'ya at ngumiti. Tinignan ko ang mga tables sa paligid at sinubukang maghanap ng empty table pero lahat ito ay may nakaupo at ginagamit. Mukhang wala na nga akong choice ngayon kung hindi kumain ng lunch kasama ang lalaking ito. "Siguro hindi mo na ako natatandaan," sabi nito at nilahad ang kamay. "We bumped into each other before. I'm Chaz Dansil, g11 student. How about you?" Pakilala nito sa sarili at tanong. Napatingin ako sa maputing kamay n'ya paakayat sa mukha n'ya. Medyo mavy at itim na itim ang buhok n'ya. Medyo mahaba rin iyon. Ilang inches lang rin ang tangkad n'ya sa akin. "It's fine if you don't want to talk. I understand since you're a transferee. You must be very shy," sabi nitong Chaz at inalis sa tray ang mga pagkain n'ya. Pinagmasdan ko ang mga binili n'yang pagkain sa cafeteria. Tatlong apple pie ito, mango juice at egg sandwich. Mukhang matakaw takaw rin s'ya. "Mika. Mikaella Evergreen," mahina kong pakilala. Hindi na sana ako sasagot at sasabihin ang pangalan ko pero naawa naman ako dito. Naalala ko na rin s'ya. Nakabangga ko s'ya sa campus. Nagpakilala s'ya non sa akin at as usual ay hindi ko ito pinansin. Mukha naman s'yang matinong estudyante na may pagka-childish nga lang. "Nice to meet you, Mika!" Masaya nitong sabi at ngumiti sa akin. Hindi na ako nagsalita at tumango na lang. Binalik ko na ang tingin sa pagkain ko at nagsimulang ubusin ito. Habang kumakain ay napatingin ako kay Chaz nang may ilapit itong maliit na pinggan sa akin. Napakunot ang noo ko at tinignan kung ano ito. Isa itong apple pie. Pinagmasdan ko ang pagkain n'ya at nakitang dalawa na lang ang apple pie n'ya. "You look sick. Parang wala ka ring energy, I think you should eat more, Ate Mika. Sa'yo na lang 'yang isang apple pie ko. Napasobra din kasi bili ko, baka di ko maubos," sabi nito at nagsimula nang kainin ang egg sandwich n'ya. Tumango lang ako at pinagpatuloy na lang ang pagkain. Halata ba sa akin na galing ako sa sakit at nanghihina parin ngayon? Napabuntong hininga na lang ako at tinabi ang bowl ng sopas. Dinala ko sa harap ko ang apple pie at sinimulang kainin ito. Ngayon lang ako nakatikim nito at masarap pala ito. Mukhang may bago na akong paboritong pagkain. "Did you like it?" Tanong ni Chaz. Tumingin ako sa kan'ya at ngumiti ng tipid. "It doesn't taste bad," sagot ko sa kan'ya. "But you looked like you just taste a heavenly food," sabi nito at tumawa ng mahina. Agad ko namang sinamaan ang tingin sa kan'ya. Alam kong normal lang ang pagkain na ito at common. Hindi lang talaga ako interested sa mga pie dahil mas gusto ko ang pasta and cakes. Mukha tuloy napakababaw kong tao ngayon para sa kan'ya. "Don't worry, I understand you. That was my reaction too nung first time kong matikman to," sabi n'ya at sumubo ng Apple pie. "They're selling apple pie every friday at ako ang laging nakakaubos nito," kwento pa nito sa akin. "Ahh," hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kan'ya. Hindi ako friendly na tao lalo na ngayon. Wala rin naman akong maisip na isasagot sa kan'ya dahil honestly? Blanko ang isip ko ngayon at hindi ako interested makipagkaibigan sa kan'ya. Inubos ko na lang ang apple pie at agad na kinuha ang gamot ko. Binuksan ko ito at napansin kong napatingin si Chaz sa akin. Ininom ko na ito agad at sinabayan ko ng tubig. "So, you really is sick," mahinang sabi ni Chaz. "I'm okay now," sagot ko sa kan'ya at tumayo. "Thank you for the apple pie. Mauna na ako," sabi ko at nagsimula nang maglakad. "Bye ate Mika!" Rinig kong sabi nito. Hindi ko na s'ya nilingon pa at nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makalabas na ako ng cafeteria. Pagkalabas ko ay natigilan ako nang makita ang lalaking pula ang buhok. Ang tumulong sa akin sa forest at kinausap ako sa park. Nakasandal s'ya sa isang puno at nagsisigarilyo. Napatingin s'ya sa akin nang mapansin n'yang nakatayo lang ako sa entrance ng cafeteria. Agad s'yang nag-iwas ng tingin at tinapon ang sigarilyo sa kung saan at naglakad na papalayo. Nakalimutan kong dito rin pala nag-aaral.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD