CHAPTER THIRTY

2242 Words
Mikaella's P.O.V. Nandito na ako ngayon sa kwarto at nakaupo sa kama. Tapos na kami kumain ng dinner ni Kuya. Tulog na rin s'ya agad dahil pagod s'ya galing sa trabaho. Hanggang ngayon ay naiisip ko pa rin si Liam. Ang pula n'yang mga buhok, mga band aid sa mukha at ang itim na hikaw sa kaliwang tainga n'ya. Iniisip ko parin kung ano ang ginagawa n'ya noon sa forest. Ang sabi n'ya sa akin ay hinahanap n'ya din ang mga killer na iyon. Pero hindi ako nakakasigurado kung totoo ba ang sinasabi n'ya. Kung hinahanap n'ya rin ba talaga ang mga iyon nang mag-isa lang s'ya at walang kaarmas armas o isa s'ya sa mga iyon at nagpapanggap lang na mabait. Naalala ko rin ang dahilan kung bakit ako napunta sa street na iyon kanina, kung bakit nakita ko si Liam. Dahil iyon kay Nathan. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan at sino ang kausap n'ya pero mukhang seryoso ito. "Kayo ba naglabas ng issue na 'yon sa school?" tanong ni Nathan sa kausap nito. "I told you! Wala akong sinabi sa kan'ya. I swear," madiin nitong sabi at nahawi sa buhok. "Hindi ko gagawin 'yun. Hindi ko sisirain ang kasunduan natin." "Safe sa akin ang identity n'yo. Alam natin ang sikreto ng isa't isa." Hindi kaya.. yung killers ang kausap ni Nathan? Pero bakit n'ya to kausap? Bigla kong naalala ang usapan namin ni Nathan sa coffee shop. "I can't tell you his name. I can't tell you their names," mahina nitong sabi sa akin. "They will kill me." "They might be watching us. Hindi natin alam pero maaring sinusundan nila tayo. Maaring pinapanood nila ang bawat galaw natin." "Isa lang ang pwede kong sabihin sa'yo." Huminto saglit si Nathan at sumubo ito ng s'mores. "Estudyante sila ng Willton's Academy. Lahat sila ay nag-aaral sa Academy natin." Hindi kaya ako ang tinutukoy n'ya sa kausap n'ya sa phone? Ang akala ng mga killers ay may sinabi si Nathan sa akin kaya nilabas nila ang tungkol sa pagche-cheat ni Stella sa kan'ya? Pero bakit? anong makukuha nila sa paglabas non? hindi ba kakaawaan lang ng karamihan si Nathan? Napakunot ang noo ko at napapikit saglit dahil hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari. Kailangan kong malaman ang lahat. Kailangan kong malaman kung ano ang totoong nangyayari. Napadilat ako nang maalala ang mga hiwa sa wrist ni Nathan. Marami iyon. Ilang beses n'ya na ding sinubukang patayin ang sarili. Pero bakit takot s'ya sa mga killers? bakit takot s'yang patayin s'ya ng mga ito kung ayun naman ang gusto nya? ang bawiin ang buhay n'ya? Napailing ako at tumayo. Kung ano-ano na ang naiisip ko. Naglakad na lang ako papunta sa bintana at sumilip dito. Tinignan ko ang oras at 9 P.M. na. Tahimik na ang mga kapitbahay namin. Patay na ang mga ilaw sa bahay nila. Mukhang tulog na silang lahat. Pinagmasdan ko ang madilim na kalsada sa labas. Malalayo ang agwat ng mga poste kaya hindi ganun kaliwanag ang streets dito. Napatingin ako sa puno sa harap ng bahay namin ni kuya at naalala ko ang nag-send ng picture sa akin nung gabing iyon. Hindi pa s'ya ulit nagpaparamdam sa'kin at alam kong hindi pa s'ya tapos. Alam kong nagbabalak pa s'ya nang susunod n'yang gagawin. Kailangan kong mag-ingat. Kailangan kong malaman kung sino s'ya. Mag-isa lang s'yang nagpunta dito. Hindi n'ya kasama ang iba. Nakakapagtaka. Sinara ko na lang ang bintana ko at ni-lock ito. Sinara ko na rin ang puting kurtina ko at naglakad na papunta sa kama. Humiga na ako dito at tinignan ang phone ko saglit. Hindi ko pa pala nabibigay kay Kross ang bago kong number. Napabuntong hininga na lang ako at umayos ng higa. Tumingin ako sa kisame at pinagmasdan ang mga stars na glow in the dark na dinikit ko. Napangiti ako nang makita ang mga ito. Pakiramdam ko ay nakalimutan ko ang mga problema ko. Pakiramdam ko ay bata ako ulit at nasa tabi ko lang si Mommy na kinokwentuhan ako ng mga istorya para makatulog ako agad. "Goodnight, Mommy and Daddy." Unti-unti kong pinikit ang mga mata ko hanggang sa makatulog na ako. ××× Kakatapos ko lang kumain ng breakfast at mag-isa na ako sa bahay. Maaga na umaalis si kuya para hindi ito ma-late. Mukhang nakaka-adjust na din s'ya dito. Niligpit ko na ang mga pinagkainan at bumalik na ako sa kwarto. Nag-ayos na ako ng konti at sinuot ang bag. Nilagay ko rin sa bulsa ko ang phone ko. Ngayong araw nga pala itutuloy ang badminton at basketball sa P.E. namin. Hindi ako nakalaro ng badminton last time dahil kinulong kami sa oras. Kalahati lang sa aming girls ang nakalaro at ganun din sa boys sa basketball. Kinuha ko ang P.E. ko sa cabinet at nilagay ito sa paperbag. Hindi na kasya ang bag ko dahil dala ko ang mga libro. Bakit ba kasi ang lalaki at bibigat ng libro ng Willton's Academy? Wala pa silang locker. Hindi tulad ng school ko dati. Halos lahat ng gamit ko ay nilalagay ko na lang sa locker para hindi na ako mabigatan sa pagbubuhat sa mga ito. Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa baba. Ni-lock ko lahat ng bintana dito tapos ay lumabas na ako. Ni-lock ko na rin ang pinto at nilagay ko sa bulsa ang susi. Maglalakad na lang ako dahil maaga pa naman. May 40 minutes pa bago magsimula ang klase. Ayoko rin naman masyadong maaga pumasok dahil baka kung sino pa ang makasama ko sa classroom. Nagsimula na akong maglakad at nakatingin lang ako sa paligid ko. May mga iilang kotse ang dumadaan sa kalsada. Maliit lang ang Moonbridge town pero kompleto ito. May mall, mga convenience store, at paaralan. Wala nga lang silang paaralan para sa college. Ang iba daw ay lumilipat sa mga city na malalaki para doon mag-college habang ang iba ay matsaga mamasahe. Tahimik lang rin dito. May playground at mga park dito pero madalang lang ako makakita ng mga bata doon. Siguro ay strict ang mga magulang dito. Habang naglalakad ay napatingin ako sa isang posteng nadaanan ko. Napakunot ang noo ko pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad. May nakapaskil doon na missing person. Lalaki iyon at sa tingin ko ay kaedaran ko lang rin s'ya. Naalala ko ang sinabi ni Shiela, ang kaibigan at katrabaho ni kuya. Sinabi n'ya noon na may namatay na estudyante ng Willton's Academy. Naalala ko rin ang nasaksihan kong krimen sa isang gubat. Naalala ko rin ang pagsubok na pagpaslang ni Nathan sa sarili n'ya. Hindi ko alam kung anong meron sa Moonbridge Town. Kinilabutan ako habang naglalakad nang maalala ang mga ito. Pakiramdam ko ay hindi safe ang town na ito. Tahimik nga dito at maganda pero hindi ligtas ang aura na binibigay nito sa akin. Kaya siguro hindi pinapalabas ng mga magulang ang anak nila. May mali sa town na ito. May mga police naman pero hindi nila nagagawa ng tama ang trabaho nila. "Ate Mika!" Napatigil ako nang maramdamang may umakbay sa akin. Napakunot ang noo ko at nakita si Chaz sa tabi ko habang nakangiti na halos hindi mo na makita ang singkit nitong mga mata. "Alisin mo 'yang braso mo," madiin kong utos sa kan'ya at tinignan s'ya nang masama. Agad namang napalitan ng takot ang mukha nito at mabilis na inalis ang pagkakaakbay n'ya sa akin. "Ito naman! Akbay lang eh. Nagjo-joke lang naman ako," sabi nito sa akin at napakamot sa ulo. Napatingin ako sa paligid at nakita ko ang mga estudyanteng naglalakad din papunta sa Willton's Academy. Hindi ko napansin na malapit na pala ako dito dahil masyadong malalim ang iniisip ko. "Sabay na tayo maglakad," sabi ni Chaz at nagsimula na kaming maglakad. "Iniwan ako ng mga classmates ko eh," nakanguso nitong sabi. Napa-poker face na lang ako at tumingin na lang ng deretso sa daanan. Hindi ko alam kung bakit si Chaz pa ang nakasalubong ko ngayon sa dinami dami nang mga nag-aaral sa Willton's Academy. Masyado kasi s'yang hyper at hindi ko kayang makipagsabayan dito. Pakiramdam ko pagpinapakinggan ko s'ya ay napapagod na ako agad dahil sa kadaldalan nito. "Bakit ang dami mong dala ngayon?" Tanong n'ya sa akin. "P.E.," tipid kong sagot at deretso lang ang tingin. Kawawa naman s'ya kung hindi ko sasagutin. Mukhang good mood s'ya at ayoko namang sirain iyon. "Ahhh," sagot nito. "P.E. din namin mamaya!" Masaya pa nitong sabi. "Sabi sa amin ng Professor namin sa P.E. ay may makakalaban daw kaming mga lalaki sa basketball at may makakalaban din ang mga girls sa'min sa badmintoon." Napabuntong hininga na lang ako dahil baka mamaya ay kami ang tinutukoy ng Professor n'ya. Wala namang nabanggit si Professor Neo Quan sa amin pero may chance na baka makalaro namin mamaya sila Chaz. "Nandito na tayo," sabi ni Chaz at huminto kami sa tapat ng gate ng Willton's Academy nang makita ang pila. Kinuha ko na ang I.D. ko para mamaya ay hindi ako kabahan sa paghahanap nito. Nauna na akong pumila habang nasa likuran ko lang si Chaz. Pinakita ko sa babaeng guard ang I.D. ko at tumango ito. Pumasok na ako sa loob at agad namang sumabay sa akin si Chaz. "Nakakatamad pumasok," reklamo nito sa akin. "Edi huwag kang pumasok," sagot ko sa kan'ya. "I can't. Hindi pwede," agad nitong sabi kaya naman napatingin ako sa kan'ya. Nakita kong biglang naging seryoso ang mukha n'ya. Hindi ko alam kung dapat ba akong ma-guilty o ano. Nagi-skip kami ni Kross dati ng klase nung magkaklase pa lang kami. Tuwing hindi namin trip makinig sa klase ay tatakas kami at magi-stay sa cafeteria o library. Lagot nga lang kami kung makita kami ng teacher namin dati o kung may magsumbong. Dumidiretso din kami dati sa mga arcade. Nakakamiss ang Elementary at junior high school days. Mga araw na wala pang iniisip na problema. Kahit na ganun kami ni Kross noon ay mataas na talaga ang grado n'ya. Hanga na hanga ako sa kan'ya non. "Una na ako, malapit na mag-start ang klase," paalam ko kay Chaz. Napatingin naman s'ya sa akin at ngumiti ito. "Okay, ba-bye Ate Mika!" Sabi nito at kumaway. Ngumiti lang ako nang pilit sa kan'ya at mabilis nang pumasok sa building. Hindi ko alam kung magka-building kami pero gusto ko na talaga mapag-isa. Ang uncomfortable lang dahil hindi ko naman s'ya close at hindi rin ako interested magkaron ng kaibigan sa ngayon. Masyadong madam pa akong kailangan gawin. Ang dami ko pa ring kailangan malaman. Wala akong oras para makipagkaibigan at makipag-hang out sa kung sino. Pagkapasok ko sa classroom ay nakita kong nandidito na ang iba kong classmates. Wala pa si Kael, Cara at Loui. Umupo na ako sa pwesto ko at nilapag ang mga gamit. "Hey, Mika." Napatingin ako sa lalaking umupo sa table ko. "Hi," sabi nito at ngumiti sa akin. Kulay brown ang buhok nito na curly. May itsura s'ya pero nakakainis nga lang ang ugali nya. Napasimangot ako at napabuntong hininga. "I brought you chocolate," sabi nito at may nilapag na chocolate sa table ko. "Hindi ako kumakain ng chocolate," pagdadahilan ko para tigilan ako nito. "Ah, ganun ba?" Tanong nito at may nilabas na banana milk. "How about this?" "Mr. Vince Padilla, what are you doing?" Parehas kaming napatingin sa nagsalita at nakita ko si Kael. "It's none of your business, Mr. President," sagot ni Vince sa kan'ya. "Don't you see that she's feeling uncomfortable?" Sabi pa ni Kael dito. Napatingin sa akin si Vince at napangiwi s'ya. Pinatong n'ya sa table ko ang banana milk at umalis na ito. Napatingin ako sa chocolate at banana milk na nasa table ko. Anong gagawin ko sa mga ito? "Hindi ka ba magte-thank you sa akin?" Tanong ni Kael. Tinignan ko s'ya at nakangiti ang isang ito. Kinuha ko ang chocolate at banana milk tapos ay inabot ito sa kan'ya. "Thank you. Now accept these," sabi ko dito. Napatawa naman ito at kinuha ang chocolate. "Ito na lang kukuhain ko. Baka magtampo si Vince pagbinigay mo sa'kin lahat." Napakunot naman ang noo ko. "I don't even know bakit s'ya ganito sa akin," mahina kong sabi at tinignan si Vince. Nakita kong nakaupo na ito at kausap ang mga kaibigan n'ya. Mukhang sikat naman s'ya. Mukhang maraming babae ang nagkakagusto sa kan'ya. Bakit ako pa napili n'ya? "Well, because you're beautiful, Mika," sabi ni Kael kaya naman napatingin ako dito. "Good Morning, Class!" Agad kaming napatingin sa pintuan at nakita ang Professor namin na si Hanji Cruz. Agad na nagpuntahan sa upuan ang mga classmates ko kasama na si Kael. Nakita kong nandito na rin si Cara. Napatingin ako sa likuran ko at napakunot ang noo nang makitang hindi pumasok si Loui. "Good Morning, Professor Hanji!" Malakas na bati ng mga classmates ko at nag-bow kami dito. "Maupo na kayo," utos nito sa amin kaya naman umupo na kaming lahat. Kinuha ko na ang libro at ballpen ko. Nang buklatin ko ang libro ay napabuntong hininga na lang ako. Ang aga aga at general math ang subject namin. Pakiramdam ko ay wala pa ako sa sarili ko. Mahirap pa naman ang lesson namin. Mukhang kakailanganin kong mag-aral sa bahay ng math para ma-gets ito. Pinatong ko ang baba ko sa kamay ko at napatingin sa bintana. Nakita ko ang maaliwalas na langit. May mga grupo ng ibon ang lumilipad doon. "Kung nandito lang sana si Kross," mahina kong sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD