CHAPTER TWENTY NINE

1105 Words
Mikaella's P.O.V. "Stop," inis na sabi sa'kin ng lalaking ito nang lagyan ko ng betadine ang hiwa sa kanang pisngi n'ya. Tinignan ko ito at nakita kong masama ang tingin n'ya sa akin. Alam kong masakit ang pagagamot ko sa kan'ya dahil naranasan ko na rin ito. "So, gusto mong ma-infection 'yang mga sugat mo?" Nakakunot noo kong tanong. Nandito kami ngayon sa labas mg convenience store nakapwesto. Mabuti na lang at may upuan at table dito dahil kung sa loob lang ito ay malamang pinagtitinginan kami ng mga bumibili sa loob at ni Loui. "I don't care. Hindi ko naman 'yan kailangan," sabi nito at nag-iwas ng tingin. "Malapit naman nang matapos. Tiisin mo na," mahina kong sabi dito at pinagpatuloy ang paggagamot sa kan'ya. Hindi na s'ya nagsalita at nanatiling nakaupo na lang habang malayo ang tingin. Napabuntong hininga na lang ako at pinalitan ang bulak na hawak ko. Akala n'ya ay gustong gusto ko 'tong ginagawa ko. Napilitan lang naman akong gamutin ang mga sugat n'ya dahil tinulungan n'ya ako kanina sa mga lalaking s*ra ang ulo. Nang matapos kong linisin ang mga sugat sa mukha n'ya ay kinuha ko ang binili kong pink na band aid at nilagay ito sa pingi n'ya na may hiwa. Agad s'yang napatingin sa akin at nakita ko ang magkasalubong na kilay nito. "What the h*ll?" Sabi nito sa akin. Tinignan ko s'ya nang masama at niligpit na ang mga gamit na binili ko para lang magamot at malinis ang mga sugat n'ya. "Anong what the h*ll?" Tanong ko dito at napatingin ako sa plastic na nakapatong sa table namin na naglalaman ng mga binili ko kanina. Agad akong napatingin sa relo ko at nakitang malapit na palang mag 7 P.M. Malapit na rin ang uwi ni Kuya. Hindi naman saktong 8 na nasa bahay na s'ya dahil kailangan n'ya pang bumyahe mula sa trabaho pauwi sa bahay namin. "I'm not a girl," inis nitong sabi sa akin at nang akmang tatanggalin n'ya ang pink na band aid sa pisngi n'ya ay agad kong tinapik ang kamay n'ya. Napatingin s'ya sa akin ng masama. "Okay, fine." Tumayo na ako kinuha ang plastic sa lamesa. "Una na ako. Thank you ulit sa pagtulong sa akin kanina," sabi ko sa kan'ya at ngumiti ako nang kaonti. Nang maglalakad na ako ay natigilan ako nang maramdamang may humawak sa wrist ko. Agad akong natigilan at napatingin sa kan'ya. Nakatingin ito ng seryoso sa akin. "If you're really grateful that I saved you," sabi nito at huminto saglit tapos ay tumingin sa loob ng convenience store. "Buy me a noodles," dagdag nito sa sinasabi at tumingin sa akin. Napatingin ako sa loob ng convenience store at nakita ko ang dalawang estudyante doon sa loob. Kumakain sila ng kimchi cup noodes, chicken wings at side dish na kimchi. Napalunok ako dahil natakam ako dito. Matagal na rin akong hindi nakakakain niyan. "Fine," sagot ko sa lalaking ito at tinignan s'ya. "I'll be right back." Iniwan ko na muna ang plastic sa table namin at pumasok na ako sa loob. Kumuha ako ng dalawang kimchi cup noodles at bumili rin ako dito ng fish cake. Matapos kong lagyan ng mainit na water ang cup noodles ay nagbayad na ako kay Loui. Nakita kong nakakunot ang noo n'ya at alam kong nagtataka ito dahil bumalik ako, at this time ay may kasama ako na may mga sugat. Parang may gusto itong sabihin sa akin pero may nakasunod na sa pila sa akin kaya naman mabilis ko nang nilagay sa tray ang mga binili ko at lumabas. Huminto ako sa table namin at nilapag ko dito ang tray. Nilagay ko sa harap ng lalaking ito ang cup noodles n'ya at umupo na ako para kumain. Gusto ko sana sa bahay na lang kumain nito dahil ayoko kasabay ang isang ito pero nagugutom na rin ako. Kanina pang lunch ang huling kain ko at anong oras na. Hindi ako nakakain ng meryenda. Nakita kong kinain na n'ya ang cup noodles. Napatingin ako sa buhok nito. Hindi ba bawal ang mga ganitong kulay ng buhok sa school? "Kakain ka ba o titingin na lang sa'kin?" tanong nito at tumingin sa akin. Agad naman akong natauhan at umiwas ng tingin. Hindi ako sumagot at kinuha ko na lang ang chopsticks ko at nagsimula nang kumain. Pagkakain ko ng noodles ay pakiramdam ko nasa langit ako. Kailan pa ba ang huling kain ko nito? si Kross pa ang huling kasama ko non. Sobrang tagal na rin. Nilagay ko sa gitna namin ang fish cakes na binili ko at napatingin s'ya dito. Nakita ko namang kumuha s'ya ng tatlong piraso. "Hey," saway ko sa kan'ya at tinignan s'ya nang masama. Lima lang kasi ang binili ko dahil kailangan ko magtipid, hindi tulad noon na padamihan kami nang mauubos na fish cakes ni Kross. "What?" tanong nito sa akin at sinubo 'yung tatlong stick na mayroong fishcakes na sabay-sabay. Napakunot naman ang noo ko dahil sa katakawan nito. Siguro nga ay pagod ito at gutom dahil laging nakikipag-away kung saan-saan at kung kanikanino. Napasimangot na lang ako at tinuloy ang pagkain. Kailangan ko na rin naman nang bilisan dahil malapit na rin umuwi si kuya at magluluto pa ako ng dinner namin. "Anong ginagawa mo kanina doon sa street?" tanong n'ya sa akin at umayos na nang upo dahil ubos na nito agad ang cup noodles. Agad kong naalala kung pano ako napunta doon. Si Nathan. "Ahh," mahina kong sabi at napahinto sa pagkain. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kan'ya. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin ang nakita at narinig ko kanina kay Nathan. Tinignan ko s'ya nang seryoso at binitawan ang chopstick. Nakasandal s'ya sa upuan at seryosong nakatingin lang din sa akin ang itim n'yang mga mata. Hindi ko alam kung dapat ko ba s'yang pagkatiwalaan. Hindi ko alam kung pwede ko ba s'yang pagkatiwalaan. Naalala ko kung saan at pano kami unang nagkakilala. Sa forest iyon. Sinundan ko ang mga killers non at gabi na iyon. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang ginagawa n'ya doon at kung bakit din s'ya nandoon. "It's none of your business," mahina kong sagot at tumayo na. Kinuha ko ang plastic sa table at tinignan s'ya. "Thank you for saving me twice," sabi ko dito at nagsimula nang maglakad. Bakit nga ba parang nakikipagkaibigan ako sa isang ito? Ni hindi ko nga alam ang pangalan n'ya. "I'm Liam. Liam Conner," rinig kong sabi n'ya pero hindi ko na s'ya nilingon at naglakad na ako ng deretso pauwi. "Liam.. Conner," mahina kong sabi sa pangalan n'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD