CHAPTER THIRTY ONE

2488 Words
Mikaella's P.O.V. "Mag-change na kayo ng pang-P.E. uniform. I'll wait for you guys sa gymnasium. Kalaro natin ngayon ang G11," sabi sa amin ni Professor Quan. "Pano po 'yon, Professor?" Rinig kong tanong ni Vince. "I'll explain later kung pano ang mangyayari," sabi ni Professor Quan. "Una na ako. Nandon na kasi ang mga g11. Wala ang Professor nila ngayong P.E. nila kaya masasali muna sila sa atin." "Noted po, Professor Quan. Susunod po kami," sabi ni Kael sa kan'ya. Tumango si Professor Quan at lumabas na ito sa classroom bitbit ang bag nito. Kinuha ko naman na ang Paperbag na naglalaman ng P.E. uniform ko. Nakita kong naglalabasan na ang iba para magpalit ng P.E. uniform sa restrooms. Lumabas na rin ako sa classroom at pumasok sa pinakamalapit na restroom. Nakita ko si Cara na nasa pinaka-last ng pila. Nagpunta ako rito at Pumila na rin. Napansin kong walang ibang kaibigan si Cara kung hindi si Kael lang. Bakit kaya? Mukha naman s'yang yung tipo na friendly. "Hey," sabi nito sa akin. Tumingin ako sa kan'ya. Ngumiti s'ya at kumaway. Hindi ako nagsalita at tumango lang ako sa kan'ya tapos ay tinignan ang P.E. uniform ko. "How are you? Nakaka-adjust kana ba dito sa Willton's Academy?" Tanong n'ya sa akin. "Dito sa Moonbridge Town?" Tumingin ako sa kan'ya at ngumiti ng kaonti. "Yes," tipid kong sagot at umabante na kami sa pila nang maglabasan na ang mga classmates namin na tapos na magpalit. "That's good to hear," sabi n'ya at tumango. Hindi ko alam kung bakit pero parang may kakaibang aura na bumabalot sa kan'ya. "I heard from Professor Quan na magka-team tayo sa badmintoon," sabi pa nito. Tinignan ko s'ya at nakita kong nakangiti lang ito. Napansin ko ring umiksi ng konti ang buhok n'ya. "Ohh, goodluck to the both of us," sagot ko dito. Nang bumukas ang isang cubicle ay pumasok na sya sa loob. Nakahinga naman na ako ng maluwag dahil wala na s'ya at wala nang magdadaldal sa akin. Sumandal na muna ako sa pader habang naghihintay ako na may bumukas na cubicle. Napatingin ako sa bathroom sink at mirror. Nakita ko ang tatlong classmates ko na babae. Naka-P.E. uniform na sila at nag-aayos ng itsura ang mga ito. Nagtatawanan sila at nagkukwentuhan. Nang mapatingin sila sa akin gamit ang salamin sa harap nila ay napatigil sila sa pagtawa at naging seryoso ang mukha. Napakunot ang noo ko dahil dito at saktong bumukas ang isang cubicle. Pumasok na lang ako sa loob at nagpalit ng uniform. Matapos kong magpalit ay lumabas na rin ako agad habang bitbit ang paperbag ko. Wala ng ibang estudyante dito ngayon sa restroom kung hindi ako at si Cara na nasa tapat ng salamin at naglalagay ng liptint. Dumiretso na lang ako sa paglalakad dahil alam kong paghuminto ako sa bathroom sink o salamin ay kakausapin na naman ako nito. Wala na akong energy makipagusap sa kung sino. Gusto ko na lang manahimik at matapos ang araw na ito. Palabas na ako sa pinto nang marinig kong magsalita si Cara. "Wala ka bang napapansing kakaiba dito?" Tanong n'ya sa akin. Hawak-hawak ko na ang doorknob at kailangan ko na lang ito pihitin para buksan. "What do you mean?" Mahina kong tanong kay Cara. "I know you can feel it, Mikaella," sabi pa nito at narinig kong binuksan nito ang gripo sa harap n'ya. "I know you know that there's something strange going on here. Both sa Willton's Academy and Moonbridge Town." Napakunot ang noo ko dahi sa mga sinasabi nito. Naging tahimik na ang paligid kaya naman nilingon ko s'ya pero halos mapatili ako sa gulat nang makitang nasa likuran ko na pala s'ya. Nabitawan ko rin ang doorknob at napahakbang ako paatras. Narinig kong tumawa s'ya nang mahina dahil sa reaksyon ko. "Masyado ka namang magugulatin," sabi nya sa akin. Naglakad s'ya papunta sa pinto at hinawakan ang door knob. Tumingin s'ya sa akin at ngumiti. "Goodluck, Mika." Lumabas na ito at nanatiling nakatayo lang ako. Nakatingin ako sa kawalan at iniisip ang mga sinabi n'ya. "What do you mean, Cara?" Mahina kong tanong at lumabas na. Pqgkabalik ko sa classroom ay nakita kong wala na ang mga classmates ko rito. Mukhang nasa gymnasium na silang lahat. Napatingin ako sa white board at nakitang may nakasulat doon na "Go to Gymnasium." Dumiretso na ako sa upuan ko at pinatong dito ang paperbag ko. Nandito ang school uniform ko. Napatingin ako sa upuan sa likod ko at naalala si Loui. Bakit kaya s'ya absent? Naalala ko rin ang mga sinabi n'ya noon sa akin. Na hindi daw dapat ako nag-transfer dito. Sobrang naiinis ako dahil naguguluhan ako. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari at ano ang pinasok ko. Wala akong idea sa mga sinabi ni Loui at sa sinabi ni Cara kanina sa restroom. Pag-iniisip ko ito ay naguguluhan lang ako lalo. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Ang alam ko lang ngayon ay ang hanapin at alamin kung sino ang mga killers dito. Lumabas na ako sa classroom at naglakad na papunta sa gymnasium. Habang naglalakad ay napatingin ako sa mga classrooms na nadadaanan ko. Ang iba sa mga ito ay tahimik at mukhang nakikinig ng maayos. Napahinto ako saglit nang makita si Chase na seryosong nakikinig sa professor at nagsusulat ito sa notebook n'ya. Maaliwalas ang mukha nito ngayon. Lagi kasing galit at masungit ang mukha na nakikita ko sa kan'ya. Sinubukan ko ring hanapin si Earl na kaibigan n'ya pero wala ito. Mukhang magkaiba sila ng section. Nang makitang napatingin sa akin si Chase ay agad akong nag-iwas ng tingin at binilisan na ang paglalakad. Napatingin pa ako sa ibang classroom at nakitang habang nagsusulat ang professor sa white board ay gumagawa ng kalokohan ang mga estudyanteng nakapwesto sa dulo. Napabuntong hininga na lang ako at bumababa na. Alam ko naman na ang daan sa gymnasium. Pangatlong beses ko na pupunta dito. Ang unang punta ko don ay ang tinour ako ni Kael. Ang pangalawa naman ay last week nung nagbasketball at badminton kami dito. Wala nga lang akong ginawa non kung hindi umupo at panoorin ang mga naglalaro dahil kinulang kami sa oras. Nang makalabas na ako sa building ay naalala kong kasama nga pala namin mamaya ang mga Grade 11. Makikita at makakasama ko na naman si Chaz. Pero dahil lalaki s'ya ay sa basketball s'ya. Mabuti na lang at hindi same sport ang lalaruin ng lalaki at babae. Nang nasa harap na ako ng gymnasium ay naririnig ko na ang ingay sa loob. Naririnig ko na rin ang mga hindi pamilyar na boses. Inayos ko saglit ang damit ko at pumasok na sa loob. Natigilan ang iba sa ginagawa nila at napatingin sa akin. Napangiwi naman ako dahil nasa akin ang atensyon ng mga ito. Ito ang pinaka ayaw ko. Maging center of attraction. Bakit ba kasi mag-isa lang ako at ako pa ang nahuli? "Alright, every one!" Napunta ang tingin nila kay professor Quan nang magsalita ito. Naglakad na ako papalapit sa mga classmates ko. Nakatayo malapit sa basketbal ring si Professor Quan. Hindi na ito nakasuot ng uniform n'ya. Nakasuot ito ng itim na pang-basketball. "Para sa mga tapos na maglaro last time, maupo na muna kayo. 'Yung mga hindi pa nakakalaro ang maglalaro ngayon," sabi nito sa amin at pumalakpak. Nagpuntahan naman sa gilid at umupo ang mga nakalaro na last week. Napatingin ako sa natira sa amin at nang makita ko si Chaz sa gilid ay ngumiti ito at kumaway. Hindi ako sumagot dito at binalik ko na lang ang tingin ko kay Professor Quan. "Hahatiin ko ang basketball players into two teams. May win vs win tayo at lose vs lose para malaman natin ang ranks n'yo," sabi ni Professor Quan habang hawak-hawak ang itim na notebook nito. "For the girls, igu-group ko sila dala-dalawa. Kung sino sa inyo ang pinakamataas na rank ay makakakuha ng extra grade this semester." Narinig kong nagbulungan ang mga babaeng classmate ko kasama na rin ang mga classmate ni Chaz. Mukhang competitive sila at gagalingan nila. Hindi naman ako magaling magbadminton dahil hindi ako mahilig sa sports. Naglalaro lang ako nito tuwing wala na akong magawa na iba at pagniyaya ako ni Kross. Hinati na ni Professor Quan ang mga lalaki. Team Blue si Chaz kasama ang mga lalaking classmates n'ya habang si Kael naman at mga classmates namin ay team red. Sinabi na rin ni Professor Quan ang mga magkaka-team sa badminton. Hindi na ako nagtaka nang si Cara ang ka-team ko. Sinabi naman na ni Cara ito sa akin kanina. Tumabi na kami sa mga ka-team namin at umupo na muna kami ni Cara dahil ibang team muna ang maglalaban ngayon. Napatingin ako sa dalawang team sa harapan namin na naglalaban ng badminton. Nakita ko kung gano kabilis ang mga paa at kamay nito. Nakita ko rin kung gano kalakas ang paghataw nila sa shuttlecock. Nakaramdam tuloy ako ng kaba dahil mukhang magagaling ang mga ito. "Let's do our best later, okay?" Sabi ni Cara sa akin na katabi ko. "Yeah," tipid kong sagot sa kan'ya. Bakit si Cara pa ang ka-team ko sa dinami-dami ng babaeng classmate ko? "Sino sa tingin mo mananalo?" Tanong n'ya sa akin habang nanonood kami sa naglalaban sa badminton ngayon. Pinagmasdan ko ang kilos ng mga classmates ko at mabibilis ang mga ito. Tinignan ko rin ang kilos ng grade 11. Mabibilis rin sila at malalakas ang paghataw nila sa shuttlecock kaya naman medyo nahihirapan ito hulihin ng mga classmates ko. "I don't know," tipid kong sagot kay Cara. Sa tingin ko ay ang Grade 11 ang mananalo ngayon. Maganda ang team work nilang dalawa. Nakikita ko sa dalawang classmate ko na medyo nahihirapan sila i-catch up ang laban. "I think Grade 11 ang mananalo," sabi ni Cara sa akin. Hindi ako sumagot at pinanood lang ang laban. Habang tumatagal ay mas bumibilis sila at nagiging intense ang laban. Kita ko na rin na nahihirapan sila at napapagod na dahil sa facial expression nila. "Sht!" Agad na napatingin ang lahat sa classmate namin na si Pauline nang matumba ito sa sahig. Pumito si Professor Quan at lumapit s'ya dito. Napatingin ako sa badminton racket ni Pauline at nakitang malayo ang binagsakan nito. "Are you okay?" Tanong ni Professor Quan dito. Agad na lumapit rin si Kael dito. Tinanggal n'ya ang sapatos na suot ni Pauline at hinawakan ang ankle nito. Napadaing si Pauline dahil sa sakit na nararamdaman n'ya. Napangiwi ako nang makita ang pasa n'ya don. Mukhang masama ang pagkakabagsak n'ya. "Kailangan s'yang dalhin sa school infirmary," sabi ni Professor Quan. "Ako na maghahatid sa kan'ya," alok ni Kael. Tumango si Professor Quan at binuhat na ni Kael si Pauline. Nakatingin ang lahat sa kanila hanggang sa makalabas na sila sa Gymnasium. "Okay, everyone!" Pumalakpak si Professor Quan. "Let's continue the activity." Bumalik naman na ang mga boys sa paglalaro at lumapit sa amin si Professor Quan. Dahil na-injured si Pauline ay susunod na grupo na ang maglalaban. "Kiala and Rosie," tawag nito sa dalawang babaeng grade 11 na katabi lang naman ni Cara. Tumayo ang dalawang babae at nagpunta na sa gitna. Umupo naman na ang mga naglaro kanina at nakita kong umiinom sila ng tubig gawa ng uhaw at pagod. Nang mapatingin si Professor Quan sa akin ay parang napatigil ako sa paghinga dahil sa kaba. Pakiramdam ko ay ayoko pa maglaro. Hindi pa ako nakakapaghanda. Parang lutang at sabog pa ang isip ko. "Vivian and Dafie," tawag ni Professor Quan sa dalawang classmates namin na babae na nakaupo sa likuran namin ni Cara. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil dito. Tumayo na rin ang dalawa at nagpunta sa gitna para lumaban. Nagsimula nang maglaban ang dalawang grupo ng badminton at napatingin ako sa kabilang side kung saan naglalaro ang mga lalaki ng basketball. Nakita ko si Chaz na naglalaro na. Mabilis s'ya tumakbo at mukhang magaling ito sa basketball. "Cara Stones," rinig kong tawag ni Professor Quan kay Cara. Napatingin ako kay Professor Quan nang lumapit ito sa amin. Nakatingin s'ya kay Cara. "Do you know why Loui is absent today?" Tanong nito. "Hindi s'ya nagpaaalam sa akin or sa moderator n'yo." "Sorry, Professor Quan. Hindi ko po alam 'yung reason bakit absent si Loui. Hindi rin po s'ya nagpaalam sa akin o kay Kael," sagot ni Cara dito. "Ganun ba?" Tanong ni Professor Quan at narinig kong napabuntong hininga ito. "Sayang pa naman ang activity na 'to." "He's working sa convenience store," sabi ko kaya naman napatingin silang dalawa sa akin. "I think he's tired from working." "Walang nasabi si Loui na nagpa-part time s'ya," nakakunot noo na sabi ni Cara. "Thank you for the information, Mikaella," sabi sa akin ni Professor Quan at ngumiti. "I'll try to contact him and give him a chance para sa activity na 'to." Hindi na ako nagsalita at tumango lang ako. Tumango lang din s'ya at naglakad na ito papalayo. "How did you know na nagtatrabaho si Loui?" Naguguluhan na tanong ni Cara sa akin. "I saw him when I was buying some goods," agad kong sagot sa kan'ya at pinanood ang mga naglalaro ng basketball. "Ohh," rinig kong sagot n'ya. "Close mo ba si Loui?" "No," tipid kong sagot. Siguro ay iniisip n'yang close ko ito dahil alam ko kung saan nagtatrabaho si Loui. Nagkataon lang naman na malaman at makita ko si Loui. "Alam mo bang walang nakikipagkaibigan kay Loui?" Napatingin ako kay Cara dahil sa sinabi nito. Napakunot rin ang noo ko. "Why?" Tanong ko sa kan'ya. "Because he's a weirdo, a creep, and masyado s'yang distant." Naaalala ko si Loui na nagbabasa ng libro tungkol aa mga murder case. "So what if he's a weirdo?" Tanong ko kay Cara. Dahil lang ba doon ay kaya ayaw makipagkaibigan ng iba sa kan'ya? For me ayos lang maging ganun. Ang gusto kasi ng mga tao ngayon na kaibigan ay masasaya, maiingay at mapepera. " His sister died," kwento sa akin ni Cara. "Hindi nakulong ang pumatay sa kapatid n'ya dahil mapera ito." Agad akong nabuhayan sa narinig ko. "Where's the murderer? Anong pangalan n'ya?" Tanong ko dito. Baka ito na ang clue na hinahanap ko. Baka ang murderer na ito ang isa sa mga killer na nakasuot ng clown masks. "He's already in Spain," sagot ni Cara. "Maayos na nga ang buhay n'ya don eh. May anak na s'ya at trabaho. Sobrang unfair nang pangyayari for Loui." Napasandal na lang ako dahil sa sagot nito. Kung nasa spain at may pamilya na ang pumatay sa sister ni Loui ay iba ito. Hindi ito ang hinahanap ko. "Bakit mukhang disappointed na disappointed ka?" Tanong ni Cara sa akin. "Cara and Mikaella. It's your turn both." Sabay kaming napatingin kay Professor Quan nang tawagin nito ang pangalan namin. Nakita ko ring tapos na ang laban nina Vivian. "Let's go," tawag sa akin ni Cara at tumayo na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD