CHAPTER FORTY THREE

992 Words
Mikaella's P.O.V. "Ngayong gabi na magaganap ang pinakaaantay natin, Vince," malakas na sabi ni Nathan habang nakangiti. Biglang lumakas ang tunog sa baba at ang hiyawan ng mga tao doon. Umabot din sa amin ang ilaw mula doon sa pool kung saan may party. Mukhang saktong area ng pool ang harap nitong rooftop. "Did you enjoy spending time with Stella?" Tanong ni Nathan at pinatayo ang lalaki. Tumayo ito kahit na nanginginig ang kan'yang mga tuhod at binti. Mukhang pagod na ito at walang lakas. Naiyukom ko ang palad ko dahil dito. Gusto kong tumawag ng police pero wala sa akin ang phone ko. May chance rin na mapansin nila kung bababa ako at kung magtagumpay nga ako sa pagbaba ay baka mahuli ang lahat. Baka mapatay na nila ang lalaki. Tinanggal ni Nathan ang itim na tape sa bibig ng lalaki at nakita kong putok ang mga labi nito at may mga dugo. Ngayong wala na itong tape sa bibig ay mas kitang kita ko na ang puro sugat at pasa n'yang mukha. Nakakaawa ang itsura nito. "Answe me, Vince," sabi ni Nathan at napasinghap ako nang makitang maglabas ito ng maliit na kutsilyo. Hindi ito sa kan'ya dahil dito sa resort ang kutsilyo na iyon. Pang tinapay iyon at lahat ng table sa baba ay mayroon non. Sigurado akong dito n'ya ito kinuha kanina. Agad na umiling si Vince habang naluluha na ito. Kitang-kita mo ang takot at pagmamakaawa nito. "Liar!" Sigaw ni Nathan at napakurap ako nang makitang hiwain nito ang pisnge ni Vince. Napatakip ako sa bibig ko at pilit na hinihinaan ang aking paghinga dahil sa pagkabigla ko sa nakita. "Please.. don't kill me," mahinang umiiyak na pagmamakaawa ni Vince. "I didn't seduced Stella. S'ya ang lumapit sa akin. Hindi ko alam na may boyfriend s'ya." "Liar!" Sigaw ulit ni Nathan at hiniwa ang kabilang pisnge nito. Nakita ko ang dugo nito na tumutulo ngayon sa sahig. Napatingin ako sa apat na killers at nakita kong nakatingin ang tatlo kila Nathan, habang ang isa nakasuot ng pula ay nakatingin sa baba. "Hindi ako nagsisinungaling!" Pagtatanggol ni Vince sa sarili n'ya. "Nagsasabi ako ng totoo." "Stella wouldn't do that. You seduced her," madiin at galit na sabi ni Nathan tapos ay hinawakan nito ang leeg ng lalaki at malakas na tinulak sa pader. Narinig ko ang malakas na pagtama ng likod nito sa pader. Naiyukom ko ang palad ko at tinignan ang paligid. Hindi pwedeng wala akong gawin. Tama na ang nasaksihan ko noon sa forest. This time ay kailangan may gawin na ako. Pakiramdam ko ay sasarilihin ko na naman ito at mababaliw na ako. "Nathan," saway ng lalaking nakasuot ng moss green jacket. "What?" Nakakunot noong tanong ni Nathan. "Let's make this quick. May mga kailangan pa kaming gawin," sabi nito kay Nathan. Nakita kong namumula na ang mukha ni Vince dahil nahihirapan na ito huminga gawa ng pagkasakal ni Nathan sa kan'ya. "Fine," sagot ni Nathan at binitawan si Vince. Lumapit ang nakasuot ng violet na jacket at dark blue kay Vince. Hinawakan nila sa magkabilang braso ang lalaki at dinala papunta sa dulo ng rooftop. "A-anong gagawin n'yo?" Kinakabahan na tanong ni Vince. "Sht," mahina kong sabi at ginala ang paningin sa paligid. Mukhang ilalaglag nila si Vince sa mismong birthday ni Vivian at lugar kung saan nagkakasiyahan ang mga bisita n'ya. "Do you know how to fly, Vince?" Tanong ni Nathan at naglakad ito papunta sa harap nito. "Please! Don't kill me. Nagmamakaawa ako. Hinihintay na ako ng Nanay ko at mga kapatid. Ako lang ang inaasahan nilang dalawa," umiiyak na sabi ni Vince dito. Napatingin s'ya sa likuran n'ya at nakita kong napapikit ito dahil sa takot. Nang makita ko ang halaman na nakalagay sa pot ay agad ko itong kinuha. Kailangan kong gumawa ng ingay at makuha ang atensyon nila. Pagginawa ko yon ay maalerto silang may nakakita sa kanila. Hindi ko nga lang alam kung papaano ako makakatakas sa kanila. "It's getting boring here. I'm gonna go," napatingin ako sa nagsalita at nakita kong nakasuot iyon ng pulang jacket. "You're going already?" Tanong ng mga kasamahan n'ya. Hindi s'ya sumagot at naglakad papunta sa hagdan. Agad akong nagtago at sumandal sa pader para hindi n'ya makita. Narinig ko namang mas lumakas ang tugtog sa baba. "Somebody! Help me! Please!" Malakas na sigaw ni Vince pero hindi iyon sapat para marinig ng mga nasa baba dahil sa sobrang lakas ng tugtog doon. Tumawa ang tatlong killer at si Nathan. "Sa tingin mo may nakakarinig sa'yo? Sa tingin mo may tutulong sa'yo?" Natatawang tanong ni Nathan sa kan'ya at tinapat ang bread knife sa dibdib. "Wala, Vince. Wala," madiin na sabi ni Nathan. "Please, Nathan," pagmamakaawa ni Vince sa kan'ya. "Alam kong ikaw ang may kagagawan kaya wala na si Stella. Hindi ko ipagsasabi sa iba iyon. Pakawalan mo lang ako." "You both deserve to die," madiin na sabi ni Nathan at nakita kong naitusok nito ng kaonti ang kutsilyo. Nakita kong dumugo ang dibdib ni Vince at kita kong napapikit ito dahil sa sakit. "You ruined everything. You both ruined me that's why kailangan ny'ong magbayad." Halata ang galit sa boses ni Nathan. Ramdam na ramdam ko ang galit n'ya kay Stella at Vince. Hindi na normal ang pag-iisip ni Nathan. Hindi na normal ang mga ginagawa n'ya. Kailangan n'ya na ring maikulong. Nang makita kong tumango si Nathan sa dalawang killer na nakahawak kay Vince ay na-sense kong bibitawan na nila ito. Mabilis kong kinuha ang pot na may halaman at binato ito papunta sa gilid nila. Nakita kong nabasag ang pot at ang iba rito ay nalaglag papunta sa baba. "Sino 'yan?!" Rinig kong tanong ng nakasuot ng moss green na jacket. "Bitawan n'yo na to!" Sigaw ni Nathan sa dalawa at nang makitang binitawan na nila si Vince ay agad na nanlaki ang mga mata ko. Patakbo akong papunta sa kanila nang biglang may humawak sa braso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD