CHAPTER FORTY TWO

1082 Words
Mikaella's P.O.V. Nakita ko si Nathan na kasama ang dalawang lalaking killer. Nakasuot ulit ang mga ito ng maskara na clown ang disenyo. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig ngayon. Hindi ko magalaw ang aking mga paa at buong katawan. Bumigat din ang aking paghinga dahil sa nakikita ko. Nakaupo sa sahig ang lalaking walang malay. Nakasuot ito ng pang-office na damit at may salamin ito. Nakasandal s'ya sa pader at may mga sugat at pasa ito sa buong katawan. Kulay itim ang buhok nito at parang hindi na s'ya makilala dahil sa sobrang pagbugbog sa mukha n'ya. "Asan na 'yung dalawa?" Rinig kong tanong ni Nathan. "Papunta na," sagot ng killer na nakasuot ng dark blue na jacket. Pinagmasdan ko ng maigi ang dalawang killer. Nakasuot ng pulang jacket ang isa. Nakasuot ang hoodie nila kaya hindi ko makita ang mga buhok nito. Nakasuot rin sila ng itim na gloves kaya kahit balat o kamay nito ay hindi ko makita. "You're more insane than us, Nathan," natatawang sabi ng naka-blue na jacket. "I'm not insane," sagot ni Nathan at niluhod ang isang tuhod sa sahig para makaharap ang lalaking kinidnapped nila. "I just want to revenge." "Saktong sa birthday pa ng president natin dito sa Moonbridge Town?" Tanong nito sa kan'ya. Napatingin ako sa killer na nakasuot ng pulang jacket. Tahimik lang s'ya at nakatingin kila Nathan. Agad naman akong napatingin sa hagdan na inakyatan ko kanina nang makarinig ako ng ingay galing doon. Mabilis akong umupo at sumandal sa pader dahil madilim sa parte ko ngayon. Napalunok ako nang makita ang dalawang killer na nandidito na ngayon. Nakasuot ng moss green na jacket ang isa sa kanila at ang isa naman ay violet. Kita ko rin ang mga clown mask na suot-suot nila. Lahat sila ay nakasuot ang hoodie at gloves. Napapigil ako nang hininga nang makitang papalapit sila. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Samahan mo pa ang malakas na hangin dito at nasa rooftop kami kung saan open space. Sa kabilang side sila dumaan at narinig ko ang usapan nila. "Yow!" Rinig kong sabi ng mga bagong dating. "Bakit ang tagal n'yo?" Tanong ni Nathan sa kanila. Mabilis naman akong sinilip at tinignan sila. "Hindi ba pwedeng i-enjoy muna namin ang party bago maging madugo ang lahat?" Tanong ng nakasuot ng moss green na jacket at tumawa. "Well, mae-enjoy din naman natin ang gagawin natin ngayon," sabi ng nakasuot ng violet na jacket at tinignan ang lalaking walang malay sa sahig. "Hindi pa ba 'yan gising?" "Hindi pa. Ako na gigising sa kan'ya," sabi ni Nathan at may kinuha ito sa bulsa n'ya. Gloves ito at sinuot n'ya ito sa dalawang kamay. Humarap s'ya sa lalaki at niluhod ang isang tuhod. Hinawakan n'ya ang baba ng lalaki at tinaas ang kamay. "Paabot ng water ko," utos nito. Inabot sa kan'ya ng lalaking nakasuot ng red na jacket ang isang tumbler. Kinuha iyon ni Nathan at binuksan. Malakas n'yang tinapon ito sa mukha ng lalaki. Agad na nagising ang lalaki at napasigaw pero may itim na tape ito sa bibig. Nakita ko ang takot sa mga mata n'ya nang makita si Nathan na nakangiti at ang apat na killers na nakatayo sa likod ni Nathan. Pilit itong sumigaw at sinubukang kumawala pero masyadong mahigpit ang pagkakatali sa kamay at paa n'ya. "Ngayong gabi na magaganap ang pinakaaantay natin, Vince," sabi ni Nathan habang nakangiti. Mike Anderson's P.O.V. "What do you think about this one?" Napatingin ako kay Shiela nang ipakita n'ya sa akin ang koi fish na keychain. Nandito kami ngayon sa isang park. Maraming food stall at store dito. Gabi na rin at maraming ilaw. Mukhang magugustuhan ni Mika dito. "That's cute," komento ko dito. "Let's buy three then!" Sabi nito at kumuha ng tatlo. Napakunot naman ang noo ko dahil tatlo ang kinuha n'ya. "Para sa kapatid mo itong isa. Nakwento mo kasi sa akin na may alagang koi fish ang mom n'yo and namimiss nyo na sila. Maybe this keychain could help the both of you," sabi nito at naglakad papunta sa babae sa loob para bayaran ito. Naglakad naman ako sumusunod lang sa kan'ya. Napatingin ako sa paligid at nakita ang napakaraming keychain, teddy bear at kung ano-ano pang toys. "Thank you, Miss," rinig kong sabi ni Shiela sa babae at kinuha ang brown na paper bag tapos ay lumapit sa akin. "How much? I'll pay for mine and Mika," sabi ko dito at kukuhain sana ang wallet nang umiling si Shiela. "It's fine. Mura lang naman 'to. Small gift ko na ito sa inyo," sabi nito at inabot sa akin ang brown paper bag. Tinaas n'ya ang sling bag n'ya at nakita kong nakasabit dito ang koi fish keychain. Napangiti naman ako dahil sa reaksyon nitong parang bata. "Thank you, Shiela," sabi ko dito at naglakad na kami papalabas ng store. Habang naglalakad ay napatingin ako sa mga puno at halaman na maraming ilaw. May mga estudyante at pamilya rin ang naglalakad at gumagala dito ngayon. "Hey!" Tawag sa akin ni Shiela at huminto sa harap ng isang shop. Tinignan ko kung ano iyon at nakitang isa itong ice cream shop. "Let's grab some ice cream bago umuwi," sabi nito at hinila ako papasok sa loob. Napatingin naman ako sa relo ko dahil inaalala ko ang oras na susunduin ko s'ya. Nakita kong may one hour and thirty three minutes pa. "Ako na mag-oorder," sabi ko kay Shiela at huminto kami sa isang table sa bandang gitna. "It's my treat para fair na tayo." Tinaas ko ang brown paper bag at winagayway ito. Napailing lang namam s'ya at tumawa. Umupo na s'ya at tumango. Naglakad naman na ako papunta sa counter at sinabi ang flavors na order ko. Wala naman sinabi si Shiela na gusto n'yang flavor kaya ako na lang ang bahala dito. Pagkatapos gawin ng babae ang orders ko ay nilagay na n'ya ito sa tray. Tapos na rin ako magbayad sa kan'ya kaya binuhat ko na ang tray at naglakad papunta kay Shiela. Nakita ko namang tahimik lang s'yang nakaupo at pinagmamasdan ang koi keychain sa sling bag n'ya na nakapatong sa lamesa ngayon. Nang makalapit ako sa table namin ay nilapag ko ang tray at agad s'yang napatingin sa akin. "Na-try mo na ba tong ice cream flavor?" Tanong ko at inabot dito ang ice cream. "What flavor is this?" Tanong n'ya sa akin. "Chocolate mint," sagot ko dito at umupo. "Taste it. I promise you, masarap to."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD