CHAPTER FORTY FOUR

1027 Words
Mikaella's P.O.V. Mabilis n'ya akong isinandal sa pader. Tinakpan n'ya ang aking bibig ng madiin gamit ang kamay n'ya. Hindi ko gaano makita ang mukha nito dahil madilim sa parte kung nasaan kami. Sunod kong narinig ay ang malakas na tilian at sigawan ng mga babae at lalaki na bisita sa 18th birthday party ni Vivian. Parang nanghina ako nang ma-realize kong nilaglag na ang lalaki. Hindi ko man lang s'ya nagawang tulungan. Tuloy parin ang malakas na tunog at kasabay noon ang sigawan sa ibaba. Nakit ko ring kumakalat ang ilaw sa ibaba kung saan-saan at nakakaabot ito sa rooftop. Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon. "Why are you here?" Gulat kong tanong nang makita kung sino ito. Nawala ulit ang ilaw sa kan'yang mukha pero kilala ko na kung sino ito. Bakit s'ya nandidito? Alam n'ya rin ba ang pinaplano nila Nathan at ng ibang killers? "We need to run, Mikaella. Papunta na sila sa atin. We will not survive kung may dala silang baril," seryosong sabi ni Chase at hinawakan ang wrist ko. "You didn't answer me, Chase," matigas kong sabi dito. "We don't have time!" Agad na sagot nito. Mabilis kaming napatingin sa gilid namin at nakitang nakatayo roon ang tatlong killers. May hawak silang mga baseball bat at nakatingin lang sa amin ni Chase. Tumabingi pa ang ulo ng isa sa kanilang nakasuot ng moss green na jacket. "You again?" Tanong nito at tinuro ako. Napakagat ako sa labi ko at napalunok. Pakiramdam ko ay nakadikit ang mga paa ko sa sahig. Hindi ko magawang igalaw ang mga ito. Parang ang bigat nila. Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ni Chase sa wrist ko habang nakatingin s'ya sa tatlong killers. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko at pakiramdam ko ay sasabog na ito. Kailangan kong kalmahin ang sarili ko. Hindi ito makakatulong sa amin ni Chase ngayon. Napaatras kami ni Chase nang makitang ipatong ng killer ang baseball bat sa batok nito at humakbang papunta sa akin. Kahit sobrang lakas ng tugtog sa baba ay parang hindi ko na iyon marinig. Tanging t***k ng puso ko lang ang naririnig ko. "I'm right. It's you," sabi nito at tumawa nang makilala ako. "I called the police," rinig kong sabi ni Chase at tumayo ito sa harapan ko. "We don't care, Mr. Javier," sagot nito at tumingin sa akin. "You know me and Chase," mahina kong sabi habang nakatingin lang sa kan'ya. "Of course we know you, Ms. Mikaella Evergreen," sagot nito. Agad kong naiyukom ang palad ko. Nagsimula ko na ring maramdaman ang galit sa kanila. Mas pumaibabaw na ito ngayon kaysa sa takot at kaba. "I'm right. Kayo ang pumatay kila Mommy and Daddy!" Galit kong sigaw. Agad na lumapit ang dalawang killer dito at tumabi. "We know you because you're the one we are looking for in the forest, that one night." Sagot ng naka-dark blue na jacket. Napatingin ako dito at parang pamilyar ito. Nakakainis dahil hindi ko makilala ang mga boses nila. May mga tela na nakatakip sa mga bibig nila sa loob. Nang maramdaman kong may nakatayo sa likuran ko ay agad akong napalingon dito. Nanlaki ang mata ko nang makitang nandito si Nathan at nakataas ang hawak nitong bread knife. "You shouldn't have come here, Mika," sabi nito. Narinig kong sumigaw ito at isasaksak sa akin ang bread knife. Narinig kong umatake na rin ang tatlong killer kay Chase. Mabilis kong hinawakan ang kamay ni Nathan kung saan hawak n'ya ang bread knife. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa wrist n'ya at napakagat ako sa labi ko dahil sa sobrang lakas nito. Nahihirapan akong pigilan s'ya pero hindi ako pwedeng sumuko dahil buhay ko ang kapalit nito ngayon. Tinignan ko si Chase at nakita kong pinagtutulungan s'ya nang tatlong killers. Kailangan kong bilisan. Kailangan kong tulungan si Chase. Hindi n'ya kaya ang mga iyon ng mag-isa. "Pagbabayaran mo mga ginawa mo, Nathan," sabi ko dito habang pinipigilan sa pagsaksak sa akin gamit ang bread knife. "You're wrong Mika," sabi nito at nang mapalingon ako sa gilid ko ay nakita kong nandito ang nakasuot ng dark blue na jacket. Ihahampas na sana nito sa akin ang baseball bat pero agad s'yang nasipa ni Chase ng malakas at tumama ang likod nito sa matigas na pader. Binalik ko ang tingin kay Nathan at malakas s'yang sinipa sa tuhod. Napaupo s'ya at napahawak sa tuhod kaya naman nabitawan nito ang bread knife. Agad ko naman iyong sinipa papalayo. Tinignan ko si Chase at nakita kong sinasangga nito ang pag-atake ng dalawa sa kan'ya. Mabilis ko namang naramdamang may nakatayo sa likuran ko kaya napalingon ako dito. Pagkatingin ko sa kan'ya ay agad na nanlaki ang mata ko nang hawakan ako nito sa leeg at itaas. Nakatayo agad ito ng mabilis kahit malakas ang pagkakatama n'ya sa pader. Mabilis kong hinawakan ang kamay n'ya at pilit na inaalis ang pagkakasakal n'ya. Nahihirapan na ako makahinga. Pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng malay. "Chase--" nahihirapan kong tawag sa kan'ya at tinignan s'ya. Nakita kong napahiga s'ya nang mahampas s'ya ng baseball bat sa likuran. Hinarang n'ya ang forearm at braso sa mukha dahil tinitira ito ng mga killers. Napatingin s'ya sa akin saglit at nakita ko ang sakit na nararamdaman n'ya sa mga mata n'ya. Nagpumilit s'yang tumayo pero nasipa s'ya ng isa sa mga killers sa tyan kaya napasuka ito ng dugo sa sahig. "Bakit nagpunta ka pa rito?" Tanong ng lalaking nakatayo sa harap ko. Tinignan ko ito pero nanlalabo na ang paningin ko. Naluluha na rin ako. Pakiramdam ko ay namumula na ang aking mukha at ibang parte ng katawan dahil ilang minuto na ako nawawalan ng hininga. Unti-unti na akong tumigil sa pagwawala dahil wala na akong lakas. Nakatingin na lang ako ngayon sa lalaking papatay sa akin. Nakatingin ako sa maskara nito at pumatak ang luha ko nang maalala ko kung paano nila pinaslang sila mommy. "Hindi ba pwedeng matahimik ka na lang, Mika?" Tanong nito sa akin nang maipikit ko na nang tuluyan ang mga mata ko. Narinig kong namatay ang tugtugan sa baba at napalitan iyon ng tunog ng mga kotse ng police.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD