CHAPTER FORTY FIVE

1083 Words
Tumahimik ang buong resort dahil sa nangyari. May mga napaupo sa sahig, gulat na gulat at hindi makagalaw dahil sa nasaksihan nila. Lahat sila ay nakatingin sa katawan ni Vince na nalaglag mula sa itaas at ngayon ay balibali na ito at nagdudugo ang ulo. "Tumawag kayo ng police!" Agad na sabi ni Vico na tatay ni Vivian. Mabilis s'yang lumapit kay Vivian na nakatayo lang at gulat na gulat sa nakita. Tumawag naman agad ang mga tauhan n'ya ng pulis. Napabuntong hininga ito dahil siguradong magiging balita ito sa maliit nilang town kinabukasan. "Vivian," tawag nito kay Vivian at hinawakan ang anak sa magkabilang braso. Napatingin sa kan'ya si Vivian at umiiyak ito. "Daddy.. what happened? My birthday was ruined," mahina nitong tanong. "And there's a dead body here." "Kiko!" Tawag ni Vico sa isa sa mga tauhan n'ya at mabilis itong lumapit sa kan'ya. "Iuwi n'yo na si Vivian." Utos nito. "Masusunod po," agad na sagot ni Kiko qt tumango. "Daddy," tawag ni Vivian kay Vico. "Go home for now, my daughter. I will find out who did this," seryosong sabi nito sa anak. Lumapit na si Kiko kay Vivian pati na rin ang iba pa n'yang tauhan at inalalayan si Vivian papalabas ng resort at inuwi. Agad naman nang dumating ang pulis. Mabilis silang nagpunta sa pool area kung saan nahulog si Vince. "Anong nangyari dito?" Nakakunot noong tanong mga pulis. Napatingin sila sa bangkay ni Vince at lumapit ang iba rito para imbestigahan ang katawan nito. Lumapit ang chief kay Vico. "Walang aalis!" Sigaw ng mga pulis dahil kailangan nilang makausap ang lahat ng bisita ni Vivian dahil sila ang mga witness sa krimen na nangyari. "Nasaan ang anak mo?" Tanong ni Andrei na chief ng mga police. "Pinauwi ko na muna s'ya. You can interview or talk to her tomorrow. Masyado s'yang na-shock sa nangyari. Her 18th birthday party was ruined," sagot ni Vico rito. Tumango naman si Andrei at tinawag ang mga tauhan nito. Napatingin sila sa itaas kung saan posibleng nalaglag si Vince. Hindi pa nila ito nakikilala dahil naliligo ang mukha nito sa dugo at bugbog sarado ang mukha nito. "Some of my men will stay here and interview the people here," sabi ni Andrei at tumango naman si Vico. "Isasama ko ang tatlong tauhan ko sa itaas," seryoso pa nitong sabi at binalik ang tingin sa rooftop. "P'wedeng suicide ito at puwede ring hindi." Tinawag na ni Andrei ang mga isasama n'ya papasok sa loob ng building. Ang iba naman ay pinipicture-an ang katawan ni Vince at iniimbestigahan parin ito. Kailangan nila malaman kung may iba pa ditong nangyari bukod sa pagkalaglag. Umahon naman sa pool ang mga bisita at kan'ya kan'ya silang nagbalot sa robe. Ang iba sa kanila ay naiinip na dahil gusto na nila umuwi at party lang ang habol ng mga ito, habang ang iba ay hindi parin napo-process sa kanilang utak ang nangyayari at gulat na gulat parin sila. "Lahat ng nasa pool, dito pumila," sabi ng babaeng police at tumayo sa harap. Pinapila n'ya ang mga basa at galing sa pool. Ang mga nagsasayaw lang at nag-iinom ay sa kabilang pila. Nasa 60 na katao ang nandidito sa labas habang nasa loob ang iba. May mga police rin ang kumakausap ngayon sa mga tao sa loob ng building. Nangunguna sa pila si Cara dahil inuna ang mga babae habang nasa dulo ng pila naman sina Kael at Chaz. Sinimulan silang kausapin ng mga police at sinabi lang nila ang kanilang nasaksihan. Papunta na sa rooftop sila Andrei kasama ang mga tauhan nito. Chineck nila ang bawat kwarto ng floors na nadaanan nila para masigurado ang lugar. Ni-rent ni Vico ang buong resort dito kaya walang tao dapat dito. Ilang minuto na rin sila naggagala dito hanggang sa makapunta sila sa hagdan na bakal paakyat sa rooftop. Naka-lock ang pinto ng hagdan talaga papunta sa rooftop dahil hindi pa iyon tapos at hindi pa puwedeng puntahan ng mga tao. Umakyat si Andrei kasama ang mga tauhan n'ya rito. Pagkaakyat n'ya ay tahimik lang rito at madilim. Masyadong malakas ang hangin kaya naman muntikan nang liparin ang mga sumbrero nila. Mabilis nila itong nahawakan at maingat na naglakad. "Sir! May nakita ako don!" Sigaw ng isang lalaki at tinapat ang flashlight nito sa bandang pader na hindi pa tapos. Mabilis silang naglakad papunta dito nang makita ang tatlong katawan ng tao ang nakahiga sa sahig. Si Mika, Chase at si Nathan. Mga walang malay ito. "Hanapin n'yo sino ang may gawa nito sa kanila!" Utos ni Andrei at agad na lumapit sa tatlo. Nilapitan n'ya si Mika at nakita n'yang namumula ito at may pasa sa leeg. Mabilis n'yang tinignan ang pulso nito at mahina ito. Nagtawag ito ng back up para ipakuha si Mika at dalhin sa hospital. Sunod n'yang nilapitan ay si Chase na maraming pasa at sugat sa mukha. Napansin n'yang pinagtulungan ito. At ang huli n'yang pinuntahan ay si Nathan na wala ring malay. Pinagmasdan n'ya ito at medyo maayos ang itsura nito compared sa dalawa. Napatingin s'ya sa kamay nito at nakitang nakasuot s'ya ng gloves. Agad na sumigaw ang isa sa mga lalaki n'ya kaya naman napatayo s'ya at hinanap ito. Nakita n'ya ang isa n'yang tauhan na nakahiga sa sahig at may saksak sa dibdib. "Noriell!" Malakas na sigaw nito at napatingin s'ya sa lalaking nakatayo sa dulo. Natigilan s'ya nang makitang nakasuot ito ng clown mask. Pasimple n'yang kinuha ang baril n'ya pero nagulat s'ya nang ibato ng killer ang kustiyo nito malapit sa kamay n'ya kaya naman agad s'yang umiwas. Pagkabalik n'ya ng tingin sa killer ay tumalon ito. Mabilis s'yang tumakbo papunta doon. Nakita n'yang nakahawak sa pipe sa gilid ng building ang lalaking killer at pababa ito ngayon. Agad n'yang kinuha ang two way radio o walky talky at tinapat sa bibig. "I found the killer. He's alone. He's wearing a clown mask and dark blue jacket. Pababa s'ya ngayon," sabi nito. "I repeat, I found the killer. He's alone. He's wearing a clown mask and dark blue jacket. Pababa s'ya ngayon." Pagtapos n'yang sabihin ito ay napatingin s'ya sa dalawa n'ya pang kasama na kakarating lang at nagulat sa nangyari. "Sir Andrei! Nandito na kami!" Napalingon s'ya sa mga bagong dating at may dala na ang mga ito na Stretchers o kama para kila Mika. Galing rin sila sa hagdan mismo ng rooftop. Hiningi ng mga ito ang access sa buong buiding para mapadali ang pagiimbesitaga nila dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD