CHAPTER FORTY SIX

1085 Words
Mikaella's P.O.V. Naalimpungatan ako nang may marinig akong ingay. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang puting kisame. Tinignan ko kung sino ang gumagalaw sa gilid ko at nakita ko si kuya. "Gising kana pala, Mika," sabi nito sa akin at agad na inabutan ako ng lugaw. Ginala ko ang paningin ko at nakitang nasa isang hospital room ako. Napakunot ang noo ko at napatingin sa lugaw. Anong ginagawa ko rito? "Huwag kana muna pumasok ngayon. Excused kana pati ang dalawang lalaki na kasama mo dahil sa nangyari kagabi," sabi nito at umupo. Ngayon lang nag-sink in sa utak ko kung bakit ako nandidito. Agad kong binalik kay kuya ang lugaw at nakita kong napakunot ang noo nito. "Kailangan mong kumain," sabi nito sa akin. "No," sagot ko at umupo. "Where's Chase and Nathan?" Tanong ko rito at sinubukan kong hanapin ang phone ko pero wala ito dito. "Nakita mo ba 'yung bag and phone ko?" Tanong ko kay Kuya. "Mika, isa isa lang," utos sa akin ni kuya at nilapag ang lugaw sa lamesa tapos ay tumayo. "Hindi ako puwedeng kumalma ngayon!" Sabi ko rito at tumayo. "Mika!" Saway sa akin ni kuya. "What's happening to you?" Napatingin ako sa kan'ya at nakita ko na naman ang mukha n'ya na parang hinuhusgahan ako na nababaliw ako. Napatigil ako saglit at naiyukom ko ang palad ko. "Babalik rin ako agad," sabi ko sa kan'ya at mabilis na lumabas ng hospital room ko. Pagkalabas ko sa hallway ay walang katao-tao rito. Nasa loob ng mga kwarto nila ang mga pasyente. Puting puti rin rito at may mga halaman. Mabilis akong nagpunta sa front desk. Nakita ko ang nagbabantay dito na napatayo nang makita ako. Mukhang naguguluhan ito dahil wala ako ngayon sa kwarto ko at nakasuot pa ako ng hospital gown. "Nasaang room si Chase Javier?" Tanong ko sa kan'ya. "Miss," tawag nito sa akin. "Okay ka lang po ba?" "I'm fine," madiin kong sagot rito at tinignan s'ya nang seryoso. "I'm asking you. Saang room si Chase Javier at Nathan na kasama ko ma-admit dito?" "Sa 2nd floor po silang dalawa. Room 25 si Mr. Chase Javier habang room 36 si Mr. Nathan," sagot nito at lalapit sana sa akin pero agad na akong nagtungo sa elevator. "Miss!" Rinig kong tawag nito sa akin pero hindi ko s'ya pinansin at pumasok na ako sa elevator. Bago pa s'ya makahabol ay sumara na ito at umakyat. Kailangan kong puntahan muna si Chase. Hindi ko p'wedeng puntahan mag-isa si Nathan ngayon lalo na't alam ko na ang tunay nitong pagkatao. Kailangan ko ng katulong at si Chase lang ang makakatulong sa akin ngayon. Pagkabukas ng elevator ay agad na akong lumabas. Nakita ko ang mga iilang pasyente rito na nakaupo sa wheel chairs nila, habang ang iba ay naglalakad-lakad. Mabilis akong nagtungo sa mga hospital rooms at tinignan ang mga numbers nito. Kailangan kong mahanap ang room 25 dahil nandoon si Chase. Nang makita kong pang 20 na ang room sa harap ko ay mas binilisan ko na ang paglalakad. Nakatingin lang ako sa mga rooms nang biglang may bumamgga sa akin. Napatingin ako sa napahiga sa sahig. Isa itong babae na may medyo edad na. Agad akong lumuhod at nag-alok na tulungan s'ya pero tinabig nito ang kamay ko. Napakunot ang noo ko dahil sa ginawa n'ya. Tumingin ito sa akin ng masama. Halos kulay puti na ang mga buhok n'ya at itim ang mga mata nito. Mas matangkad ako sa kanya ng kaonti. Nakasuot rin s'ya ng hospital gown. "Sorry po. Let me help you," paghingi ng tawad ko rito at nilahad ulit ang kamay para tulungan s'ya pero tumayo lang ito mag-isa. Tumayo na rin ako at tinignan s'ya. Tahimik lang s'ya at nakatingin sa akin ng seryoso. "You need to be careful, Hija," sabi nito at naglakad na. Nilingon ko s'ya at gusto ko sanang tanungin kung ano ang ibigsabihin n'ya rito pero naalala ko si Chase at Nathan. Mas may importante akong kailangang gawin ngayon. Agad na akong nagtungo sa room 25. Hinawakan ko ang door knob nito at pagbukas ko ng pinto ay nakita kong nakatayo si Chase at nakatingin sa phone n'ya. Nang mapansin n'ya ako rito at narinig ang tunog ng pinto ay napatingin s'ya sa akin. "Mika?" Kunot-noo nitong tanong sa akin. Agad akong pumasok sa loob. "Nathan is here in the hospital with us," seryoso kong sabi sa kan'ya. "You need to call the police, Chase." "Sht," rinig kong mahinang sabi nito at kinuha ang phone. "Kailangan nating puntahan agad si Nathan. Baka tumakas s'ya," hindi mapakali kong sabi. Binababa na ni Chase ang phone n'ya at sa tingin ko ay tapos na n'ya ipaalam sa police ang mga nalalaman namin. Tumingin s'ya sa akin at tumango. "Let's go," sabi nito at naunang maglakad. Agar naman akong sumunod sa kan'ya. "He's in room 36." Tinignan ko ang mga kwartong nadadaanan namin at nakita ko ang room 30. Ibigsabihin ay malapit na kami rito. Agad akong huminga ng malalim at pinatiling kalmado ang sarili. Hindi dapat makatakas si Nathan sa mga kasalanan n'ya. Alam kong patay na ang lalaki kagabi na hinulog nila. S'ya rin ang nagpapatay kay Stella na ex-girlfriend n'ya. Hindi na normal ang pag-iisip n'ya. "Nandito na tayo," mahinang sabi ni Chase at huminto sa tapat ng isang pinto. Huminto na rin ako at tinignan ang nakasulat na number sa gitna ng pinto. "Room 36," mahina kong basa rito. Nakita kong hinawakan na ni Chase ang doorknob. Habang binubuksan n'ya ito ay agad kong naalala ang paghila n'ya sa akin kagabi. Napatingin ako sa kan'ya ng seryoso at pinagmasdan ko ang buong katawan nito. Kakaalis lang ng killer na nakasuot ng pulang jacket ng gabing iyon at matapos ang ilang minuto ay nagpakita si Chase. Bigla ko ring naalala ang pangyayari sa Willton's Academy kung saan napakinggan ko ang pag-uusap ng mga killers at ni Nathan. Ang isa sa kanila ay hindi ako pinatay. Niligtas ako nito. Pero bakit? Bakit n'ya 'yon ginawa? "Mika," rinig kong tawag sa akin ni Chase kaya naman mabilis akong nabalik sa sarili ko. Napatingin ako sa pintong binuksan n'ya. Tahimik sa loob at hindi ko alam kung gising na ba si Nathan. Naunang pumasok si Chase at agad akong sumunod rito. Nakatingin lang ako sa likod n'ya at naramdaman ko na naman ang mabilis at malakas na kabog ng aking puso. Coincidence lang ba iyon? O hindi kaya isa si Chase sa mga killers?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD