CHAPTER FIFTY TWO

1213 Words
Mikaella's P.O.V. "I got your favourite Hazelnut frappé!" Masayang sabi ni Kross at nilapag ang binili n'yang drinks sa lamesa namin. Kakatapos lang namin mag-arcade sa pinuntahan namin noon ni Chaz at ngayon ay nandito kami sa coffee shop malapit lang din doon. Umupo si Kross sa harap ko at inalis nito ang tray sa drinks namin. Kinuha naman iyon ng isang waiter. "Pauwi na ba kuya mo?" Tanong nito sa akin matapos uminom ng hot coffee n'ya. Tinignan ko ang oras sa phone ko at nakitang 6:30 P.M. pa lang. 8 pa ang uwi ni kuya at hindi ko alam kung mag-oovertime pa ba s'ya dahil late na rin s'ya nakapasok kanina. "Nope," sagot ko kay Kross. "Usually ay 8 P.M. ang uwi n'ya. Lagi rin s'yang nag-oovertime." Tinikman ko ang hazelnut frappé na pinabili ko at tulad ng dati ay masarap parin ito pero mas masarap parin talaga ang gawa ni Mommy. "Ohh, so.." huminto saglit si Kross at ngumiti. "We still have a plenty of time." "Anong gagawin natin?" Tanong ko sa kan'ya. "Up to you. We can go sa cinema and watch movie if you want," suggest nito at humiwa ng glazed doughnut na binili n'ya. "How come na alam mo na mga lugar dito sa Moonbridge?" Nakakunot noo kong tanong dito habang sumisipsip sa hazelnut frappé. Sa pagkakaaalam ko ay hindi naman palagi nagpupunta si Kross dito. Malayo ito sa bahay n'ya. "What do you expect, Mika?" Nakasimangot nitong tanong. "Of course nag-research din muna ako before going here. I know you're going through a hard time and that's why I'm here to make you feel okay, to make you feel better. I want everything to be perfect especially ngayon na parang wala ka sa sarili at hindi nag-eenjoy." Napakagat ako sa labi ko at nilapag ang iniinom ko. Tinignan ko si Kross at seryoso lang ang mukha nito habang nakatingin sa akin. Simula pa lang bata kami ay palagi na s'yang nasa tabi ko. Palagi n'ya akong sinasamahan tuwing malungkot ako. Alam n'yang pagniyaya n'ya ako ay wala akong maisasagot dahil blanko ang isip ko at s'ya lang ang nakakalam ng mga gusto kong gawin. Magsasalita sana ako nang mapatingin s'ya sa phone n'ya nang tumunog ito. Tinignan n'ya kung sino ang nag-message at tumingin ito sa akin. "It's your brother. Kinakamusta n'ya lang tayo," sabi nito at kinuha ang phone n'ya sa lamesa para mag-reply kay kuya. "You're blessed to have a brother like him, Mika." Napayuko na lang ako at mabilis na ininom ang frappé ko. "Yeah," mahina kong sagot dito. ××× "I bought our all time favourite popcorn!" Sabi ni Kross nang makalapit na ito sa akin habang bitbit ang dalawang medium sized ng popcorn. "I bought two soda and potato chips," sabi ko rito at winagayway ang paper bag na naglalaman ng mga binili kong pagkain. "Wow, alright! Let's go inside na," yaya nito sa akin at pinauna akong pumasok sa loob ng sinehan. Nakabili na kami ng ticket kaya naman pinakita na lang namin ito sa nagbabantay at pinapasok din naman kami nito agad. Pagkapasok ko sa loob ay agad kong naramdaman ang lamig dito sa loob. Madilim din dito at tahimik. Mukhang hindi pa nagsisimula ang movie. "Anong movie pala pinili mo?" Tanong ko kay Kross. "Of course, horror and thriller. Favorite mo 'yon, di'ba?" Sabi nito sa akin at tumingin sa harap ko. Napatingin naman ako kung nasaan na kami at nakita ko na ang malaking screen. May mga upuan na rin dito kaya naman pumwesto na kami ni Kross. Sa taas kami at gitnang banda para kitang kita namin ang palabas. Napatingin ako sa mga tao sa paligid namin. Hindi ko sila gaano makita dahil madilim. Marami rami naman kami dito pero bilang lang rin. Napatingin naman kami ni Kross sa malaking screen nang bumukaa iyon. Nagsimula nang mag-play ang mga commercial ng mga upcoming at bagong movies. Siguro ay limang minuto pa ito bago matapos. "Here's your popcorn, Ms. Mikaella Evergreen," sabi sa akin ni Kross sa tabi at inabot ang popcorn. Tinignan ko naman ito ng nakasimangot. "Naboboring kana ba agad?" Tanong ko dito at kinuha naman ang popcorn dahil gusto ko nang kumain kahit hindi pa nagsisimula ang palabas. "Uhmn, no. Gusto lang kita inisin." sagot nito sa akin at hindi na lang ako sumagot. Inabot ko naman sa kan'ya ang soda n'ya. Isang malaking balot na ng potato chips ang binili ko para hati na kami rito. Paborito rin namin ang isang ito lalo ng bata pa lang kami. Napabalik naman ang tingin ko sa screen nang magsimula nang mag-play ang palabas. Terror City ang pamagat nito. May isang babaeng naglalakad sa madilim na street at mukhang pauwi na s'ya. "Alam ko na kung anong mangyayari sa kan'ya," sabi ko kay Kross at tumawa lang ito. "Ang obvious naman ng pinili mong movie," umiiling kong sabi rito. "Just watch," saway nito sa akin. Binalik ko na ang atensyon ko sa screen at nakitang may mga sumusunod sa babae. Napakunot ang noo ko nang makitang dalawang lalaki iyon na nakasuot ng itim na plain na mask. May hawak na axe ang isa kanila habang ang isa ay bari. Napansin sila ng babae kaya naman agad itong natakot at binilisan ang lakad hanggang sa mapatakbo na s'ya at ang mga sumusunod sa kan'ya. Bigla akong nakarinig ng putok ng baril at natulala ako nang makitang may tama s'ya sa likod. Napabagsak ito sa sahig at naabutan s'ya nang dalawang lalaking killer. Agad akong napahawak sa suot na jacket ni Kross. Tinignan ko s'ya at tahimik lang s'yang nanonood. Mas naramdaman ko ang lamig dito sa loob at nang marinig ko ang sigaw ng babae ay kinalibutan ako. Napatingin ako sa screen at nakitang umiiyak iyon habang nagmamakaawa na pakawalan s'ya. Nagulat ako sa nakita nang barilin s'ya sa ulo at hindi pa tapos ang dalawang killer. Tinaga ng isa ang leeg nito at nakita ko ang dugo. Nanigas ako dahil sa nakita ko at parang kakapusin sa hininga. Mas lalong napadiin ang hawak ko sa jacket ni Kross. "Mika?" Rinig kong tanong ni Kross. "Are you okay?" Napatingin ako sa kan'ya at hinawakan n'ya ang kamay ko na nakahawak sa jacket n'ya. "Kross, I'm scared," mahina kong sabi dito at tumayo. "Where are you going?" Tanong n'ya at tumayo rin. "Kailangan kong mag-restroom. Babalik din ako agad," sabi ko sa kan'ya. Napansin kong may mga tao sa likuran namin kaya naman hindi ko na inintay ang sagot ni Kross at mabilis na akong naglakad papunta sa restroom. Pagkapasok na pagkapasok ko rito ay dumiretso ako sa bathroom sink at binuksan ang gripo. Napaatras ako nang makitang kulay dugo ang lumalabas rito. "Mika, calm down," mahina kong sabi sa sarili. Pumikit ako saglit at huminga ng malalim. Nararamdaman ko ang mabilis na t***k ng puso ko at ang panlalamig ng buong katawan ko. Kailangan kong kalmahin ang sarili ko. Pagkadilat ko ay tinignan ko ulit ang tubig at nakitang hindi na kulay dugo ito. Dahan-dahan akong lumapit dito at nilagay ang kamay rito. Naramdaman ko ang malamig na tubig nito. Naghilamos ako at tinignan ang sarili sa salamin. Sa ngayon ay hindi ko na muna kaya manood ng mga palabas na laging pinapanood namin ni Kross.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD