CHAPTER SEVENTY THREE

997 Words
Mikaella's P.O.V. "Mikaa!" Naalimpungatan ako nang marinig kong may tumatawag sa pangalan ko. Napadilat ako at nakita si Kross na nakatayo sa gilid ng kama ko habang may suot na apron. Napakunot ang noo ko at kinusot ang mata pero pagtingin ko ulit sa kan'ya ay nandito ito at nakasimangot. "Kross!" Tawag ko rito at mabilis na umupo sa kama tapos ay kinapa kung may laway ba ako sa gilid ng labi ko o muta sa mata. "Don't worry, kahit tulo laway ka at maraming muta, you're still my friend and you're beautiful," sabi nito. "Nagluto na ako ng pagkain natin. Bumaba kana, okay?" Hindi ako nagsalita at tumango lang. Tinignan ko s'ya hanggang sa makalabas na ito ng kwarto ko. Nang masara n'ya ang pinto ay napahiga ako ulit niyakap ng unan sa gilid ko. Napatingin ako sa kisame at hindi napigilang ngumiti. Kahit na bagong gising ay sinabihan parin n'ya akong maganda. Tinignan ko ang phone ko sa side table ko at nakitang may message sa akin si kuya. Nag-good morning lang ito at kinakamusta ako. Nag-reply lang ako dito saglit tapos ay umupo na sa kama. Bumangon na rin ako at binuksan ang bintana para pumasok ang hangin at kaonting sinag ng araw. Nakita ko ang mga ibon na nasa gilid ng bintana ko. "Good morning, mga birds," nakangiti kong bati sa kanila at dumiretso na sa bathroom para mag-ayos. Pagharap ko sa salamin ay napatigil ako at mas nilapit ang mukha dito. Mas lalong napakunot ang noo ko nang makitang may mga itim na tuldok sa mukha ko gawa ng itim na marker. "Kross!!" Malakas kong sigaw sa bathroom. ××× "Bakit ka naman nakasimangot?" Tanong ni Kross habang kumakain na kami ng niluto n'yang mga pagkain. Tinignan ko s'ya nang masama. Late na kami nakatulog kagabi dahil sa movie marathon at food trip. Naglaro rin kami bago matulog. Kung sino matalo, susulatan ng itim na marker sa mukha. At sa kasamaang palad, ako ang mas madaming talo sa aming dalawa ni Kross. "Wala," sagot ko rito at kinain ang roasted chicken na gawa n'ya. Masarap magluto si Kross. Actually, sa kan'ya ako natuto magluto. "May gusto ka bang puntahan mamaya?" Tanong ni Kross at niligpit na ang pinggan nito dahil tapos na s'ya kumain. "Wala naman," sagot ko. "Hell week na namin bukas. Kailangn ko mag-review kung gusto ko pumasa." "Edi, I'll help you to study na lang," sabi nito at tumayo. "Okay?" "Okay," tipid kong sagot at ininom ang lemon juice na timpla n'ya. "Kailangan ko na rin umuwi mamaya. May mga kailangan pa kasi akong gawin." Tumayo ako at niligpit ang mga pinggan. "Okay lang. I'll wash the plates since ikaw yung nagluto ng food natin." "Okay," sabi nito at ginala ang paningin rito sa kusina. Nilagay ko na ang mga plato sa lababo at nagsimulang maghugas. Nakita ko naman si Kross na nakatayo lang at nakasandal sa lamesa habang nagpho-phone ito. "So.. what are you up to these days?" Tanong ko sa kan'ya habang sinasabon ang mga plato na ginamit namin. "Uhmn, wala naman. Tulad lang ng dati, school and friends. How about you?" Tanong n'ya. "School and house," tipid kong sagot at nagsimula nang banlawan ng mga plato. "Sounds boring," komento n'ya at tumawa. "I know," mahina kong sagot. Boring nga naman ang lifestyle ko ngayon compared sa dati. Laging may family outing, may friends outing at kung ano-ano pa. Ngayon ay kaming dalawa na lang ni kuya. "Bakit hindi n'yo bisitahin sila tita and tito?" Tanong ni Kross. Nilalagay ko na ang mga plato sa cabinet. Hindi ako sumagot dahil wala akong masagot sa kan'ya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. "Hindi n'yo pa sila nadadalaw. Sa pagkakaalam ko huling punta n'yo ni Mike doon ay nung libing pa nila." Huminto s'ya saglit at kinuha na ang mga baso para ilagay sa lagyan nito. "Nagkwento nga sa akin si Mike, gusto n'yang bisitahin yung puntod ng parents nyo pero gusto n'ya kasama ka. Gusto n'ya ulit ma-feel na buo kayo kahit papano." Napatigil ako at napatingin sa isang basong hawak ko. "Why don't you invite Mike na puntahan yung grave ng parents nyo, Mika?" Tanong ni Kross. "I'm busy," tipid kong sagot at binalik na ang huling baso sa lagayan. "Midterm namin ngayong week. May mga hinahabol din akong subjects. Nag-aadjust pa rin ako sa bagong environment namin ni kuya." Napatayo na lang ako at napayuko. "I understand, Mika." Naglakad si Kross papunta sa gilid ko. "But please, Talk to Mike. Dalawa na lang kayong natitira sa family n'yo. You only have each other." "I know," mahina kong sagot. Alam ko naman na kaming dalawa na lang ni kuya ang magkasama sa buhay ngayon. Alam ko yun. Pero pakiramdam ko ay may space sa amin ni Kuya. Pakiramdam ko hanggang ngayon ay may galit parin ako sa kan'ya. Alam kong nagawa n'ya lang ang mga yon dahil kailangan. Para sa aming dalawa. Sa kaligtasan at buhay namin pero hindi ko parin s'ya mapatawad sa mga sinabi n'ya non at ginawa. Pakiramdam ko ay habang buhay ko nang maalala ang mga iyon. Habang buhay nang nasa isip ko. Habang buhay na sa nararamdaman ko. "You're done washing plates. I'll help you study. Tara na," sabi ni Kross at hinila ako. "Saan mo gusto mag-aral? Sa kwarto mo, living room or balcony?" Napatingin ako kay Kross. Alam kong sa paningin n'ya ay immature ako. Hindi ako understanding na kapatid. Totoo naman lahat ng 'to pero hanggang ngayon ay nandito parin s'ya. Iniintindi n'ya ako. Hindi n'ya ako iniiwan. "Mainit ngayon sa balcony," sagot ko sa kan'ya. "Then.. sa room mo na lang tayo. Alam kong tamad ka magbaba akyat ng mga gamit," sabi n'ya at hinila na ako paakyat. Nagpunta na kami sa kwarto at kinuha ang bag ko. Nilagay ko ang mga libro sa kama ko. Isa lang kasi ang upuan ko rito, pang study. "Ready?" Tanong n'ya habang nakangiti. "Ready," sagot ko at umupo na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD