CHAPTER SEVENTY TWO

1010 Words
Mike's P.O.V. 11 P.M. na at kumakain pa lang kami nila Shiela ng breakfast. Lunch na rin namin ito dahil mamayang 1 p.m. ay aalis na kami rito sa resort. Hindi na ako bumangon kagabi matapos mapaginipan ang gabing pagkamatay nila Mom and Dad. Tinulog ko na lang iyon at napasobra ang tulog ko. Halos 10 a.m. na ako nagising at tulog pa sila Shiela. 5 a.m. na raw kasi sila nakatulog kaya ako na muna ang nagluto ng pagkain namin ngayon. "Wow, masarap ka pala magluto, Mike," sabi ni James at humigop ng egg soup na gawa ko. "Pwede kana mag-asawa boy," singit pa ni Polo habang nginunguya ang niluto kong omelette at bacon. Natawa na lang ako sa reaksyon nila. "Madali lang naman gawin 'yan," sabi ko sa kanila at uminom ng banana shake na gawa ko rin. "Buti na lang at kasama ka ngayon sa outing," sabi ni Danica at tumawa. "Kung hindi ka sumama ay malamang walang magluluto ng breakfast namin. Oorder na lang kami sa mga fast food para mabilis ma-deliver," sabi pa ni Lea at kumuha ng watermelon na hiniwa ko kanina. "Thank you, Mike," sabi ni Shiela sa akin at ngumiti. "Thank you, brotherr!" sabi pa ng iba. Napangiti na lang ako at tinuloy na namin ang pagkain. Habang kumakain ay bigla ko namang naalala sila Kross at Mika. Kamusta na kaya ang dalawang 'yon? Na-received ko ang text ni Kross sa akin na nakarating na s'ya sa bahay pero hindi na ako rito nakasagot gawa ng antok. Binilisan ko na lang kumain at nang matapos na ako ay kinuha ko ang phone ko at tumayo. "Tatawagan ko lang kapatid ko," sabi ko sa kanila sabay taas ng phone. "Okayy!" sagot nila kaya naman naglakad na ako papalabas. Nagpunta ako sa pool area at umupo sa bench sa gilid. Nakita kong wala pang message ulit si Kross sa akin. Agad ko naman s'yang tinawagan dahil anong oras na rin at wala pa s'yang update sa akin. Matapos ang ilang ring ay sinagot n'ya na ang tawag. "Kross," tawag ko rito. "Mike!" bati nito sa akin. "Kamusta kayo ni Mika d'yan?" tanong ko sa kan'ya. "Ah, actually, kakagising ko lang. Tulog pa rin si Mika. 3 a.m. na kasi kami nakatulog," sabi nito. "Bakit?" "Nag-movie marathon pa kasi kami. Binilhan ko rin s'ya ng paborito n'yang strawberry cake. Umorder pa kami ng pizza at burger kaya anong oras na rin kami nakatulog," paliwanag nito. "Ahh." Napatango na lang ako nang marinig ang paliwanag n'ya. "Thank you, Kross. I know you made Mika happy last night by spending time with her." "It's nothing, Mike. Mika is my childhood friend and also, you're a friend of mine na rin. Matagal ko na kayong kilala na magkatapid. This is nothing. Nag-eenjoy rin naman ako kasama kayo ni Mika." Napangiti na lang ako. "O s'ya, kumain na kayo. Sobrang late na rin." "Lulutuan ko na lang si Mika ng foods. Anong oras ka pala makakauwi? Kailangan ko na kasi umuwi around 4 p.m. or 5 p.m," tanong nito. "Ahh," napatingin ako sa relo ko. Hindi ko alam kung anong oras ako makakauwi. 1 p.m. pa ang alis namin rito sa resort pero mukhang may balak pa puntahan ang mga kasama ko. "I'm not sure, pero bago maggabi siguro nakauwi na rin ako," sagot ko sa kan'ya. "Okayy! take care, Mike." "You too. Kayo ni Mika d'yan," sabi ko rito. "Will do. Bye!" "Bye!" Pinatay ko na ang tawag at tumayo na. Nakita ko ang driver sa dulo na nakaupo at kumakain. Tahimik lang s'ya habang nakatingin sa akin. Naalala ko tuloy ang nangyari kagabi. Napailing na lang ako at nag-iwas ng tingin. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko. Bumalik na lang ako sa dining area at nakita silang lahat na nagtatawanan at nag-uusap. Bumalik na ako sa pwesto ko at napansing wala pa rin si Kenz. Hindi pa rin bumabangon ang isang iyon. "How's Mika doing?" tanong ni Shiela sa akin. "She's good. Kasama n'ya yung childhood friend n'ya," sagot ko rito. "Ohh, mabuti naman," sabi nito at ngumiti. Lahat kami ay napatingin sa hagdan nang may marinig kaming bumababa roon. "Good morning, guyss!" masaya at malakas na bati ni Kenz pagkaharap n'ya sa amin habang nag-uunat. "Oh, nagising kapa?" sabi ni Tricia. "Kala amin iiwan ka na namin dito eh," sabi pa ni Shiela at nagtawanan sila. "Heh!" nakasimangot na sabi ni Kenz at umupo sa bakanteng upuan. "Sobrang sakit pa rin ng ulo ko." Hinawakan nito ang ulo n'ya at isusubsub sana ito sa lamesa pero agad nang nilagyan ni Lea ng pinggan ang lamesa nito. "Kumain kana. Mamaya magbayad na naman tayo dito kasi late tayo makakaalis dahil sa'yo," sabi nito. Ngumiti lang si Kenz at nagsimula nang kumain. Napatingin naman ako kay Shiela na kumakain pa ng watermelon. Hiniwa ko na kasi lahat ng prutas na binili namin kahapon dahil baka masayang lang. "Mag-aaiskaso na ako," sabi ko sa kanila at tumayo. "Okayy!" sagot nila sa akin. Napatingin naman ako kay SHiela. Ngumiti s'ya sa akin at nag-thumbs up. Napatawa na lang ako ng mahina dahil dito at umakyat na papunta sa kwarto. Inayos ko ang damit kong nabasa kagabi pati na rin ang ibang gamit ko. Dumiretso na ako sa bathroom at nag-shower. Habang nagsho-shower ay pinikit ko ang mga mata ko. Kagabi ko na lang ulit napaginipan ang pangyayaring iyon. Pakiramdam ko ay bumalik ang takot, kaba at galit na naramdaman ko non. Naalala ko ang mukha ni Mika na galit na galit sa akin. Ang mga mata n'yang umiiyak na puno ng sakit at galit. Hindi ko s'ya masisisi kung bakit ganito ang trato n'ya sa akin. Kinailangan kong gawin ang lahat ng iyon para sa kaligtasan namin. Kinailangan kong gawin yun dahil iyon ang utos nila Dad sa akin. Alam kong sobra s'yang nasaktan sa nangyari. Alam ko iyon dahil ganun rin ang pakiramdam ko. Napadilat ako at napahawak sa pader. Bumibigat na naman ang dibdib ko at naiyukom ang palad. "I'm hurting too, Mika," mahina kong sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD