CHAPTER SEVENTY FOUR

1027 Words
Chaz's P.O.V. "Hey, Chaz!" Napatingin ako sa dumating at nakita si Kael na kasama si Cara. Nandito ako ngayon sa isang coffee shop. Sunday ngayon at niyaya ko silang dalawa para mag group study. Umupo sila sa mga seats na ni-reserved ko. "Yow, Kael, Ate Cara," bati ko sa kanila habang nakangiti. "So, anong lesson ba yung hindi mo ma-gets at kailangan na grade 12 pa ang magtuturo sa'yo?" Tanong ni Cara sa akin. Ngumiti ako at nilabas ang isang libro ko sa bag. "This one. Dahil pinag-aralan n'yo na to at alam kong matalino kayong dalawa, alam kong matuturuan n'yo ako at maipapasa ko ang subject na to." Nakita kong napasimangot na lang si Kael habang si Cara ay natawa ng mahina. "Napaka basic, Chaz," komento ni Cara. "Can I order drinks muna namin ni Kael?" "Yep. Order muna kayo," sagot ko rito. Tumayo naman s'ya at tinignan si Kael. "What drink want mo ngayon, Kael?" Tanong n'ya dito. "Any hot coffee will do," sagot ni Kael sa kan'ya at tinignan ang libro na nilabas ko. "Okay. Ako na mag-oorder. Pagsabayin ko na lang para mabilis." Tumango naman kami ni Kael sa kan'ya at naglakad na si Cara papunta sa counter para umorder ng drinks nila ni Kael. "So, what are you up to these days, Chaz?" Tanong ni Kael na nakaupo lang sa harap ko. "Nothing, Kael. Just having fun and enjoying things, I guess?" Sagot ko rito at ininom ang caramel frappé na inorder ko kanina. "That's good," sagot ni Kael at nilipat ang pahina ng libro ko. "How about you?" Tanong ko sa kan'ya. "Is everything okay? Are you handling everything good?" Tumingin s'ya sa akin at ngumiti. "So far, kaya pa naman. It's a little bit hard especially ngayong senior high. I don't know why lagi ako ang nagiging school or class president my whole student life." "But it's good for your profile naman," sabi ko rito at nilabas ang laptop ko. "Yeah. Buti na lang at may magandang benefits ang pagiging part ng school student council." "I'm back!" Napatingin kami ni Kael kay Cara na may hawak na tray. Nilapag nito ang inorder n'yang drinks nila ni Kael. May tatlong chocolate cinnamon bread din itong binili at binigay sa akin ang isa. Tatanggi pa sana ako pero sinamaan ako ng tingin nito kaya hindi na lang ako umngal. Kumain naman na ako ng snacks dito pero dahil na-late silang dalawa ng halos ilang minuto ay naubos ko na iyon. "So.. anong pinag-uusapan n'yo?" Tanong ni Cara at nilapag ang straw sa strawberry frappé n'ya. "Hmm, nothing special," sagot ni Kael sabay lapag ng book ko sa harap ni Cara. "I forgot this one. Baka naalala mo pa," sabi ni Kael habang turo-turo ang isang pahina ng libro ko. "Seriously Kael? It's so basic," sabi ni Cara at nilabas ng notebooks and pen nito. "Itong subject lang ba na to dito ka magpapatulong?" Tanong pa nito sa akin. Ngumiti ako at napakamot sa ulo. "Actually, may dalawa pa." ××× Nandito parin kaming tatlo sa coffee shop at kakatapos lang namin mag-group study. "I need to go. Hinahanap na ako ng parents ko. How about you guys?" tanong ni Cara sa amin ni Kael. "Sasabay kaba sa'kin Kael? same lang direction ng house natin." "hmm, nope. May kailangan pa kasi ako puntahan ngayon," sagot ni Kael kay Cara. "Oh, is that so? okay then." tumayo na si Cara at sinuot ang bag nito. "Una na ako guys. Ingat kayo pauwi, okay?" sabi pa nito sa amin. "We will," sagot ni Kael. Napatingin kami ni Kael kay Cara na ngayon ay naglalakad na papalabas ng coffee shop. Huminto s'ya saglit nang nasa tapat na s'ya ng double glass door at lumingon sa amin ni Kael. Ngumiti ito at kumaway. Tinaas ko naman ang kamay ko sabay ngiti at kaway tapos ay tuluyan na s'yang lumabas dito sa coffee shop. "So, we're done here," sabi ni Kael at nagsimula nang iligpit ang mga gamit n'ya. Binalik ko na rin ang mga libro ko sa bag at napatingin kay Kael. Tapos na n'ya ayusin ang mga gamit n'ya. Nakasanda ito sa upuan at nakatingin lang sa akin ng seryoso. "Liam is in big trouble." Seryoso ang tono ng boses nito. "Why?" nakakunot noo kong tanong. "Dahil ba doon ulit sa mga loan sharks?" "Yep," sagot ni Kael at huminga ng malalim. "So, what are you guys planning to do?" tanong ko sa kan'ya. "I'm still thinking," sagot n'ya at inubos na ang hot coffee na inorder. "Call me when you guys need my help." Sinubo ko na ang natitirang bread na inorder ni Cara para sa akin. Tumango lang si Kael at inubos na namin ang mga inorder namin. Pagkatapos namin kumain ay tumayo na kami at lumabas na sa coffee shop. Napatingin kami parehas sa phone na hawak n'ya nang tumunog ito. Napatingin s'ya rito. "I need to answer this. Let's part ways now." Tumango ako at sinagot n'ya na ang tawag tapos ay naglakad papunta sa gilid ng kalsada para pumara ng taxi. Napabuntong hininga na lang ako at nagsimula nang maglakad. Mas gusto kong maglakad ngayon kaysa sumakay ng taxi. Nang paalis na ako sa tapat ng coffee shop ay nakita ko ang pamilyar na kotse na pumarada sa gilid ng shop. Napalingon ako rito at nakita ko si Chase Javier kasama ang kaibigan n'yang si Earl Seven na bumaba sa kotse. Nang mapatingin sila sa akin ay agad naman akong nag-iwas ng tingin at nagpatuloy na sa paglalakad. Napahawak ako sa bagpack ko at inayos ang pagkakasuot nito. Medyo mabigat ito dahil sa mga libro na dala ko. Lumingon ako saglit at nakitang nakatingin parin sa akin sila Chase at Earl. Seryoso lang ang mga mukha nila at wala silang balak na ialis ang tingin sa akin kaya hindi ko na lang ito pinansin. Binaling ko na ang tingin at atensyon sa dinadaanan ko. Nakatingin lang ako sa kalsada na nadadaanan ko at naramdaman kong nakatapak ako ng maliit na bato. Tinaas ko ang paa ko at tinignan ng masama ang bato. "Ts," mahina kong sabi at malakas itong sinipa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD