CHAPTER EIGHTY ONE

1015 Words
Mikaella's P.O.V. "Anong nangyayari dito?" Tanong ni Kael habang nakatingin sa amin. Napatingin ako kay Liam na ngayon ay nakabitaw na kay Jaxe Dean. "Mr. Serfin," tawag ni Jaxe kay Kael habang nakangiti at lumapit dito. "How are you?" tanong nito. "Matagal na rin simula nang huling usap natin." "I'm asking what is happening here," seryosong sabi ni Kael habang nakatingin ng matalim kay Jaxe. "Nothing," sagot ni Jaxe at tumingin sa akin. "I just wanted to be friends with Mika." Lumapit ito sa akin at inakbayan ako kaya naman napakunot ang noo ko. "Right, Mika?" tanong nito sa'kin. Tumingin sa akin si Kael at lahat nang estudyante na nasa paligid namin. Inaantay nilang lahat ang sagot ko. Tinignan ko si Jaxe na nakaakbay sa akin at nakangiti. Hindi ko alam kung ano ang gusto n'yang sabihin sa akin. Hindi ko alam kung bakit bigla-bigla na lang s'yang lumapit sa akin at gustong makipag-usap. "Yes," mahina kong sagot. Nakita kong napakunot ang noo ni Kael at hindi n'ya inaasahan ang sagot ko. Ganun din sila Earl, Chase at Liam. "Are you sure he's not bothering you?" tanong ni Kael. Hindi ako nagsalita at tumango lang bilang sagot. Tumango lang rin si Kael tapos ay tumingin kay Jaxe. "The principal is calling you, Jaxe," sabi nito kay Jaxe. Narinig kong napabuntong hininga si Jaxe at inalis na ang pagkakaakbay sa akin. "Let's go. He ordered me to come with you." "I can go on my own," nakasimangot na sabi ni Jaxe at humakbang papalapit kay Kael. "I need to make sure na hindi ka tatakas." Ngumiti si Kael at sumenyas na aalis na sila. Lumingon sa akin si Jaxe at nakita ko sa mukha nito na parang may gusto itong sabihin pero hindi n'ya tinuloy. Tumalikod na s'ya at lumabas na ng building para pumunta sa main building kung nasaan ang office ng Principal. "Are you okay Mika?" tanong ni Kael at lumapit sa akin. "I'm okay," sagot ko rito at tumango. "You sure?" tanong nito ulit. "Yeah," maikli kong sagot. "Okay. I need to go now. Baka mawala pa si Jaxe sa paningin ko. Take care on your way home," nagmamadali nitong sabi. "Will do," sabi ko sa kan'ya at naglakad na ito palabas ng building. Nakita kong napatingin s'ya kay Liam bago s'ya tuluyang lumabas. Bigla kong naalala na magkasama silang dalawa noon. Kasama ko si kross non sa kotse at may pinuntahan kami non. "Mika!" rinig kong tawag ni Earl sa gilid ko. Pagtingin ko sa kan'ya ay nakatayo na ito malapit sa akin habang si Chase ay nakasandal lang sa pader at nakatingin sa akin ng seryoso. "Ginugulo kaba ni Jaxe dahil sa nangyari nung nakaraan?" tanong ni Earl sa akin. "No. Ngayon n'ya lang ako nilapitan," sagot ko sa kan'ya at yumuko. "I need to go now." Hindi ko na hinintay ang sagot n'ya at naglakad na ako papalabas ng building. Alam kong nakaka-ooffend ang inaakto ko lalo na kay Earl pero kailangan ko tong gawin. Kailangan ko silang iwasan. Masyado kong napabayaan ang sarili ko. Hindi ko napansin na napapalapit na ako sa kanila at nagkakaroon ako ng tiwala. Wala akong dapat pagkatiwalaan dito sa paaralan na ito at sa lugar na ito. Wala. Nang makarating na ako sa gate ay pinakita ko sa guard ang I.D. ko at pina-check ang loob o laman ng bag ko. Matapos n'yang tignan ito at ang I.D. ko ay tumango s'ya at pinayagan na ako lumabas. Inayos ko ang pagkakasuot ng bag at nagsimula nang maglakad. Nasa mood ako ngayon maglakad kaya maglalakad ako pauwi. Thirthy minutes to forty minutes ang oras nang lalakarin ko simula dito s Willton's Academy hanggang sa bahay. Nawalan na rin ako ng exercise simula nang lumipat kami ni kuya rito kaya mabuti na rin maglakad. Isa pa, gusto ko rin magtipid ng pera ngayon. Habang naglalakad ay napansin kong napapatingin ang iilang estudyante na nadadanan ko sa akin at sa likuran ko. Napakunot ang noo ko at huminto sa paglalakad. Lumingon ako at mas lalong napakunot ang noo nang makita si Liam Conner na nasa likuran ko. "Are you following me?" naguguluhan kong tanong dito. Hindi s'ya sumagot at nakatingin lang ito sa akin ng seryoso. Napatingin ako sa paligid at nakitang nagbubulungan ang iba. Napabuntong hininga na lang ako at pinagpatuloy ang paglalakad. Mas binilisan ko ang lakad ko dahil ayokong pinagtitinginan at pinag-uusapan ako. Nang makalayo na ako sa Willton's Academy ay wala na akong estudyanteng nadadaanan. Huminto ako ulit sa paglalakad at lumingon sa likuran ko. Nakita ko si Liam rito na nakatingin sa akin at huminto rin s'ya sa paglalakad. "You're following me," sabi ko rito at naglakad papunta sa harap n'ya. "Why? may gusto ka bang sabihin?" Hindi s'ya sumagot sa akin at nakatingin lang ito ng seryoso. Huminga ako nang malalim at pinikit saglit ang mga mata ko. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip n'ya at kung ano ang ginagawa n'ya. Hindi ko nga alam kung pinagtitripan ba ako nito. "If it's about the incident last time, don't worry. Okay na ako don. It doesn't bother me anymore. Hindi na rin ako ginugulo ng mga loan sharks na humahabol sa'yo," mahaba kong sabi sa kan'ya. "As you can see, I'm completely fine and good." Hindi parin s'ya nagsalita kaya naman napasimangot ako at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Mas binilisan ko ang bawat hakbang ko. Hindi ko alam kung ano ang problema n'ya. "No," rinig kong mahinang sabi n'ya kaya napahinto ako. Napakunot ang noo ko at humarap sa kan'ya. Seryoso lang ang mukha n'ya habang nakatingin sa akin. Limang hakbang rin ang layo namin sa isa't isa. "I just wanted to make sure you're safe," sabi nito habang deretsong nakatingin sa mga mata ko. "I'm safe," sabi ko sa kan'ya. "No," mahina n'yang sabi at humakbang ng isa palapit sa akin. "No?" nakakunot noo kong tanong. "Remember the first time we met?" tanong n'ya. Bigla kong naalala ang unang pagkita namin ni Liam. "You're not safe, Ella." Huminto ito saglit at nakita kong napalunok s'ya. "They're hunting you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD