CHAPTER EIGHTY

1022 Words
Earl's P.O.V. "Mika-" tatwagin ko sana si Mika nang makasalubong ko ito pero hindi n'ya ako pinansin. Hindi ako nito tinignan at hindi s'ya huminto. Seryoso ang aura nito at mukha n'ya. Pakiramdam ko ay iba s'ya sa nakilala kong Mika. Agad kong tinignan si Chase at nakita kong nakasakay na ang isang iyon sa kotse n'ya. Nilingon ko si Mika at nakitang nagtawag iyon ng taxi tapos ay sumakay. Napabuntong hininga na lang ako at naglakad na papunta sa kotse ni Chase tapos ay sumakay. "What happened?" Tanong ko kay Chase. Binuksan n'ya na ang makina ng kotse n'ya at nagsimula nang paandarin ito. "I don't know," sagot ni Chase at binilisan ang pag-andar ng kotse. "Mika looked serious and somehow upset," mahina kong sabi at tumingin na lang sa bintana. "Why do you care, Earl?" Seryosong tanong ni Chase. "We just met her. We Don't know her that much for you to trust her." Napakunot ang noo ko at tinignan s'ya. "Mika is now my friend. She helped us a lot especially sa project natin." Hindi s'ya sumagot at nag-concentrate lang sa daan. "Is it beacuse of Jaxe Dean?" Tanong ko dito. "We know kung ano ang pwedeng gawin ng isang iyon. We meddled with his business." "So what, Chase? We're still not sure. Besides, I know matagal mo na ring gustong pigilan pangbu-bully ng isang iyon," sagot ko sa kan'ya. Narinig kong napabuntong hininga na lang si Chase at hindi na ito nagsalita. Napatingin ako sa glove compartment sa harap ko. Dahan-dahan ko itong binuksan at nakita ang isang clown mask. Kinuha ko ito at pinagmasdan. Nakita kong napalingon si Chase sa akin pero pinabayaan n'ya lang ako. Sinuot ko ito at humarap sa kan'ya. "What will we do next, Mr. Javier?" Tanong ko sa kan'ya. Mikaella's P.O.V. Friday na ngayon at last day na ng midterm. Last subject na rin itong tina-take kong exam. "Hands up!" Utos sa amin ng Professor namin. Napatingin ako sa exam papers ko at nakahinga naman ng maluwag nang makitang nasagutan ko ang lahat. Tinaas ko ang kamay ko at ganun rin ng ibang classmates ko. "Now, pass your papers," utos pa nito sa amin. Inabot sa akin ni Loui ang exam papers n'ya at pinasa ko na ang exma papers namin sa estduyante sa harap ko. Nakita kong pinasan na ng mga classmates ko na nakaupo sa harap ang papers sa professor. "Bibilangin ko muna tong exam papers para ma-check kung nakapagpasa na ba ang lahat." Tinignan nito ang exam papers at nagsimulang bilangin. Napasandal ako ng ulo sa sandalan ng upuan ko at napatingin sa puting kisame. Pinikit ko ang mata ko at huminga ng malalim. Gusto kong ilabas lahat ng stress at pagod na naramdaman ko ngayong midterm pero wala naman ako kasama. Napadilat ako nang pumalakpak ang professor. "Good job, class. See you next week!" Paalam nito. Nagsitayuan naman kaming lahat at nag-bow sa kan'ya. Matapos naming magpaalam rito ay lumabas na s'ya ng classroom at nag-ayusan ng mga gamit ang classmates ko dahil uwing-uwi na ang mga ito. "Yow guys!" Pumalakpak si Vivian at naglakad ito papunta sa pisara. Huminto s'ya nang nasa Professors table na s'ya at sinandal ang dalawang siko doon tapos ay tinignan kami. "Tuloy tayo tomorrow. Makakapunta ba lahat?" Tanong nito. Napabuntong hininga na lang ako at pinagpatuloy ang pag-aayos ng bag habang naririnig kong nag-uusap-usap silang lahat. Hindi naman ako sasama kaya hindi na ako sumali at nakinig dito. Matapos kong ayusin ang mga gamit ay sinuot ko na ang bag ko. "What? Bakit hindi kayo makakasama?" Rinig kong tanong ni Pauline. Napatingin ako sa pisara at nakita ang iilang grupo ng babae at lalaki doon na nakayuko at mukhang malulungkot. Mukhang mapaparami din ang hindi sasama sa outing. Inayos ko na lang ang pagkakasuot ko ng bag at nagsimula nang maglakad. Hindi na ako nakinig pa sa kanila at mabuti na lang rin na hindi nila ako napansin. Pagkababa ko sa 1st floor ay nakita ko si Earl at Chase na palabas sa classroom nila. Napatingin sa akin si Earl at kakaway pa sana ito pero agad rin akong nag-iwas ng tingin at hindi s'ya pinansin. Binilisan ko na lang ang paglalakad hanggang sa malaktawan ko silang dalawa. Hindi na n'ya ako hinabol at alam kong naramdaman n'yang gusto kong dumistansya sa kanila. Pagkalabaw ko ng building namin ay napahinto ako nang may skateboard ang umaandar sa daanan ko at saktong huminto sa harapan ko. Napakunot ang noo ko at pinagmasdan ito. Pamilyar ang design ng skateboard na ito. Nang mapagtanto kong kay Jaxe ito ay agad akong nag-angat ng tingin at nakita s'yang nakatayo sa harapan ko ngayon. Kinuha n'ya ang skateboard sa paahan ko. "Sorry. Naliligaw skateboard ko," sabi n'ya at ngumiti sa akin tapos ay binuhat ang skateboard n'ya. Hindi ako nagsalita at maglalakad na sana pero hinawakan ako nito sa braso. Naramdaman kong pinagtitinginan na kami ngayon at pinagbubulungan ng mga estduyante sa paligid. Napangiwi na lang ako dahil dito. "What do you want?" Deretso kong tanong kay Jaxe at tinignan s'ya ng seryoso. Nakatingin parin ito sa akin habang nakangiti. "I just want to talk to you, Ms. Evergreen," sabi nito. Naramdaman kong napapadiin ang hawak n'ya sa braso ko kaya sinubukan kong alisin ito pero masyado s'yang malakas. Napatingin ako kila Chase at Earl na nakatayo sa gilid ko. "Mika," rinig kong tawag ni Earl. Nakita kong napakunot ang noo ni Chase at lalapit ito sana sa akin pero huminto s'ya. Napalingon ako kay Jaxe nang maramdamang nawala ang pagkakahawak nito sa braso ko. Pagtingin ko sa kan'ya ay nanlaki ang mata ko nang makitang hawak ni Liam ang forearm nito. "Liam.." mahina kong tawag sa pangalan n'ya. Napatingin s'ya sa akin at nakita ko ang seryoso nitong mga mata. Kitang kita ko rin ang pagkaka-red ng buhok nito dahil nasisinagan s'ya ng araw. "Liam Conner!" Agad akong napalingon sa likuran ko nang marinig ang boses ni Kael. Nakita kong nag-aalala ang mukha nito at dali-dali s'yang lumapit sa amin. Napatingin s'ya sa akin at nakita kong naguguluhan ang reaksyon nito. "Anong nangyayari dito?" Tanong n'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD