CHAPTER EIGHTY TWO

990 Words
Mikaella's P.O.V. Nasa bahay na ako ngayon at nakaupo sa sofa habang nakatulala sa television. Kanina pa paulit-ulit sa isipan ko yung sinabi ni Liam. Hindi ko alam kung dapat ko ba s'yang paniwalaan o hindi. Agad akong napatingin sa pintuan nang makarinig ako nang may kumakatok doon. Napalunok ako at tumayo. Tinignan ko ang bintana at nakitang madilim na sa labas. Mga patay na rin ang ilaw sa loob ng bahay o garahe ng mga kapitbahay. "Mika! Are you there? I forgot my key." Agad akong nabalik sa sarili ko nang marinig ang pamilyar na boses. Tinignan ko ang oras at nakitang 8:30 p.m. na pala. "Kuya," mahina kong sabi at mabilis na naglakad papunta sa pintuan at binuksan ito. Nakita ko si Kuya na nakatayo at hawak-hawak ang phone nito. Narinig kong nag-ring ang phone ko sa sofa kaya naman napatingin ako doon. "Nandito kana pala. Natawagan ko pa yung phone mo," sabi ni kuya. "Ahh, yeah," mahina kong sagot at nagtungo sa sofa para kunin ang phone ko rito. Nakita ko namang pumasok na si kuya sa loob at sinara ang pinto. "Naiwan ko yung spare key sa kwarto. Mabuti na lang at nandito ka sa baba at hindi tulog," sabi n'ya at tinaas ang hawak na paper bag. "Bumili ako ng ulam natin," nakangiti nitong saad. "Your favorite foods sa max's." Nagtungo na kami sa dining area at inayos ang kakainan namin. Hindi na ako nagluto ng pagkain dahil nag-text sa akin si kuya kanina pagkauwi ko na magdadala daw s'ya ng ulam namin ngayong dinner. Matapos naming ayusin ang mga gagamitin namin sa pagkain ay umupo na kami. Nilabas na rin ni Kuya ang ulam sa paper bag at naglagay na kami ng pagkain sa plato namin. "How's your last day of midterm examination?" tanong n'ya at sumubo ng roasted chicken. "It's fine," sagot ko sa kan'ya at tinikman ang mushroom soup na paborito ko sa restaurant na pinagbilan n'ya nito. "That's good," komento n'ya at pinagpatuloy na ang pagkain. Hindi na ako sumagot o nagsalita pa at tahimik na kumain na lang rin ako. "Tomorrow is my rest day pati sa sunday. May gusto ka bang puntahan or gawin?" tanong n'ya. Agad ko namang naalala ang outing na magaganap sa section namin. "Wala naman," sagot ko sa kan'ya at binilisan ang pagsubo ng kanin. "Really?" tanong n'ya. I was planning na bisitahin natin yung grave nila Mom and Dad," mahina nitong sabi at naramdaman kong nakatingin s'ya sa akin ngayon. Napadiin ang hawak ko sa kutsara at pinilit na isubo ang pagkain rito. Nginuya ko ito at hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa plato ko na may mga pagkain. "It's been months, Mika. I want us to visit their grave," sabi pa ni kuya. Nilapag ko ang kutsara at tinidor na hawak ko tapos ay tinignan s'ya. "Actually, kasama pala ako sa outing namin ng mga classmates ko bukas," agad kong sabi sa kan'ya. "Midterm week was stressful for us. Gusto ko munang mag-relax and mag-enjoy. Pangpaalis ng stress." "Outing?" tanong ni kuya at napakunot ang noo. "Saan?" Sinubukan kong isipin o alalahanin kung may nasabi ba si Vivian kung saang beach ang pupuntahan nila pero wala akong maalala. "Nakalimutan ko yung name ng beach. Si Vivian ang nagyaya ng outing. Free rides and foods," sagot ko sa kan'ya at kinuha ang garlic bread. "Vivian?" tanong n'ya . "Ohh, right. Daughter of Mr. Vico." "Yeah," sagot ko sa kan'ya at tumayo na. "I'm done eating." "Anong oras kayo bukas?" tanong ni Kuya. "I don't know. I'll ask them," sagot ko sa kan'ya. "Update kita later or tomorrow." "Alright," sagot ni kuya. "Bring this juice." Tumayo si kuya papunta sa ref at kinuha roon ang apple juice. Inabot n'ya ito sa akin kaya naman tinanggap ko ito. "You will be needing drinks since kakain ka pa ng garlic bread." "Thanks," mahina kong sabi. "Goodnight, Mika," sabi n'ya at ngumiti. "Goodnight," mabilis kong sabi at tumalikod na tapos ay umakyat. Dumiretso ako sa kwarto at sinara ang pinto rito. Binuksan ko ang ilaw at nagtungo ako sa study table ko. Pagkaupo ko rito ay napabuntong hininga ako. Mabuti na lang at nakaisip agad ako ng paraan para hindi matuloy ang gustong gawin ni kuya bukas. Kinain ko na lang ang garlic bread at habang ngumunguya ay naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko at nagri-ring. Mabilis ko itong kinuha at napakunot ang noo nang makitang tumatawag sa akin si Kael. "Mika!" masayang tawag nito sa akin pagkasagot ko ng tawag n'ya. "Why did you call?" tanong ko sa kan'ya. "Naalala kong wala ka pala kanina habang nagme-meeting kami nila Vivian about sa outing natin," sabi n'ya at huminto saglit. "Bukas ng 6:00 p.m. ang alis natin at 6 a.m. ng sunday ang uwi. Sa Krystal beach din tayo. Iyon ang pinakamalapit na beach sa atin at may share doon ang family ni Vivian kaya doon tayo." "6:00 p.m. ang alis?" nakakunot noo kong tanong. "Yes, why?" tanong n'ya. Napangiwi ako at napatingin sa oras. Kailangan maaga ako umalis ng bahay dahil kung magpapaabot pa ako ng 6:00 p.m. dito ay baka yayain ako ni kuya umalis ng umaga. "Nothing," sagot ko at tinignan ang cabinet ko. "Pwede ba akong mag-stay sa'yo or kay Cara bukas ng 9:00 a.m.?" tanong ko. "Hmm, pwede naman. If you want to be more comfortable, kay Cara ka since you're both a girl." "You're right," sagot ko. "And also, marami sa mga classmates natin ang biglang hindi makakasama. May mga family outing din kasi. Nagyaya si Vivian sa ibang sections but don't worry, konti lang naman ang niyaya n'ya." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi n'ya. Ibang sections? "So.. I'll call you tomorrow na lang, okay?" "Sure," sagot ko sa kan'ya at pinatay na ang tawag. Agad kong ininom ang apple juice at napasandal na lang sa upuan ko. "Great. Biglaang sama," mahina kong sabi at napabuntong hininga na lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD