CHAPTER EIGHTY FOUR

1024 Words
Mikaella's P.O.V. Nandito parin kami ni Kael sa apartment ni Cara. Nasa sala kami at naglalaro ng UNO pangpalipas ng oras. "UNO!" Masayang sabi ni Cara nang isang card na lang ang matirang hawak n'ya. Napasimangot si Kael na nasa sampu pa ang card habang ako ay tatlo na lang. Nilapag ko ang isang card ko at naglapag ng change color si Kael. "What color?" Tanong ni Cara habang seryosong nakatingin kay Kael. "Uh." Napatingin si Kael sa likod ng card ni Cara. "Yellow?" Sagot nito na patanong. "Okay! Wala ng palitan ng color," sabi ni Cara at mabilis na nilapag ang isang natitira n'yang uno card na number 7 at color yellow. Napatingin ako kay Kael at sumimangot. Ngumiti lang s'ya sa akin. "Sorry na, Mika," sabi nito sa akin. Nilapag na namin ulit lahat ng cards sa lamesa at sinimulan nang i-shuffle iyon ni Cara para sa next round na laro namin. Napatingin ako sa wall clock n'ya at nakitang 4 P.M. na. Kanina pa ako mabo-bored kaya naman nakikipaglaro na lang ako kila Kael. Nanood na kami ng dalawang movie, nag-lunch, nag-online games at ngayon ay Uno naman. Pakiramdam ko ay 12 hours na ako rito pero nasa 6 or 7 hours pa lang talaga. Bakit ba ang tagal umandar ng oras ngayon? "We have 2 hours left," sabi ni Kael at tumayo. "Saan ka pupunta?" Tanong ni Cara habang binibigyan na kami ni Kael ng Uno cards. "Nakakailang rounds na tayo ng UNO. Let's do something else," sagot ni Kael. "Anong gagawin natin?" Tanong ni Cara. "Let's go oustide. Sa park. Let's play badminton, okay ba?" Tanong nito sa amin ni Cara. "I remembered na Badminton ang sport mo diba, Mika?" Tanong pa nito sa akin. "Yeah," sagot ko at tumango. Naalala kong nasabi ko pala sa kan'ya noong unang week ko pa lang sa Willton's Academy na hindi ako mahilig sa ibang sports at tanging badminton lang ang alam ko. Hindi naman ako magaling dito pero marunong lang. Wala rin akong gaanong energy ngayon kaya mukhang matatalo lang rin nila ako ni Cara. "Let's go," sabi ni Kael habang nakatingin sa phone at nakangiti. "I invited someone para 2 versus 2 tayo." "Who?" Tanong ni Cara habang nililigpit ang mga uno cards. "She's also invited sa pupuntahan natin ngayon nila Vivian," sagot ni Kael at sinuot ang bag. "Dalhin na natin mga gamit natin para after, deretso na tayo kila Vivian," utos nito. Tumayo na kami ni Cara at kinuha ang bag namin. Inayos ko ang pagkakasuot ng bag pack ko. Hindi naman ito mabigat dahil isang dark brown na shirt at itim na short ang dala ko tapos ang iba ko pang gamit. Napatingin ako kay Cara nang tumayo s'ya sa tapat ng shelves n'ya. Tinaas n'ya ang kamay at kinuha ang maliit na bote roon na may lamang gamot sa pagkakaalam ko. Para saan kaya iyon? "Wait, I'll get my badminton set sa kwarto," sabi ni Cara at mabilis na pumasok sa kwarto n'ya para kuhain ang badminton racket at shuttlecock. "Let's go ahead, Mika," yaya sa akin ni Kael na nakatayo na sa pintuan palabas. Binuksan n'ya iyon at lumabas na kami. Sakto namang nakasunod na rin sa amin si Cara. Ni-lock na ni Cara ang pinto ng apartment n'ya at nagsimula na kaming maglakad papalabas ng building. "Malayo ba yung park?" Tanong ko sa kanila. "Nope. Walking distance lang naman. 5 minutes na lakad lang rin," sagot ni Kael at sinuot ang itim na cap nito. Hindi naman na gaano maaraw at mainit dahil nakatago ang araw sa makakapal na ulap. Mukha namang hindi uulan. Makulimlim lang siguro talaga ang langit ngayon. Pagkalabas namin sa building ay sinundan ko lang sila ni Cara. Kasabay ko silang dalawa sa paglalakad at napapagitnaan nila ako. Napabagal ang paglalakad ko at napatingin sa likuran nilang dalawa. Hindi ko alam kung pwede ko silang pagkatiwalaan. Hindi ko alam kung magkakaroon ba ako ng kakampi dito. Pumasok ulit sa isipan ko ang sinabi ni Liam sa akin kahapon bago ako umuwi. Hindi ko alam kung nagsasabi ba s'ya ng totoo o tinatakot n'ya lang ako, pero ramdam at kita ko sa mga mata n'ya na hindi s'ya nagbibiro lang. Kung nagsasabi s'ya ng totoo, Pano n'ya nalaman yon? Kahit na sabihin ko sa sarili ko na wala namang patunay si Liam sa sinabi n'ya sa akin kahapon ay may part pa rin sa akin na natatakot. Tuwing naaalala ko ang sinabi n'ya ay nakakaramdam ako ng takot at kaba. Parang napa-paranoid ako at lumalala ang anxiety ko. Pakiramdam ko ay anytime pupunta sa akin ang mga killers na iyon. Napailing na lang ako at nag-focus sa dinadanan. Napatigil ako sa paglalakad nang makitang tumigil sila Kael. Tinignan ko ang gilid namin at nakitang nasa isang park na kami. Bilang lang ang mga tao rito. May mga nagpi-picnic at ang iba ay ginagala ang mga aso nila. "Tara, hanap tayo ng magandang pwesto," sabi ni Kael at naunang maglakad. Agad naman kaming sumunod sa kan'ya ni Cara. "I'm glad you're here with us, Mika," sabi ni Cara sa akin habang naglalakad kami. Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi n'ya. "I mean, ang boring na palaging kamimg dalawa lang ni Kael ang magkasama. Nagsasawa rin kaya kami sa mukha ng isa't isa," sabi nito at tumawa. "Ahh," mahina kong sabi habang tumatango. "Guys!" Napalingon kami ni Cara kay Kael nang sumigaw ito. Nakita namin s'ya sa left side ng park na nakataas ang kamay at kumakaway sa amin. "Let's go, doon daw tayo," yaya ni Cara sa akin kaya naman mabilis na kaming nagtungo kay Kael. "Papunta na yung isang player natin," sabi ni Kael at binalik na ang phone sa bulsa ng suot n'yang itim na pants. "That's good," komento ni Cara at binigyan na kami ni Kael ng tig-isang badminton racket. Napatingin ako sa mga puno sa paligid namin. Konti lang ang mga ito pero mahangin dito at ma-presko. Green na green din ang d**o rito. "Oh, he's here," sabi ni Kael kaya naman napalingon ako sa likuran ko at napakunot ang noo nang makita si Liam Conner.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD