CHAPTER EIGHTY FIVE

1033 Words
Mikaella's P.O.V. "Liam?" nakakunot noo kong tanong dito. "Liam, catch!" malakas na sabi ni Kael at agad na hinagis ang isang badminton racket kay Liam. Nasalo naman iyon ni Liam at tumingin sa akin. "Yes. It's me, Liam," sagot nito sa akin at pinagmasdan ang itim na badminton racket na hawak-hawak n'ya. Hindi ba sabi ni Kael kanina na yung makakalaro namin sa badminton ay kasama rin mamaya sa beach? napatingin ako kay Liam ng mabuti. Nakapang-alis ang isang ito. Nakasuot ng itim na pants, puti at oversized na t-shirt. Kitang-kita mo ang broad shoulder nito at dahil nasa labas kami ay halatang halata rin ang pula nitong buhok. Nakita kong nilapag n'ya ang itim na bag sa bench malapit sa amin kung saan nakapatong ang bag namin nila Cara. Mas lalong napakunot ang noo ko. Hindi kaya kasama si Liam mamaya? pero bakit s'ya pa? "Shall we start the game?" tanong ni Kael at tumabi sa akin. "I'll team up with Mika since laging ka-team ko si Cara." Tumingin sa akin si Kael at ngumiti. "Okay lang ba sa'yo?" Napatingin ako kay Cara na lumipat na ng pwesto at tumabi kay Liam. "Yeah," maikli kong sagot kay Kael. "Okay then," malakas na sabi ni Kael at napatingin kaming tatlo sa kan'ya. Lumayo na kami para malawak ang space. Katapat ko si Cara habang katapat naman ni Kael si Liam. Tama lang na isang babae at isang lalaki ang nasa team para fair. Nang makaatras na kaming lahat at tama na ang layo namin ay huminto na kami. Tinignan ko sila Cara na seryoso ang mukha. Nakahawak na sila ng mabuti ni Liam sa badminton racket nila. Mukhang handang handa na ang dalawa. Nilingon ko sa tabi ko si Liam. S'ya ang may hawak ng shuttlecock. Inayos n'ya na ang posisyon n'ya at tinaas ang shuttlecock. Agad naman na rin akong umayos ng tayo. Hinigpitan ko ang hawak sa badminton racket ko at huminga ng malalim. Kailangan kong mag-focus. "Go!" Nakita kong hinagis na ni Liam ang shuttlecock sa kalaban namin. Mabilis na nasalo iyon ni Liam at papunta ito ngayon kay Kael. Nakita kong nasalo ito ni Kael at pinapunta n'ya ito kay Cara. Naalerto naman si Cara at mabilis na sinalo ang shuttlecock. Nakita kong papunta na ito sa akin at sobrang bilis. Inangat ko ang badminton racket at malakas na hinataw ang shuttlecock papunta sa kanila. Nakita kong parehas nilang hinabol ang shuttlecock at dahil doon ay muntik na nilang hindi ito matira. "Liam!" sigaw ko kay Liam nang makitang mabilis ang pagpunta nito sa kan'ya. "Got it!" sabi ni Liam at hinataw ang shuttlecock habang nakangiti. Nakita kong nasalo iyon ni Liam at tumingin s'ya sa akin. Pinapunta n'ya ito sa akin at nakita kong seryoso ang mukha ni Liam. Bigla kong naalala ulit ang sinabi n'ya kahapon sa akin. "Mika!" Agad akong natauhan at napaatras nang nasa harapan ko na si Kael at sinalo ang shuttlecock. "Sorry," mahina kong sabi dito at umiling para mag-concentrate sa laro. Bumalik na si Kael sa pwesto n'ya at nagpatuloy na kami sa paglaro. Sa shuttlecock lang ako nakatingin at hindi ko inaalis ang mata ko dito. Kailangan kong mag-focus. Pakiramdam ko pagtinignan ko ang mukha ni Liam ay mawawala ako sa focus. Wala pang nakaka-missed sa aming apat sa shuttlecock. Habang tumatagal ay mas bumibilis at lumalakas ang mga hampas namin. Nararamdaman ko na rin ang pagod pakonti-konti. Pakiramdam ko ay hinihingal na rin ako at kinakapos sa hininga dahil sa pagtakbo ko at paghabol sa shuttlecock. Nang makitang papunta ito sa akin ay mas diniinan ko ang hawak sa badminton racket at bumwelo. Mas nilakasan ko at binilisan ang paghampas dito. Nakita kong papunta na ito agad kila Liam. Sasaluhin sana iyon ni Liam pero inabot iyon ni Cara dahilan para magkabangga ang dalawa at bumagsak sa sahig ang shuttlecock. Napakunot ang noo ko nang may mapansin akong tao na nakasilip sa isang puno sa likuran nila Cara. Hindi ko gaano makita kung sino iyon dahil medyo liblib doon. Narinig kong sumigaw si Kael at tumalon talon habang sila Cara at Liam ay nakatayo na at nakasimangot lang. Naririnig ko rin ang reklamo ni Cara at inaaway si Liam pero hindi ko mapakinggan ng maayos ang usapan nila dahil nakatingin parin ako sa isang puno at naka-focus rito. Parang wala na akong ibang marinig kung hindi ang malakas na daloy ng hangin at ang paggalaw ng mga dahon ng puno. Nakita kong humawak sa gilid ng puno ang kamay ng tao doon at unti-unti na sumilip. Nanigas ang buong katawan ko at nanlaki ang mata. Hindi ako makagalaw at nagsimulang mahirapan na huminga. "Mika! we won!" "Argh. You're annoying, Liam." Nakatayo lang ako at bumagsak ang hawak kong badminton racket. Nakasilip lang sa puno ang tao doon. Nakasuot ito ng maskara na clown. "Mika!" Agad akong napatingin kay Kael nang magpunta ito sa harap ko at hinawakan ako magkabila sa balikat. Agad akong tumingkayad at sinilip ang puno pero wala na doon ang lalaki. "What happened? are you okay?" tanong ni Kael. "Gusto mo ba magpahinga?" rinig kong tanong ni Cara na nakatayo na sa gilid ko. "Or water?" Napatingin ako kay Liam na nakatayo parin sa pwesto n'ya kanina. Nakatingin lang s'ya sa akin at walang emosyon ang mukha n'ya. "Mika?" tawag sa akin ni Kael. "Ahh," agad naman akong nabalik sa sarili ko. "I'm fine," sabi ko sa kanila at dinampot ang nahulog na badminton racket. "Dumalas lang sa kamay ko." "Magpahinga na muna tayo 10 minutes tapos 2nd round. Then after, punta na tayo kila Vivian guys," sabi ni Kael at inalis na ang kamay n'ya sa balikat ko. "Okay!" sagot ni Cara. "Bibili ako ng water sa malapit na convinience store tsaka snacks na rin. Grabe ang intense ng laro natin. Anong gusto n'yo?" "Water and bread lang sa'kin," sabi ni Kael at kinuha ang bimpo n'ya para punasan ang pawis. "I'm not hungry," sabi ni Liam at umupo sa isang bench na malapit sa amin. "How about you, Mika?" tanong ni Cara sa akin. "Coffee in can," mahina kong sagot sa kan'ya at binalik ang tingin sa puno kung saan may nakita akong nakasilip kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD