CHAPTER EIGHTY THREE

988 Words
Mikaella's P.O.V. Nandito ako ngayon sa labas ng apartment ni Cara. Nakasuot ako ng denim blue jeans at brown stripped polo na may puting sando na pangloob. Suot-suot ko na rin ang bagpack ko na nilagyan ko ng extra na damit dahil baka maging suspicious sa akin si kuya pag hindi ako nagdala nito. Sa 3rd floor ng building ang apartment ni Cara. Nakatayo lang ako sa labas ng pintuan n'ya at nakatingin sa doorbell. Hindi ko alam kung pipindutin ko ba ito o hindi. Napabuntong hininga na lang ako at naisipang pindutin na. Nagpapainit lang ako dito sa labas at pinagtitinginan ng mga dumadaan. Bigla namang bumukas ang pinto at nakita ko si Cara na nakasuot ng itim na short at puting shirt. Nakababa ang mahaba at wavy n'yang buhok. Mukhang kakagising lang rin nito. "Mika!" tawag n'ya sa akin. "Come in," sabi nito at nilawakan ang pagkakabukas ng pinto para papasukin ako sa loob. Ngumiti naman ako sa kan'ya at pumaosk. "Thanks," mahina kong sabi dito. Nakaramdam ako ng hiya dahil hindi ko naman s'ya close. Alam kong na-aawkward-an din s'ya sa akin ngayon. "Feel at home lang," sabi n'ya at tinuro ang couch. "Maupo ka muna. What food or drinks do you want?" tanong n'ya. Umupo naman ako sa couch n'ya at tumingin sa kan'ya. "Actually, nag-breakfast ako sa bahay bago pumunta dito. You don't need to bring me food or drink." "Hmm, nah," sabi nito at sumimangot. "Bisita kita. Lahat ng bisita ko binibigyan ko ng food. Wait here, okay?" sabi nito kaya naman wala na akong ibang nagawa kung hindi ang tumango. Ngumiti naman s'ya at pumasok sa kitchen. Agad kong ginala ang paningin rito sa loob ng apartment n'ya. Maliit lang ito. May dalawang pinto rito. Para sa kwarto o bathroom n'ya siguro ang mga iyon. Kulay cream ang dingding n'ya at kulay light gray ang tiles. Konti lang ang mga gamit n'ya kaya naman maaliwalas dito sa loob ng apartment n'ya. Malinis rin dito at may mga halaman s'ya sa loob. "Here." Napatingin ako sa kan'ya nang ilapag n'ya ang isang baso ng orange juice, loaf bread at may spreading na kasama na peanut at cheese. "Hindi ko alam kung anong mas preferred mong palaman kaya dinala ko na yung dalawa." "Thank you, Cara," mahina kong sabi sa kan'ya. "It's nothing. By the way, bakit nga pala ang aga mo umalis sa inyo?" tanong n'ya at umupo sa kabilang couch habang nginunguya ang bread na hawak n'ya. "Ahh, may meeting kasi si Kuya sa bahay kasama friends n'ya. Ayoko namang maging istorbo sa kanila kaya inagahan ko na rin alis ko," pagdadahilan ko at ininom ang orange juice. "Ahh." Tumango naman s'ya at tumayo na. "Anyways, maliligo na pala ako. Stay here muna. Pupunta daw si Kael dito before or after lunch." "Okay," sagot ko sa kan'ya at ngumiti ng tipid. "Here's the television remote if ever na ma-bored ka and gusto mong manood." Nilapag n'ya ang remote sa lamesa. Tumango lang ako at naglakad naman na s'ya papasok sa kwarto n'ya. Uminom ako ulit ng juice dahil medyo nauhaw ako gawa rin ng init sa labas. Nakita kong lumabas na sa kwarto si Cara at pumasok sa isang pinto na katabi lang rin ng kwarto n'ya at mukhang doon ang bathroom. Pagkasara n'ya ng pinto ay saktong naubos ko na ang juice. Nilapag ko ito sa mesa at sumandal sa couch. Ginala ko pa ang paningin dito sa apartment n'ya. Hindi ko alam na mag-isa na pala s'yang nabubuhay. Nakita ko litratong nakasabit sa pader. Tumayo ako at lumapit dito. Dalawang lalaki at dalawang babae ito. Mukhang family picture ito ni Cara. Bata pa s'ya dito sa picture kasama ang papa at mama n'ya. May kasama rin silang lalaki na sa tingin ko ay kapatid ni Cara. Inalis ko na ang tingin rito at napatingin ako sa malaking shelves. May mga books at halaman rito. May mga maliliit na pictures din na naka-frame at nakapatong sa shelves kaya naman lumapit ako dito. Nakita ko pa ang iilang litrato ni Cara ng bata pa lang s'ya. Kasama n'ya halos ang kapatid n'yang lalaki dito hanggang sa mapunta ang tingin ko sa pictures na malaki na s'ya at hindi n'ya na kasama ang lalaki. Mukhang humiwalay si Cara sa kanila at nagsusubok maging independent. Napataas ang tingin ko at nakita ang isang maliit na bote. Napakunot ang noo ko at tumingkayad para makita ito. Nakita kong tablet na gamot ang loob non. Walang label ang bote kaya hindi ko alam kung anong gamot ito. Kukuhain ko sana ito at titignan kung ano ito pero bigla akong nakarinig ng doorbell. Napalingon ako sa pintuan. Sino kaya yun? Naliligo pa naman si Cara. Hindi ko tuloy alam ang gagawin. "Tsk." Napangiwi na lang ako at naglakad papunta sa pintuan para buksan ito. Pagkahawak ko sa doorknob ay mabilis ko itong binuksan. Napakunot ang noo ko nang makita si Kael. "Kael?" Tanong ko sa kan'ya. "Yup. It's me," sabi nito habang nakangiti. "Akala ko before or after lunch kapa makakapunta dito?" "Well, mabilis kong natapos yung pinapagawa sa akin ng homeroom Professor natin kaya free na ako," sabi nito at pumasok na sa loob. Sinara n'ya ang pinto at ginala ang paningin. "Where's Cara?" Tanong n'ya. "At bathroom," sagot ko. "Ohh," sabi ni Kael at tumango-tango. "Actually binilisan ko din dahil baka ma-awkward kayong dalawa." Tumwa ito ng mahina. Sabagay. Totoo naman sinasabi n'ya. Hindi ko nga naman close si Cara at hindi s'ya yung tipong friendly na madaldal katulad nila Earl at Kael. Hindi ako sumagot at tahimik na umupo lang sa couch. Binuksan ko ang television at nakita kong umupo si Kael sa kabilang couch. "Woah, peanut butter my favorite," sabi nito at nagpalaman nito. "Hindi kaba kakain?" Tanong n'ya. "Mukhang di mo ginagalaw tong bread na bigay ni Cara." "It's fine. I'm full. Nag-breakfast ako bago pumunta dito," sagot ko sa kan'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD